Chapter 19: Creepy lola
"Peace be with you" nasa simnahan kami ngayon ng buong pamilya namin. Kauuwi lang kasi ni daddy kaya kompleto na kami na nagsimba ngayon.
Natapos na ang misa at nag picture kami sa tapat ng simbahan. "Bell, pictur-an mo'ko, solo." utos sa'kin ni ate Tricia. Todo pose naman siya.
"Bili lang kami ng ice cream niyo, dyan lang kayo." sabi ni mama at kasama niya si daddy at Jojo. "Opo."
"Atras ka pa, Bell. Gusto ko whole body at kita rin ang buong simbahan" hays gusto niya lang na may ma-post siya sa instagram.
Habang umaatras ako may nakabunggo sa likuran ko. Napalingon ako at nakita ko ang isang matandang babae na nagtitinda ng sampaguita ang nakabunggo sa'kin. Puti na lahat ang buhok nito at hanggang paa ang suot niyang dress.
Nagulat siya nung makita niya ako. "Sorry po, lola" sabi ko na lang. Nagulat naman ako kasi nagulat ulit siya habang nakatitig sa'kin. Super magugulatin yata si lola.
"Ikaw!" sabi niya sa'kin na parang may ginawa akong kasalanan sa kaniya. "Nabuhay ka na dati 'no?" ang creepy ng boses niya at ngumiingisi-ngisi siya sa'kin.
"A-ano po?"
"Bell! Ano bang ginawa mo?" nasa gilid ko na si ate Tricia.
"Kasi si lo---" napatigil ako. "Asan na 'yun?" inilibot ko ang paningin ko sa paligid pero hindi ko na makita si lola.
"Sino hinahanap mo?"
"Yung matandang babae na kausap ko rito kanina." kinakabahan ako.
"Matandang babae?" tumingin siya sa likuran ko at tumingin din sa paligid namin. "Wala namang matandang babae ah? Puro bata 'tong nasa paligid na'tin."
"Hindi mo ba nakita kanina na may kausap ako na matandang babae?"
"Wala ka namang kausap kanina, kaya nga kita nilapitan kasi hindi mo na ako pinictur-an" biglang lumakas ang ihip ng hangin. Literal na nagtaasan ang balahibo ko. "Bell? Okay ka lang? Namumutla ka?"
"May kausap ako kanina" pag uulit ko sa kaniya.
"Bell, wala nga. Kung nakita ko naman 'yun edi sana hindi na kita nilapitan kaagad at hinayaan lang kita makipag usap" sabi niya. "Eh kaso nakita kita na nakatingin ka lang sa gilid mo at wala ka namang ginagawa o kausap man lang" hindi ko mapigilan ang panginginig ng mga kamay ko. Hindi nagsisinungaling sa'kin si ate at hindi rin siya nang pa-prank.
"Eto na ang ice cream!!!" narinig kong sabi ni daddy mula sa likuran na'tin. "Oh, anong nangyare sa inyong dalawa ba't ganyan mga itsura niyo?" napatingin ako kay ate na naka crossed arms at nakakunot ang noo. Nawala rin ako sa mood at hindi ako makangiti.
"Oh ice cream! Baka nagugutom ka lang" pag susungit sa'kin ni ate habang inaabot sa'kin ang isang ice cream. "Kung ano-ano nakikita mo" narinig kong bulong niya.
""Ate Bell! Parego tayo ng flavor ng ice cream oh!" masayang sabi sa'kin ni Jojo. Pareho kasi kami ng taste sa pagkain, kaya pareho rin na vanilla ang flavor ng ice cream namin.
Ngumiti na lang ako sa kaniya ng pilit at hindi mawala sa isip ko 'yung matandang babae at 'yung sinabi niya sa'kin.
Ako? Nabuhay na dati?
"Pagkatapos kumain ng ice cream pumasok na tayo sa sasakyan. Uuwi na tayo" sabi ni mama.
Naubos na namin 'yung mga ice cream at pumasok na kami sa sasakyan. Naandar na ang sasakyan. Nasa kaliwang side ako at ipinatong ko ang ulo sa left window ng kotse.
Habang papalabas ang sasakyan namin sa simbahan naramdaman ko na parang may nakatingin sa'kin na dahilan ng biglang pag angat ng ulo ko at napatingin sa taong nakatingin sa'kin mula sa labas.
Si lola! 'yung matandang babae kanina!
Napabagon ako mula sa pagkakasandal ng balikat ko sa gilid. Nanlaki ang mata ko nang makita kong sa akin nga siya nakatingin!
Ang creepy ng tingin niya huhu.
"Ate, ate!" nagmamadaling tawag ko kay ate Tricia. "Ayun 'yung matandang babae na sinasabi ko sa'yo kanina!" Napalingon si ate kung saan nakaturo ang kamay ko.
"Wala naman ah?" tumingin ako at wala nga! puro dumadaan na mga tao ang nakikita ko kung saan ko nakita na katayo 'yung matandang babae.
Napalingon ako kay ate at parang gusto ko na umiyak. "Hindi mo ba nakita? Puti 'yung buhok niya na hanggang siko ang haba at naka damit na pang lola." nakatingin lang sa'kin si ate at hindi siya sumasagot. Tinapik niya na lang ang balikat ko na parang sinasabi niyang okay-lang-'yan-bell-tulog-lang-ang-katapat-niyan.
Pagkauwi namin sa bahay nagkulong agad ako sa kwarto ko.
Hindi nakikita ni ate 'yung matandang sinasabi ko. Bigla-bigla ba naman nawawala.
Alam ko na sa'kin siya nakatingin kanina. 20/20 ang vision ko, kaya sigurado ako sa mga nakikita ko.
'Nabuhay ka na dati 'no?'
anong ibig sabihin ni lola? tyaka paano niya nasabi 'yun? Sino ba siya?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro