Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

Several years later. Graduation Day.

[ KOOKIE POV ]

Snips snip snips. Ilang oras naba akong naka-upo dito at pakiramdam ko may stiff neck na ako? Nangangati na batok ko.

"Huwag kang gagalaw!!!!" biglang sigaw ni Jinny. Ginugupitan nya kasi ako.

"Paano namang hindi ako gagalaw! na-stiff neck na ako di ka pa tapos jan!" pagrereklamo ko. "Sabi ko naman kahit barber cut na jan eh!" dagdag ko pa. Binatukan niya ako.

"Barber cut? edi sana dun ka sa barbero nagpagupit? bakit nandito ka sa salon ko?!" sabat naman niya na may diin sa salon. Sasagot sana ako kaso wala akong maipambara sa sinabi niya.

"Eto na nga, statwa na ulit, take your time kahit buong araw tayo dito." pasarkastiko kong sabi.

Ring ring ring. Nag-vibrate ang ang telepono ko na nasa dashboard ng salamin sa harap ko. Hindi ko makita kung sino ang tumatawag dahil nakabaliktad ito. Inisip ko muna kung gagalaw ba ako para sagutin yun o hintayin kong si Jinny nalang ang sumagot. Hindi ko pa nagagawang igalaw ang kamay ko at naramdaman ko na ang matalim na titig ni Jinny mula sa likuran ko.

"Don't speak! don't breathe! don't you freakin' move!" aniya habang marahang ginugupit ang buhok ko sa gilid. "Walang mawawala sayo kapag hindi mo sinagot yan pero mawawalan ka ng buhok kapag gumalaw ka! Isa-isahin kong tatanggalin lahat ng buhok mo mula ulo hanggang paa!" dagdag pa niya.

Mga ilang dekada pa ang nakalipas ay natapos rin siya. Agad kong tinignan ang akong telepono upang tignan kung sino yung tumawag. Si Aiyoo. May message din galing sakanya.


From: Aiyoo

Ok na ang lahat, pwede ka nang pumunta ng police para kausapin sila.


"San ang lakad mo aber?" tanong ni Jinny na nakapamaywang.

"Sa police." tugon ko habang inaayos ang buhok ko sa harap ng salamin.

"Itutuloy  mo talaga? kelangan mo ba talagang gawin kay Aemy yan?" aniya.

"Lahat ng bagay may katapusan, pupunta ka ba?" tugon ko. Hindi agad siya sumagot. Nagdadalwang isip kung ano ang sasabihin. Nakatitig lang siya sakin animoy binabasa kung ano ang nasa isip ko.

"Never! kahit kaladkarin mo ang beautiful body ko, di ko kayang panuorin ang gagawin mo sa kawawang Aemy! Ano nalang magiging reaksyon ni Ralph Mond?!" aniya.

"Hindi ko na pwedeng i-urong ang kaso." tugon ko naman habang papalabas ng salon.

"Sigurado ka ba yung mga ebidensya? Arson diba? [the criminal act of deliberately setting fire to property]. At talagang sa graduation day pa!" pagsesermon niya. Hindi na ako nagsalita pa at umalis.


[ AEMY POV ]


"Kuya Ralph, isama mo na si Trixie! sige na!" pangungulit ko kay kuya na abalang naglalaro sa computer. 2 guests kasi ang entitled sakin dahil cum laude ako, ayoko namang masayang yung isang upuan.

"Sinasabi ko sayo, may fashion show siya mamaya kaya hindi pwede." tugon naman niya na hindi umiirap sa laro.

"Her show is in the afternoon! Evening ang graduation namin kuya!"

"Pagod yun after show, sigurado mas gusto niya matulog"

"Tignan mo to... matalo ka sana hhmmphf!" iniwan ko siya at umakayat ng kwarto. Ayaw naman kasi niyang ibigay new number ni ate Trix. Humilata ako sa sahig at pinagmasdan ang toga na nakasabit sa locker ko.

Sa apat na taong pag-aaral, graduation day lang ang naiisip ko. Nae-excite ako kapag naiisip kong graraduate na ako pero nung nakuha ko na ang toga at magaganap na ito mamaya, parang wala lang. Parang hindi ako nae-excite. Yung feeling na, tapos na ang lahat, diploma, speech.. just another day.

"Hay ewan!" napa-upo ako, tumingin ako sa labas at mukhang maganda ang panahon. Ano kayang ginagawa ni Kookie? Kahapon pa siya busy, di man lang ako matawagan o text man lang.

Na-elect kasi siyang student body president for the 2nd time kaya siya ang isa sa pinaka-busy ngayon. Actually, parang halos hindi kami nagkita these past few days. Sana maging successful ang lahat, wala naman sanang event crasher this time. Lately kasi, after events eh may sunog.


Beep beep! Agad akong napatayo at dumungaw sa labas upang silipin kng sino ang bumusina. Dali-dali akong bumaba nang makita ko ang kotse ni Kookie sa harap ng bahay. Paglabas ko ay siya namang papasok ni Kookie sa gate.

"Kookie! anong ginagawa mo dito?" bungad kong tanong bago ko napansin ang buhok niya. "Nagpagupit ka?"

"Bagay ba?" aniya at sinuklay niya ng kamay nya ang kanyang buhok. Niyakap ko siya at narinig ko ang malalim nyang buntonghininga.

"Aemy, I'm sorry" pagpapaumanhin niya na ikinalito ko.

"Huh? bakit?"

"Basta sorry.." aniya. Dahil ba ngayon lang siya nagpakita sakin?

"It's fine, I understand." tugon ko naman. Super stressed out na siguro to. "Come on in. Ipagtimpla kita ng coffee." alok ko.

"Hindi na, dumaan lang ako para makita ka" sinuklay ng kamay nya an aking buhok na kanya namang hinalikan. "love you~" sabay dampi ng labi niya sa noo ko.

"Mmm, love you too." tugon ko naman habang pinagmamasdan ang kagwapuhan niyang makasalanan. Napasulyap siya sa likod ko.

"Paki-kamusta nalang ako kay Ralph Mond, mukhang busy eh." lumingon ako sa likod ko at tanaw mula sa kinatatayuan namin ang likod ni kuya na abala sa paglalaro. Hinintay kong makalayo ang kotse niya bago ako pumasok ng bahay.

"Anong sabi ni Kookie?" ani kuya nang maglakad ako papuntang kusina. Huminto ako at tumingin sakanya.

"Oh, alam mo palang si Kookie di ka man lang nag hello." puna ko. Nagkibit balikat siya.

"Eh  mamamatay tong character ko." pinisil ko ang tenga niya at tumakbo papuntang kusina.


[KOOKIE POV ]


"Hello Sugar?" sinagot niya yung tawag ko pero puro ingay lang naririnig ko. "Hello?" muli kong sabi.

"Ah oh hello Kookie!" pasigaw niyang sabi. Nasa maingay na lugar ata siya.

"Saan ka?"

"Nandito pa ako sa train station, ikaw" tugon niya.

"Malapit na ako sa park, hintayin nalang kita do--" di ko pa natatapos sinasabi ko ay naputol na ang tawag. Nag-send na ako ng text sakanya para siguradong mabasa niya ito.

10:30 am park. Daming tao ngayon ah. Nakita kong kumakaway sakin si Sugar sa di kalayuan. Naka-sumbrero pa siya. Lumapit ako sakanya at umupo kami sa may lilim.

"Oh, eto na yung mga pictures ni Aemy, anjan narin yung video. Hay grabe! ang layo ng nilakad ko." humahangos siya at mukha talagang napagod.

"Sabi ko naman kasi sayo, i-send mo nalang sa email ko eh." kinuha ko yung flashdrive at ibinulsa ito.

"Masyado kayang malaki yung size... pero Kookie, kinakabahan ako para mamaya." bakas ang pag-aalala sa mukha niya.

"Nakausap ko naman na mga officers, naka standby na yung iba."

"Mauuna ba si Aemy?" tanong niya.

"Huli ang kay Aemy, kailangan munang hintayin ang signal ng mga police bago simulan yung kay Aemy."

"Sabagay, pero yung promise mo ha, huwag mong sasabihin na sakin nanggaling mga yan. Hindi ako mapapatawad ai Aemy." aniya na tinutukoy ang files na nasa flashdrive.

Ngumiti ako at at tumango. Kapag naibigay ko ang ang files na ito sa coordinator ay saka lang magiging totoo ang lahat. Ngayon ang kailangan ko nalang gawin ay makipag-kita kina Felix at hintayin ang graduation mamayang gabi. Naghiwalay kami ng daan ni Sugar. Ipinaalam ko kay Felix ang kinalalagyan ko. Huminto ang isang SUV sa harap ko, bumukas ang pinto sa likod at dumungaw sakin si Felix. Sumakay ako.

"Here" ipinakita niya sakin ang package na pinabibili ko sakanya. Napabuntong hininga ako bago ko ito kinuha. Binuksan ko ito para kumpirmahin ang laman.

"It's perfect" sabi ko. Ihinatid niya ako sa condo ko. Bumaba ako. "Are they coming?" tinutukoy ko ang tropa.

"Binubugbog nila ngayon si Jinny" natatawa niyang sabi. "Don't worry, whatever happens.. reresbakan ka namin." dagdag niya. Umalis siya at ako naman ay sumakay ng elevator. Pumasok ang sa room ko at itinapon ang aking sarili sa couch. Hindi ako mapakali. Para bang napakabagal ng oras. Minutes went by. Hours passed.

"I'm on my way" sagot ko kay Debra na tumawag. Masmaaga akong pupunta sa venue para masiguradong nasa ayos ang lahat. Kailangan ko ring kumpirmahin ang pisisyon ng mga staff at iba pa. Nakahilera na ang mga upuan at dekosayon nang dumating ako. Sinalubong ako ng prinsipal.

"Kailangan ka sa audio room" sabi niya. Agad naman akong dumeretso doon.  May dalawang pulis na nakatayo sa magkabilang gilid ng pinto. Kinapkapan ako at pumasok. Sa loob ay nakaupo ang limang tao, kasama na ang isang detective.

"Just in time. Nirereview namin ang blueprint, do you have the file?" sabi niya habang sinasalubong ako. Inakbayan niya ako sa balikat. Isinilid ko sa kamay niya ang flash drive na ibinigay sakin ni Sugar. Isinaksak ito sa computer na agad naman naming tiningnan. Nangingiti silang lahat nang makita ang laman nito. Pinag-usapan pa namin mabuti ang ilang detalye ng magaganap mamayang gabi.

"Thank you sir" ngayon naman ay sinamahan ako ng ilang pulis sa isang silid kung saan may naka kabit na maraming monitor, mga gadget at kung anu anu pa. May ikinabit ring mic at earpiece sa akin. Ipinaliwanag din nila ang mga dapat gawin. Hindi ko maipagkakaila na tumitindi ang kaba sa dibdib ko. Paano kung may masamang mangyari? Narinig ko ang palakpakan nang lumabas ako ng silid.

"Kookie!" Nakita kong humahangos si Aiyoo sa pasilyo. Lumapit ako sakanya at tinanong kung anong problema. "Ano bang ginagawa mo? opening speech kana!" taranta niyang sabi. Nagmadali kaming pumunta sa backstage. Naramdaman kong nawala ang pagkabahala ng mga tao nang makita nila ako ng parating sa backstage.

"Sorry, may sinabi lang saakin" sabi ko. Ibinigay sakin ang kopya ng aking speech. Tinawag ang pangala ko at narinig ko ang palakpakan nila. Umakyat ako ng entablado at tumayo sa plataporma. Marahan kong pinagmasdan ang mga nakatayong estudyante sa harap ko. Isa sa mga nakaupo sa harap ay si Aemy katabi si Ralph. Bakante ang isang upuan, marahil nasa isang gig si Trixie. Nginitian ko si Aemy nang magtagpo ang mga mata namin. Huminga ako ng malalim at pilit kinalma ang sarili.

"It is my great pleasure this fresh and glorious evening to welcome you to Converse High Colleges 149th Commencement...blah blah blah" matapos kong matapos ang speech ko ay biglang may nagsalita sa earpiece na naka-kabit sa tenga ko. Sinenyasan ko si Debra para bumalik na sa upuan niya kasama ang ibang mga graduates at baka mag-alala na ang kanyang tita. Habang nagaganap ang seremonya ay mabilis akong nagpunta sa exit door.

"Talk him out as much as possible." sabi ng boses sa earpiece. "Kapag nasa loob na siya, papasok na kami. Kailangan lang nating marinig ang pangalan ng nagrekomenda sakanya."

"Pwede ko bang tanggalin tong earpiece?" tanong ko. Sa anong pelikula ka ba nakakita ng kasabwat na naka earpiece kapag nakikipagtransaksyon? Napa-isip sila at pumayag.

"The moment we hear the name. Pwede ka nang umalis. You have 15 minutes" tinanggal ko ang earpiece.

Pagkatapos kasi ng ceremony, may buffet party sa gym at nagrequest kami ng catering service. Kakatagpuin ko ngayon yung trabahador na naka-toka sa mga food warmer. Naghintay ako sa exit hanggang sa dumating itim na van. Bumaba ang isang lalaki. Nakasumbrero, may kapayatan at mistiso.

"Ikaw ba naka-toka sa foodwarmers?" tanong ko. Inayos niya ang sombrero niya.

"Opo sir" tumingin ako sa relo ko at sakanya.

"Bakit ngayon ka lang kuya? Kanina pa namin hinihintay mga food warmers" pagrereklamo ko. Yumuko siya at sinabing babalikan kukunin lang ang mga food warmers sa van. Sinamahan ko siyang magbaba ng mga ito para masmabilis.

"Saan pwedeng ilagay tong mga extra warmers?" tanong niya.

"Sa storage muna, dito" sinamahan ko siya sa storage room sa harapan kung saan nakatago ang dalawang pulis. Ibinukas ko ang ilaw at mabilis sumulyap kung saan sila nakatago. Tumango sila. Isinara ko ang pinto at tinulungan siyang ayusin ang mga ito.

"Gaano ka na katagal sa trabahong ito kuya?" tanong ko.

"mga 4 months palang" tugon naman niya. Halos kasabay ng pagsisimula ng mga event fires. Medyo mainit sa loob ng storage kaya pinagpawisan kami. Naka-aircon ang gym pero ang storage hindi.

"bakit mo isinara ang pinto, ang init dito" bigla akong kinabahan sa tanong niya.

"ah-eh ..para hindi pumasok ang lamig" umiling siya na parang nagsususpetya.

"Graduation mo ngayon diba? okay lang ba na nandito ka?" napatingin ako sa relo ko. In 15 minutes kasi, tatawagin ang pangalan ko para ibigay ang award.

"Ah, may oras pa naman. Mamaya pa naman tatawagin ang pangalan ko." kabado kong sabi. Hindi na siya umimik at hinila ang isang cooler na hatak hatak niya kanina. hindi ko maiwasang tumingin dito.

"Anong laman niyang kuya?" Bigla nagbago ang kilos niya at parang nataranta. Lumapit ako habang binubuksan niya ito para ipakita sakin.

"Ah ito ba? gas para sa mga warmers para may extra" Itinaas ko ang isang lalagyan. Wala itong tatak. Nakita ko rin ang puting tali sa loob. Para saan yung tali? Sinabihan niya akong bumalik na sa venue.

"Ah oo nga pala. Sino ang nagrekomenda sayo?" halos lalabas na sa lalamunan ko ang puso ko nang tinanong ko ito.

"Bakit mo natanong? kailangan pa bang malaman yun?" sabi niya. Medyo naging seryoso ang kanyang mukha.

"Hindi naman. Kailangan kasi sa documentation, para may reference kami next year." napa-iling siya. Inilabas ko ang ballpen at notebook na nakalagay sa bulsa ko. "Kahit first name or company name lang po" 

"Hindi ko alam yung pangalan ng kumpanya eh. Ang nakausap ko eh yung Aemy.. Kim Aemy." pagkasabi niya nun ay gumawa ako ng dahilan para lumabas ng kwarto.


[AEMY'S POV]


"The recipient of Athlete of the Year Award are Suzy Tomelden and Reynan Ignacio. Please give them a round of applause" sabi ng Prinsipal. Tiningnan ko ang programme. Susunod na si Kookie. Kanina ko pa siya hinahanap. Wala siya sa upuan niya. Ano bang ginagawa niya sa backstage?

"Lastly, the recipient of Leadership Award is John Juanito McKook." Nagsipalakpakan ang lahat. Pumapalakpak ako habang hinahanap siya. Umakyat siya ng entablado at tinaggap ang plake at medalya. Nagsitayuan ang lahat nang itinaas niya ang plake at hinalikan ang medalya. Tignan mo yun, feel na feel ang pagiging sikat. Bumaba siya at dumeretso sa kanyang upuan. Isa-isa na ngayon tinawag ang mga pangalan namin para tanggapin ang diploma. At dahil suma cumlaude ako, may extrang medalya at certificate akong natanggap. Itinapon namin ang aming mga graduation hat sa ere at nagsipalakpakan. Nagpahayag ng mensahe ang prinsipal at iba pang mga panauhing pangdangal.

"Let's welcome our Student President for his closing remarks" this time, pinangunahan ko ang pag-tayo at pagpalakpak. Bakit napakagwapo niya ngayon? Sinimulan niya ang pagsasalita. Lahat ay nakatuon ang atensyon sakanya. Tumatawa ang lahat kapag bumabanat siya ng joke.

"I would now pass the mic to our suma cum laude. Miss Kim Aemy" nagsipalakpakan ang lahat. Umakyat ako ng entablado. Pero bago ko pa man maabot ang plataporma ay muling nagsalita si Kookie kaya napahinto ako sa gitna ng entablado.

"But before that, we are all aware that these past few months, there has been event fires. Raging from weddings, parties, functions and even graduations" nagsimulang magbulungan ang mga tao. Napatingin lang ako kay Kookie. Bakit niya sinasabi ito? 

"We have apprehended the suspect of the serial event fires. Kim Aemy,--" nagulat ako nang banggitin niya ang aking pangalan. Bigla nalang may dalawang pulis na humawak sa magkabilang braso ko. Anong nangyayari?

"Kookie?" kabado kong sabi. Nagkaroon ng malakas na bulungan sa madla. "What's the meaning of this? Kookie!" 

"Kim Aemy, I am charging you with Arson! the criminal act of deliberately setting fire to property" naguguluhan ako. Anong pinagsasasabi niya? Arson?  

"What are you doing Kookie?" am I the suspect? I'm loss at words. I don't even know what to say. More importantly, nakatingin sakin lahat ng tao. Bumaba siya sa plataporma at lumapit saakin.

"You are guilty of Arson" sabi niya habang serysong nakatingin saakin. Napakagat ako ng labi. 

"What? Since when did I set fire to anything?" halos maiyak kong sabi. Hindi ko maintindhihan.


"You are guilty for setting my heart on fire" sabi niya. Bumitaw ang dalawang pulis sa pagkakahigit saakin. At sa likod ni Kookie, nagflash ang isang slideshow sa white screen. Nagsimulang manginig ang labi ko at mamasa ang aking mga mata. Nagflash ang mga pictures ko at mga candid videos. Napuno ng tiliian ang ere.


"Ever since the day we bumped into each other, you already had my heart.

I coudn't believe how beautiful you were, the way you cried. 

How you gently wiped your tears. It pierced my heart.

Your laughter gave me strength as your kisses made me weak.

I know I shouldn't but I couldn't ignore my feelings for you, that is why I want you to know..

That if there are poeple that loves you, I'm one of them.

If there are thousands left in this world that loves you, Im still one of them.

If there are hundreds left in the world that loves you, I'm definitely among of them too.

Even if there is only 10 people in the world that loves you, I'll still be there to love you.

But.."


Huminto siya sa pagsasalita at lumapit pa sa saakin. Sobrang lapit. Magkaharap kami. Nakakatunaw ang kanyang mga tingin. Wala akong magawa kundi punasan ang mga luha tumutulo sa pisngi ko.


"If there is no one else left to love you in this world,

that means I'm no longer on this world because I can't have you"


I felt hot chills and electricity run through my body. Hindi ko alam kung mabibingi ako sa tilian n lahat o nabingi ako sa sinabi ni Kookie. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero hindi ko magawang gumalaw. Para akong tuod na nasimento sa kinatatayuan ko. Maslalong lumakas ang hiyawan nang lumuhod sa harap ko si Kookie. 


"Can you be my forever Aemy?

Will you marry me?" 


binuksan niya ang isang maliit na kahon na naglalaman ng singsing. Narinig kong sumisigaw ng YES ang mga tao. This time, hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at bumuhus na ang luha ko. I nodded wiping my tears. Inilahad ko ang kanang kamay ko.

"Hmm, yes" I mananged to say yes despite all of my emotions. Inisuot niya ang singsing sa ring finger ko. Tumayo siya at siya ko namang siyang niyakap ng mahigpit. 

Biglang may tumunog na instrumental.. at nagsimulang kumanta ang lahat.



Nagslowdance kami habang nakayakap. Dinadabog ko ang kanyang likod habang sinasabing nakakainis siya. Panay lang ang tawa niya at nararamdaman ko ang ngisi niya. Wala akong ibang maisip kundi ang sandaling ito. Magkayakap kami. Hindi ko na nga rin alintana na nasa harap kami ng mga graduate at school staff.


Matapos kong kumalma ay pinaliwanag ni Kookie ang totoong nangyari. 2 weeks before this, nakatanggap ng tip ang pulis kung sino ang suspect sa arson. Lahat kasi ng event ay involve ang catering. Matibay ang alibay ng suspect kaya kailangan nilang gawan ng entrapment operation. At doon kami pumasok ni Kookie. Wala akong kaalam-alam na during draduation nila ito gagawin, ang akala ko ay mamaya pa sa buffet party.

Nadawit ang pangalan ko dahil ako ang nakipag deal sakanya at pangalan ko rin ang ginawa nilang signal para arestuhin siya. Pagkalabas ni Kookie ng storage room ay hinintay ng pulis na mag-umpisa ito ng apoy bago ito huliin.

Nabaha kami ng pagbati at kantyaw. Wala akong paki-alam, basta ako, masaya kahit na sa ganung paraan niya ito ginawa.


"Waaa! Aemy sisterette!" nakita ko ang crying lady na si Jinny paglabas namin. "I'm so happy for you!"

"Oh, akala ko ba ayaw mong makita ang gagawin ko kay Aemy?" sabi ni Kookie. Ihinampas ni Jinny ang handbag niya kay Kookie.

"Hay jusko! halos mag-faint ang beauty ko dito nung may lumabas na pulis!" at nagpatuloy sa pagtatalak si Jinny. Dumating din sina Felix at mga kababata ni Kookie. Pati si Annalise.

"Sis! OMG! Congrats!" nag-beso beso siya sakin at siniko naman si Kookie.

"Thank you! Nakita niyo ba?" itinaas niya ang kanyang DSLR camera.

"Of course! super kilig kaya kami sa back seats. Lakas ng tili ni Jinny. Papatingin kami sa doctor bukas" pagbibiro niya. Mixed emotions ako, natutuwa ako na nahihiya. Haaay! Nakakahiyaaa! Speaking, di ko na napansin. Wala si kuya Ralph! Sinubukan kong tawagan ang phone pero di sumasagot. Tinanong ni Kookie kung anong problema.

"Aahh... umalis na. Sinundo si Trixie." sabi ni Kookie.

"Ano? ni hindi man lang nagpaalam?"


After the buffet party, nagpagroup picture kaming lahat. Syempre, hot issue kami. Hindi maubos ang titig na naliligaw saamin habang kumakain. Nirequest ng lahat ng couple shot namin kaya wala kaming nagawa kundi ang gawin ito. Nagharap kami na halos magkayakap. Humawak siya sa beywang koat ako naman ay sa mukha niya habang nakatingala.

"My forever" ani Kookie.

"My eternity" tugon ko naman.


--------------------------[ Author's Note ]----------------------------

Thank you for reading Book Two of Gay turned Campus Hunk: Fall In Love With Me.
Don't forget to VOTE, leave a COMMENT and SHARE it with your friends!

and, please check out my new bts fan fiction!


Title. Fragile Heart

Kim Taehyung x Reader fan fiction.

Summary. Solar Swan, isang ordinaryong high school student, ay engaged kay Hunter Medina, isang mayamang tagapagmana. Ang engagement ay dahil sa kanyang Lolo Alfonso. Dahil sa pagka-ulyanin ng kanyang lolo ay hindi niya alam kung maniniwala pa siya dito. Pero ano ang mangyayari kapag isang araw ay bigla nalang siyang sunduin ng isang mahaba at magarbong itim na limousine?

At si Hunter ay kabaliktaran ng lahat ng ikinwento ng kanyang lolo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro