Chapter 9
[ AEMY'S POV ]
i love you..
Yun ang huling katagang binitawan ni Kookie bago ako mabingi sa napakalakas na hiyawan ng mga nanonood samin. Tumigil ang mundo ko nung mga sandaling yun, para bang nag slow motion ang pag-hablot ni Kookie ng kamay ko at dahan dahan kaming bumaba ng stage at ngayon ay tumatakbo. Hindi ko alam pero sinusundan ko lang siya at nakatuon lang ang atensyon ko sa likod niya. Wala akong pakialam kung saan niya ako dalhin, masmainam na kalamhin ko ang sarili ko dahil para na akong nananaginip. Huminto kami sa beranda ng mall at doon naghabol ng hininga. Bumitaw siya sa kamay ko at humawak siya sa tuhod niya at ako naman sa dibdib ko dahil hindi ko alam kung uunahin ko pang huminga o pigilin sa pag wa-wala ang puso ko.
"Hahaha! Grabe, ang wild nila!" aniya na tuwang tuwa. Nahabol na niya ang hininga niya samantalang aatakihen na ako sa puso, halimaw ba siya?. At speaking of wild, ikaw yun! Grabe lang, di pa ako makapagsalita sa kalagayan ko. "Nag-enjoy kaba?" dagdag pa niyang sagot.
Oo, grabe, nag-enjoy ako na kahit anong sandali eh mababawian na ako ng buhay. Ipinaypay ko ang mga kamay ko sa mukha ko dahil kailangan kong huminga at higit sa lahat kumalma. Sinubukan kong sabihing saglit lang pero hinihingal ako ng sobra.
"Aemy.." narinig ko ang boses niya at saka ko nalang namalayan na nasa loob na ako ng yakap niya. "calm down." inumpisahan niyang haplusin ang likod ko. Sa madaling salita, nakayakap siya saakin.
Hindi ba dapat sa mga ganitong pagkakataon, kapag may nagha-hyperventilate eh binibigyan ng space para makahinga at binabawasan ang stimuli sa paligid para kumalma ang tao? Sa tingin ba niya, nakakatulong ang ginagawa niya? Maslalo akong di makahinga, at nadagdagan pa ang kaba sa dibdib ko dahil sa sobrang lapit namin eh maramdaman niya ang sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Assassin ba siya at balak niya akong patayin?
"Hi-"
"Hmm?" aniya.
"Hindi ako makahinga!" itinulak ko siya papalayo at huminga ng pagkalalim-lalim. Nagulat siya kaya nakatulala siya ng ilang segundo.
"Sorry" aniya at tumahimik hanggang sa mahabol ko ang hininga ko.
"Kookie, balak mo ba akong patayin!" pambubungad ko matapos ng napakahabang katahimikan.
"Sorry na, pinapakalma lang kita eh." paghihingi niya ng tawad.
"Na-appreciate kong concerned ka, pero common sense na kapag di makahinga ang tao, binibigyan ng space, akala ko mama-matay ako kanina." pagtataray ko, eh sa talagang akala ko bababa na sa langit si San Pedro at susunduin ako eh. "Hay grabe!"
"Sorry na kasi talaga, di na mauulit" aniya.
"Tapos na, kaya ok na." tugon ko naman sakanya. Medyo kumalma narin ang nag-aalborotong puso ko.
I love you..
at umariba nanaman ang puso ko. Ano ba kasing tumatakbo sa kokote nitong si Kookie at palagi nalang may dalang lethal weapon kapag magkasama kami. Kailangan ko na talagang sampalin ang sarili ko at magising sa panaginip na mahal ako ng taong nasa harap ko.
"Uhm, Kookie, tungkol doon sa sinabi ko kanina." marahan kong sabi.
"Ano yun?" mabilis niyang tanong. Tsk. Kelangan talaga ako pa magpaalala sakanya?
"Yung ano.." napahinto ako dahil di ko alam kung itutuloy ko ang sasabihin ko o hindi. "yung sinabi mo kanina.."
"Hmm?" kimi niya. anong hmm ka jan. Huminga ako ng malalim at sa pinakamalalim na baul.
"yung i love you." hindi siya umimik, hindi ba siya aware sa sinabi niya? o nagkamali lang ako ng dinig? "Well, anyways Kookie, don't say those words if you don't mean it." lalo na kapag ako ang kaharap mo, aatakihen ako sa puso sa mga pinagsasabi mo.
"I really do mean it though." agad niyang sabi. Napa- "Huh?" nalang ako dahil di ma-digest ng utak ko. "Aemy, mahal kita."
Natigilan ako, parang pinana ang magkabilang tenga ko. Hindi ko alam, pero naghihintay akong ngumiti siya at sabihing biro lang ito kaso nakatayo lang ssiya sa harap ko at seryosong nakatingin saakin, sa mga mata ko. At gaya nga ng eksena sa palikula, nakakakita ako ng sparkles at soft light sa paligid niya.
Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari, pero tama ba ako ng dinig? Nagsisitaasan lahat ng balahibo sa katawan ko. Gumagapang ang naghalong lamig at init at nakaramdam ako ng matinding kaba sa dibdib ko, nope, hindi ito kaba, dahil hindi ko alam kun paano ko ilalarawan ang nararamdaman ko. May dapat ba akong sabihin sa ganitong sitwasyon? Gusto kong sumagot pero natatakot ako. Lumapit siya sakin at hindi ko magawang gumalaw sa kinatatayuan ko. Bigla siyang napatingin sa likuran ko.
"Ah!" lumihis siya sa gilid ko. "Aiyoo and friends!" aniya. Narinig kong nagrereklamo yung iba dahil hindi alam ni Travis ang pangalan nila. Nakatalikod parin ako kaya di ko sila nakikita, at ayokong makita nila ako, not at this moment. Hindi ko pa alam kung anong reaksyon o lagay ng mukha ko ngayon.
"Siya ba yung importante na pupuntahan mo?" ani Aiyoo. Importante? ako? Naramdaman kong ipinatong ni Kookie ang Kamay niya sa ulo ko at ginulo-gulo ang buhok ko.
"Very important person kaya ito, noh?" aniya at nagkasalubong kami ng tingin. Napilitan akong humarap kina Debra at tinanggal narin ni Kookie ang kamay niya sa ulo ko.
"So anong ginagawa niyo dito? sight seeing?" tanong ulit ni Aiyoo.
"Wala naman, sinasabi ko lang sakanya kung gaano ko siya kamahal!" walang dalawang isip niyang sabi. Kinilig at nagsihampasan naman yung apat. Gusto ko ring kiligin pero wala sa kundisyon ang puso ko para tumanggap ng karagdagang trabaho. Nakakainis ka na talaga Kookie, parang laro-laro lang sayo pero hindi mo alam ang pinagdadaanan ko sa ginagawa mo.
"Hello guys, I didn't mean to spoil your date, nagkasalubong lang kami ni Kookie kanina." pagpapaliwanag ko.
"Okay lang, nalibre naman na niya kami ng sine." anang isa nilang kasama.
"Ang bilis namang natapos nung movie, parang saglit lang kami sa arcade eh." ani Kookie.
"Two and a half hours kaya yung movie." tugon naman ni Aiyoo. Di ko rin namalayan ang oras. Magihit dalawang oras na pala ang nakalipas. Nagpatuloy ang conversation na tungkol sa movie na pinanood nila.
"So, anong balak niyo?" tanong ni Aiyoo samin. Napatingin ako kay Kookie at ganun din kaya kaya mabilis kong ibinalik kina Aiyoo ang atensyon ko. "Sige, mauna na kami, nakakaistorbo yata kami sa date niyo eh. Hahaha" hindi ko alam kung ngingiti ako o makikitawa sakanila eh.
"No!" biglang tumigil ang lahat. "Uhm.. ano, let's have fun together, total nandito narin naman na tayo." Sa mga ganitong pagkakataon, pumapayag yung girl na maiwan sila ng boy, pero ayoko. I can't think straight any more, hindi ko masu-survive ang araw na ito kapag naiwan akong kasama si Kookie. "At gusto ko ring makilala ang friends mo, Debra."
Please, huwag kayong tumanggi, para sa kaalaman ninyo, nakatanim na ang paa ko sa kinatatyuan ko at masmatigas pa sa semento ang katawan ko dahil di ako makakilos sa tabi ni Kookie. Nagtinginan yung apat.
"So ayaw mo akong kasama?" sabay naman singit ni Kookie at nag pout pa ng lips.
"Gusto- i mean, pero uhhmm.. ano kasi nga.. eh unfair sa kanila." pa-utal-utal kong sabi. Maghunos dili ka Aemy. "Iniwan mo sila para samahan ako."
"Okay lang Aemy, mag-importante ang girlfriend." ani Grace. Oo nga, di pa nila alam na wala na kami ni Kookie.
"Wala na ka--"
"Okay, okay! the more the merrier. Tara, san niyo gusto?" pagpuputol sakin ni Kookie. Sinasadya ba niya? Pero naka-hinga ako ng maluwag dahil meron na kaming kasama.
Kumain muna kami sa isang food chain at naglibot-libot sa mga stalls. Masyado kaming nawili sa mga damit kaya di namin namalayan ang oras nang mapadpad kami sa top floor. Lumubog na ang araw at tanaw na ang mga ilaw sa baba, Ang ganda, oo nga pala. Christmas break na nga pala next week, ngayon ko lang naramdaman dahil sa mga christmas lights dito. Sabay sabay naming in-enjoy ang view at sinamantalang magpapicture sa mga elf displays. Hanggang sa mag-aya sina Aiyoo na magpunta sa isang theme park na tanaw mula sa kinatatayuan namin.
-------------------------------------------------
VOTE. COMMENT. SHARE!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro