Chapter 1: I am Bell
December 31, 2055
Mahimbing ang pagtulog ko at nagising dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana.
I opened my eyes.
Umaga na pala.
Bumangon ako sa kinahihigaan ko at nag-unat ng katawan.
Hay, ang ganda ng gising ko! kasing ganda ko hehe.
Dumiretsyo ako sa banyo para maghilamos. Tumingin ako sa salamin.
WOW MAY DIYOSA! SI BELLINDA!
Habang nananalamin ako ay pinisil-pisil ko ang mukha ko sa super kinis nito.
Ngayon alam ko na kung bakit naghahabol sa'kin noon si Jaebey. HAHAHAHA.
Naalala ko tinanong ko noon si mama kung bakit Bellinda ipinangalan sa'kin. Sabi niya nung naramdaman niya na lalabas na ako sa sinapupunan niya ay bigla na lang daw tumunog 'yung bell ng simbahan kahit wala naman daw misa nung mga oras na 'yun. At kasagsagan din daw noon ng bagyong Linda. Kaya ayun, Bellinda tuloy ipinangalan sa'kin.
Pero tinatawag akong Bell, mas bagay daw kasi 'yun sa beauty ko hehe. Kaya nga ang Disney Princess na si Bell ang gumanap na Beauty sa 'Beauty and the Beast' na movie. Saktong sakto 'diba hehe.
Meron akong mahabang buhok. Maganda ang shape ng kilay ko pero hindi ganoon kakapal. Pero hindi nagpatalo ang eyelid ko sa kapal. At medyo may pag kamahiyain ang cute size lips ko. Kung naging mahiyain ang lips ko, mas naging mahiyain ang ilong ko, hindi man lang tumangos, nagtago ang buto.
Kahit ganoon ay pretty pa rin ako, sabi ni mama hehe.
My age? sixteen,
and later seventeen.
Lumabas na ako sa kwarto ko matapos ko puriin ang sarili ko sa harap ng salamin.
Nakita ko si mama na nagluluto ng pagkain at ang daming bilog na prutas. Anong meron?
Oo nga pala! New Year's Eve na mamaya.
Nakita ako ni mama na bumababa sa hagdan.
"Oh Bell, gising ka na pala. Almusal ka na rito, may niluto akong suman. Nilagay ko sa ref 'yung iyo, favorite mo ang malamig na suman 'diba?" sweet na sabi ni mama.
"Thanks, Mama" sabay punta sa ref at kinuha ko ang cold suman.
"Ma, asan si Jojo?" tanong ko.
"Nasa kwarto ni ate Tricia mo"
Pagkatapos ko kumain ay umakyat agad ako sa kwarto ni ate Tricia.
Naabutan ko naman sila na naglalaro ng sungka. Tumabi ako sa kanila.
"Ate Tricia, 9:00 PM pala ang misa mamaya sa simbahan"
"Anong gagawin ko?" sagot niya, na halatang gusto niya akong insultuhin. Aba nagsusungit na naman 'tong ate ko.
Syempre, hindi ako papatalo. "Bakit? Ano bang ginagawa sa simbahan?"
"Whatever" pikon siya.
Sanay na ako sa kasungitan niya pero hindi naman siya masamang tao. Kahit ganiyan siya, palaging siya ang kasama ko magsimba. Hindi lang 'yon, pinagtatakpan niya rin ako sa mga kalokohan ko minsan hehe. Natural na ang pagiging masungit niya, kaya siya walang jowa. Hahahahaha.
10:00 PM
Tapos na ang misa, mag iintay na lang para sa pag sapit ng bagong taon. At syempre ang pinakahihintay ng lahat ang Media Noche.
Sa pamilya namin hindi lang New year ang hinihintay sa ganitong oras, pati na rin ang pag sapit ng kaarawan ko.
Yes, January 1, 2039 ako pinanganak.
"Ay palaka!" sigaw ko nang magulat ako na may bumagsak na bagay sa likuran ko.
Si Jojo pala, nabitawan 'yung laruan niya. "Sorry, ate" sabi niya.
"Okay lang, lika dito. Samahan mo'ko mag muni-muni" nasa balcony kami ngayon.
Masarap ang simoy ng hangin sa parte ng bahay na'to dahil may katabi kaming puno ng mangga.
OFW si daddy, si mama naman ang nag aalaga sa'min. Hindi kami ganoon kayaman at hindi rin kami mahirap. Sakto lang.
Sa pag muni-muni ko hindi ko na namalayan na 11:45 na. Tumalikod na ako at bababa na sana sa sala pero..
"Ahh!!" sigaw ko nang magulat ako sa narinig ko na may pumutok nang malakas mula sa itaas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro