Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18: Daddy's home

Walang tumagal sa'kin na kaibigan. Maliban lang kay Sephil. Noon kapag may nakikilala ako at nakakakwentuhan, tinuturing ko na agad na kaibigan. Tipong makakasama ko sila sa loob ng tatlong linggo pagtapos nun wala na, iba na naman ang kasama ko at kinakalimutan na ako nung mga nauna.


Ako ang unang lumalapit sa mga taong mag isa noon at kapag dumami na kami, iiwan na nila ako. Kaya simula nun hindi na ako nakipagkaibigan at hindi na ako lumapit sa kapwa ko babae hangga't sa lumapit sa'kin si Sephil.


3 years na kami mag bestfriend ni Sephil at sobrang komportable na namin sa isa't - isa.


"Huy, mamshie. Ano na? Sabi mo ngayon mo sasabihin sa'kin kung bakit kayo nag break ni Jaebey? Magka-comeback na lang kayo hindi mo pa rin sinasabi sa'kin" sabi ni Sephil.


Pwede ko na sabihin sa kaniya, habang hindi pa namin kasama si Jaecey. Ayokong malaman ni Jaecey na pinagtanggol ko siya kaya nakipag break sa'kin si Jaebey.


Kwinento ko kay Sephil lahat simula sa paghingi ng tulong sa'kin ni Jaecey hanggang sa naabutan ko si Bey sa bahay nila Jaecey at nung nakipagkita sa'kin si Bey para lang makipag break.


"Pinagseselosan si Jaecey" sabi ni Sephil matapos kong ikwento lahat. "Alam mo 'di ko talaga maintindihan 'yan si Jaebey. Kambal niya naman 'yun e. Napakababaw niya talaga magalit"


"sobrang galit niya kay Jaecey, ayan nangyayare sa kaniya."


"Para siyang bading" bulong ni Sephil. "Mas mabuti pa na huwag mo na siya balikan. Pero ikaw bahala ka."


Umalis na si Sephil dahil makikipagkita pa ako kay Jaebey.


Nagkita ulit kami sa gym.


"Bell, I'm sorry. I'm sorry for being immature. I'm sorry 'di ko pinakinggan ang side mo" panghingi ng tawad sa'kin ni Jaebey. "Sorry inuuna ko palagi ang galit ko" hinayaan ko lang siya mag sorry.


"And then?"



"Binabawi ko na ang pakikipag break ko, pls come back to me" nagmamakaawa siya. "Aayusin ko na ugali ko, I promise"


"Sinabi mo na rin 'yan dati." nagulat naman siya "wala ka bang sasabihin na bago sa pandinig ko?"


"What? Okay. I'll do anything you want."


"Are you sure? Anything?"


"Yes."


"Makipag ayos ka kay Jaecey." hindi siya naka react.


"Actually, balak ko na makipag bati sa kaniya" nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko tatanggihan niya.


"Seriously?"


"Oo, sabi mo kasi gusto mo siya maging kaibigan. Kaya makikipag-ayos ako sa kaniya, ayokong may hindi ako kinakausap sa mga kaibigan mo." sabi niya. "Tyaka kambal ko rin siya, oras na siguro para makabawi ako sa kaniya" ngumiti siya sa'kin. Natuwa naman ako sa sinabi niya.


"Alright. Makipag ayos ka muna sa kambal mo bago ka makipag ayos sa'kin" sabi ko. "Mauuna na ako, kailangan ko na umuwi"


"Ihahatid na kita" pumayag na lang ako.


Pagkauwi ko sinalubong ako ni Jojo.


"Ate! nandito si Daddy!" magandang balita sa'kin ni Jojo. Kaso kasama ko ngayon si Jaebey.


"Bellinda" tuwang tuwa sabi ni daddy at bigla niya akong niyakap. Niyakap ko rin siya. "Dalaga ka na" sabi niya habang hinihimas ang ulo ko.


"Good evening po" bati ni Jaebey sa kaniya.


"Ikaw na ba 'yan Jaecey?" tanong ni daddy kay Jaebey.


"A-ah, Jaebey po. Si Jaecey po ang kambal ko"


"Ay! Hahaha pasensya na Jaebey hanggang ngayon nalilito pa rin ako sa inyong dalawa" sabi ni daddy "Dito ka na mag dinner" pag anyaya niya kay Bey.


Tumingin sa'kin si Jaebey at tumingin ulit kay daddy "sige po"


Sabay sabay kami kumain. Nasa kaliwa ko si mama at nasa kanan ko naman si Jaebey. Nasa harap ko naman si Jojo at katapat ni mama si ate Tricia at nasa main table chair si daddy.


"Kumusta ang pag aaral niyong dalawa?" tanong ni daddy samin ni Jaebey.


"Okay lang po" sabay naming sagot ni Jaebey.


"Eh relasyon niyong dalawa kumusta?" nakita ko naman na siniko ni mama si daddy dahil sa tanong nito hahaha. Hindi namin alam ni Jaebey kung ano isasagot namin.


"Okay lang din po" sagot ko.


"That's good. Jaebey wag na wag mo papaiyakin ang bunsong babae ko ah! Kapag nalaman kong sinaktan mo ang anak ko, ipapatapon kita sa mars" biro ni daddy. Sa panahon ngayon, may nakapagsabi na pwede na tumira ang mga tao sa Mars pero walang nagbabalak na tumira.


"Sure, tito. Going strong po ang relasyon namin ni Bell" nagulat ako sa sinabi niya. Hindi pa ako napayag na magkabalikan kami tapos.. hays.


"Basta huwag pababayaan ang pag aaral" pangangaral sa'min ni daddy. Natapos kami mag dinner at uuwi na si Jaebey.


Sinamahan ko si Jaebey lumabas sa bahay namin.


"Bakit mo sinabi 'yun? 'Di pa naman ako napayag na makipagbalikan sa'yo ah" sabi ko.


"Hindi 'pa'? So may balak ka na pumayag?" ang laki ng ngiti niya.


May sinabi pa akong 'pa'? Ugh! Kainis.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro