Chapter 13: Assignment
Nakabili na kaming tatlo ng pagkain namin at pumunta sa vacant table. Umupo sa kanan ko si Sephil at nasa harapan naman namin si Jaecey.
Habang kumakain kami napatingin ako kay Sephil na nakatitig lang kay Jaecey. "Baka matunaw si Jaecey niyan" pang-aasar ko.
"Ha?" kawawang Jaecey walang kamuang-muang.
"Grabe, kamukhang kamukha mo si Jaebey" manghang sabi ni Sephil.
"Alam mo kung bakit?" sabi ko sa kaniya.
"Bakit?"
"Kasi kambal sila." sabi ko at ngumiti ako sa kaniya ng nakakaloka.
"Mamshie Bell, 'wag mo naman ako ipahiya sa harapan ni Jaecey. Pinapahiya mo 'ko eh" malungkot niyang sabi habang nakatingin sa pagkain niya. Tumawa kami ni Jaecey sa asta ni Sephil na parang bata.
Pagkatapos namin kumain napag usapan namin na gawin na ang assignment sa P.H. habang may 2 hours vacant kami.
"Mamshie, pwede bang gawin na lang na by 3 ang assignment?" sabi sa'kin ni Sephil
"Bakit? ayaw mo ba sa ka-pair mo?" tanong ni Jaecey sa kaniya. Umiling si Sephil in response.
Nakita ko naman na parang may isang malaking question mark sa mukha ni Jaecey. "Sino ba ang matutuwa na makapares ang barumbado na si Noah Smith" sabi ko.
"Ah barumbado" sagot ni Jaecey at tumango-tango.
"Gusto ko mag individual pero bawal" dismayadong sabi ni Sephil at padabog na naglalakad. I felt bad for Sephil.
Nakita ko na naman na may question mark sa mukha ni Jaecey. "Strict kasi ang teachers dito sa Maligaya University. Once na nagbigay sila ng gagawin at kung sino ang makakasama mo sa gawain na 'yon, 'yun na 'yun. That's final."
sabi ko. "Kaya nga binansagan ang mga teachers sa University na 'to na 'Maleficents 2.0' kasi 'When they command and speak, no power on earth can change it'." dagdag ko. Nakita ko naman na kumbinsido si Jaecey sa mga sinabi ko.
Ewan ko ba, kahit sobrang strict na ng mga teachers may mga barumbado pa rin na estudyante. Katulad na lang ni Noah.
Humiwalay na sa'min si Sephil dahil hahanapin niya raw si Noah at kami naman ni Jaecey sa library gagawa.
Hindi ko alam kung bakit may Philippine History subject kami kahit ABM naman ang strand namin.
Siguro hindi na kaya ipagsiksikan sa elementary at junior high and history ng Pilipinas dahil nadadagdagan at sobrang dami ng ganap noon. Hahahaha! Charot.
Nandito na kami ni Jaecey sa library. Maghapon akong hindi pinansin ni Bey at iniiwasan ako. Nag walk out pa siya sa canteen kanina matapos niya kaming makita ni Jaecey na magkasama.
"So, anong gagawin natin?"
"Mag search" tamad kong sagot habang dahan-dahang sinusuklay ang buhok ko.
"Alam mo 'yung may manghuhula raw dati at sinabing gugunaw ang mundo sa taong 2012?"
"Hindi. Ano 'yun?" nabuhayan ako. "Kwento mo sa'kin"
"Bell, assignment 'to. Hindi tayo magkukwentuhan" pangangaral sa'kin ni Jaecey.
"Isusulat ko sa papel lahat ng mapipili nating topic at pagkatapos, pili tayo ng isa na pinakamaganda" suggest ko.
"Tama, tama."
"Uhm, how about the virus na kumalat noong 2020? it was called CoViD-19" sabi ko.
"I heard that before"
"That's it! 'yan na ang ilalagay natin sa assignment"
Napapaisip si Jaecey at hinawakan niya ang baba niya "uhm, can we consider that as Philippine history? It happened worldwide" duda niya.
"Ofcourse yes!" tumaas ang boses ko at nakita kong nag sitinginan ang ibang kasama namin sa library.
"Lower your voice"
"Sorry" I sighed. "Anyways, I considered CoViD-19 as a part of our Philippine history. Naging isang malaking dagok 'yon sa buhay ng mga Pilipino. Maraming namatay at namatayan, maraming nawalan ng trabaho, maraming nagutom at maraming naghirap." paliwanag ko.
Nag vibrate ang phone ang phone ko at nakita kong may text si Jaebey.
"Gym" - Bey
Ganito pala text sa'kin ni Jaebey kapag kailangan namin magkita. Doon din kami nagawa ng assignments, ayaw niya kasi sa library dito. Nakakasuka raw ang amoy sa library ng Maligaya University hahahaha.
"Why are you smiling?" napatingin ako kay Jaecey at napansin ko sa sarili ko na nakangiti nga ako.
"Nothing" sabi ko at nagmadaling isuot ang backpack ko at saka tumayo. "ituloy na lang natin 'to later through chat" masayang sabi ko.
"Why are u so happy?" kasi nararamdaman ko na makikipagbati na sa'kin si Jaebey.
"Palagi naman akong masaya and there's no reason to be sad" I smiled at him at excited akong lumabas sa library.
Sinundan ako ni Jaecey palabas. "Saan ka pupunta?"
"Diyan lang sa tabi-tabi" binilisan ko ang lakad ko. "Byeeee!! See you tomorrow!" sigaw ko sa kaniya sa hallway habang natakbo palayo.
Hingal na hingal ako nung makarating ako sa gym. Nakita ko si Jaebey na nakaupo sa 'di kalayuan. Tumakbo ako papunta sa kaniya.
Pagkatapat ko sa kaniya, tumingin siya sa'kin nang direstyo at biglang nagsalita
"explanation starts now."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro