Chapter 4
[ KOOKIE'S POV ]
Mapagkakatiwalaan ko naman siguro si Sugar. Pero kung madulas man siya at masabi kay Aemy, okay lang naman. Dadaan nga pala ako kay Jinny, di pa kasi ako nagpapakita sakanya simula nung bumalik ako eh. Di na ako makapaghintay na ibigay sakanya ang pasalubong ko.
Pumasok ako sa salon niya at nadatnan siyang nagbibilang ng pera.
"Jimmuel Park!" pagbungad ko na ikinagulat niya.
"Chakang baklita ka! Kala ko hold-up na to!" agad niyang isinauli sa kaha ang pera at lumabas ng stante.
"Eto pasalubong mo" din a ako nag-aksaya ng panahon at ibinigay ito sakanya.
"Asan--- Aw.. anu ba! Ahh! Aray.. oi... help! HELP!" pagrereklamo niya.
Kasalukuyan ko siyang binubugbog pero mahina lang. Suntok sa taggiliran, pingot sa tenga, sipa sa binti at sakal. Yun lang naman ang habilin sakin ng barkada.
"Aray kooo! Ang banal kong katawan! My sensitive skin! JUANITO!" napa-upo siya sa sofa at niyakap ang sarili na parang isang rape victim.
"Galing sa barkada yan. Hahaha! Di ka daw kasi nagpakita." Natatawa kong sabi habang pinagmamasdan siya sa paghahaplos ng mga kasukasuan niya.
"Ano nanaman ba pinaglalaban ng mga yun? Nakakalorkey! Wa poise tuloy ako!!!" pag-rereklamo niya.
"Ngayon lang yan. Na-miss ka daw nila" Ngiting-ngiti kong sabi.
"Oo nga eh. Ramdam ko! ramdam na ramdam ko!" pag-susungit niya. Nilahad niya ang palad niya. "Oh, asan na pasalubong ko?!" Ibinato ko sa ere ang maliit na kahon na nasa bulsa ko na agad niyang nasalo.
"From Annalise with love." kumindat ako sakanya.
"Salamat bakla!" agad niya itong binuksan at binutingting ang laman. "Ay, kalerki!" agad niyang isinuot ang swarovski na hikaw. Yep, galing kay Annalise.
"Dadalaw daw ang barkada sa break, kaya maghanda ka na."
"Sila maghanda sakin, babalatan ko ng buhay mga yon!" ibinalik niya sa kahon ang hikaw baka daw mawala. Kinamusta niya ang engagement party.
"Oh so mayaman ka na as in legit na ulit? di mo na itatago?" tanong niya. "Alam na ba ni Aemy?"
"Hindi ko naman tinatago eh, at hindi ko naman na kailangan pang sabihin kay Aemy ang estado ng buhay ko." pagpapaliwanag ko.
"Chos, ang lalim ha. Kelan ka naman lilipat ng apartment?" muli ay tanong niya. Pinapalipat na ako nina lolo ng tirahan, una, nalaman kasi niyang lumang bahay ang tinirhan namin ni lola. Pangalawa, nirekomenda ni unle yung condo niya na inaamag na daw dahil wala namang gumagamit. Medyo malayo nga lang sa school kaya ipinahiram narin niya sakin ang kotseng gamit ko ngayon. Oh diba, angas ng buhay ko.
"Ngayon din, babayaran ko nalang yung rent namin ni lola this month sa landlord para mahakot ko na yung ibang gamit." tugon ko naman.
"Ang taray ng peg! Larga na, at nang makapag-tour ako sa new life mo. May se-serbisan pa akong papabels." aniya habang tinutulak ako palabas ng salon.
"Di mo din ako pinagtatabuyan no?"
"Eh wala ka naman maitutulong sa salon ko, saka salamat sa earings! Muah muah! Gora na!" at isinara niya ang pinto ng kotse matapos akong makasakay. Natatawa nalang ako sa nangyari.
Kinabukasan.
[ AEMY'S POV ]
Nakita ko ang isang pamilyar na likod pagkababa ko ng kotse.
"Vincent!" tawag ko. Lumingon siya at tumigil sa paglalakad. "Aba, himala! hindi yata alam ng fans mo ang schedule mo ah. Walang nakapaligid sayo." pambubungad ko.
"Haha! Eh si Kookie na kasi ang bago nilang binubuntutan." tugon niya inayos ang buhok niya patalikod.
"Oh, so na-depress ka na niyan kasi nabawasan fans mo?" pangssutil ko.
"O'cmon.. ikaw palang sapat na.." ngiting ngiti siyang tumingin sakin.
"Yiiieee! So kikiligin na ako? ang mais mo!" sinapak ko siya sa balikat. Well, kinilig naman ako ng konti.. konting konti lang naman. Hahaha! Landi pa more!
"O shit, low battery na ako, tsk. Pahiram nga ng phone, tatawagan ko lang si coach" aniya. Automatic ko naman ibinigay ang phone ko. Sinabi lan niyang male-late siya sa morning practice at agad ibinalik sakin ang phone. "Thanks, hassle naman kasi, walang kuryente whole day." aniya.
"What? Whole day? bakit?"
"Nakikita mo ba yung natumbang puno doon?" itinuro niya yung malaking puno na naka-sandal sa poste ng kuryente. "Whole day daw operation niyan kaya walang power ang buong school." pagpapaliwanag niya.
"Oh really?! So there wont be Bio and Chem today! Yhey! Thank God!" Excited akong nagtatalon sa tuwa.
"At talagang natuwa ka pa. Hahaha! Oh sige, liko na ko dito. Ingats" naghiwalay kami ng daan at ngayon naman nakita ko sa main entrance si Sugar. Tatawagin ko na sana siya kaso inunahan niya ako.
"Naks naman. At talagang sabay pa kayong pumasok huh!" Ngiting ngiting pagbati ni Sugar.
"Huh?!" napa-anga naman ako. Nakita ba niya kami ni Vincent?
"Yie! Hoy Kookie, Dumada-moves ka ha! Hahaha!" siniko niya ako nang makalapit siya sakin. Kookie? agad akong napalingon sa likod ko. Juice colored! Walanjong si Kookie nga!
"Kelan ka pa nanjan!!!" sa sobrang gulat ko, napasigaw tuloy ako na ikinagulat nilang dalawa at ng mga kasabayan namin.
"Grabe naman Aemy, wala sa kabilang bayan yung kausap mo." At nagawa pa akong batukan nitong babaeng to.
"Hhmm.. magkausap kasi kayo ni Vincent kaya di na ako nagsalita.. bale kanina pa?" tugon naman ni Kookie.
"So selos ka na niyan Kookie?" ani Sugar, anong nakain neto at parang sinaniban ng kung ano.
"Tumigil ka nga diyan Sugar." pagsasaway ko sakanya, ako ang nahihiya sa pinagsasabi niya. Baka may masabi pa si Kookie.
"Oo selos ako, Huhuhu. Porke may Vincent na siya, di na niya ako pinapansin." sabi naman ni Kookie na nagaastang bata. Nakakaloka! Umaariba nanaman ang heartlalu ko. Ang aga aga eh!
"B-bahala na nga kayo jan!" agad nalang akong naglakad ng mabilis dahil nagiinit na buong mukha ko sa sinabi ni Travis.
[ KOOKIE'S POV ]
Iniwan kami ni Aemy sa entrace.
"Anyare dun?" taka kong tanong. "Bad mood ba?"
"Kyaaah! Ikaw ah!" panay ang siko sakin ni Sugar at parang kilig na kilig.
"Oh.. bakit?"
"Ayiiiee! Ewan ko kinikilig ako sa inyong dalawa!" tuwang tuwa pa siya sa kakahampas sa braso ko. May pagkasadista ba to?
"Teka, baka naman sinabi mo na sakanya ha?" agad kong tanong.
"Grabe naman, wala ka bang tiwala sakin? Saka ikaw din naman ang maha--" natigilan siya bigla. "Tara na nga! Ma-late pa tayo!" at tulad rin ni Aemy, sabay walkout din siya.
"Ano? ako din ang--?" hinabol ko siya sa paglalakad pero di na niya ako pinansin.
[ AEMY'S POV ]
"Alam mo na-kakainis ka!" pigil na pigil kong bulong kay Suggar pagka-upo niya.
"Bakit nanaman?"
"Masyado kang pa-obyus. Saka muntik na akong atakihen sa puso kanina! Dapat winarningan mo muna ako na nasa likod ko pala si Kookie!" halos pumutok na ugat ko sa leeg kakapigil ng boses ko.
"Eh malay ko bang hindi pala kayo nagsabay?! Chill ka nga.. ang init init eh!" sumandal siya sa upuan at kinuha ang notebook para magpaypay.
"Kaya nga.. whole day daw walang kuryente eh." sabi ko.
"I know.. pero grabe.. ang init eh!" wow, buti pa siya alam niya. "Good news, wala tayong class the Bio at chem.. ikamamatay ko kung meron man!" dagdag pa niya.
Napansin kong di parin dumarating si Kookie sa room.
"Asan na si Kookie? Diba nagsabay kayo?" tanong ko kay Sugar.
"Miss mo na agad?" sinamaan ko siya ng tingin. " Whoa, ewan ko din eh." aniya. Lumipas pa ang ilang minuto at wala parin ang prof namin. Di ba sila mag-aannounce na walang klase? nakakabagot huh.
"Sorry class, I'm late. Anyways we are not having our class for today due to power maintenance. I printed out some activity to be submitted after class." anang prof. Narinig ang pagrereklamo ng buong klase sa activity na gagawin. "Who would like to help me sort things?" tanong ulit ng prof. Lahat kami ay nagsiyukuan.
"Sir, si Aemy daw po!" nagsitayuan mga balahibo ko nang magsalita si Sugar.
"Ha!?" Napatingin ako kay prof. "N-no sir!" mariin kong tanggi.
"Okay, Miss Kim follow me." walang ano-anoy lumabas ng kwarto at narinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko.
"Sige na, sumunod kana, pasalamatan mo nalang ako mamaya" nakangiting sabi ng kaibigan kong pahamak kahit kelan. Narinig ko naman ang pang-gugoodluck ng iba kaya no choice ko.
"Pahamak ka talaga eh ano!" inis kong sabi bago tuluyang sumunod kay prof.
Pagpasok ko sa office, sumalubong sakin ang napakainit na hangin. Grabe, parang disyerto ah. Bintana lang ang nakabukas. Malamang, walang kurynte eh.
May ibinigay saking listahan ng mga libro at sinabi sakin kung ano ang gagawin ko. Itinuro niya ang conference room. Sana hindi mainit doon. Ililista ko lang naman ang mga books at aauysin di bale may kasama naman daw ako eh..
Pumasok ako sa conference room pero walang tao sa long table. Akala ko ba may kasama ako?
"Oh! Aemy!" napalingon ako sa dereksyon ng boses na tumawag sakin. At sa dulo ng kwarto, naka-upo si Kookie.
"KOOKIE!?" ulit ay napasigaw ako. "A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang naglalakad papalapit sakanya.
"May pinapagawa si Prof eh. Ikaw rin ba?" aniya. Umupo ako sa harap niya at nilapag ang folder na dala ko sa lamesa.
"Ang init" reklamo ko.
"Oo nga eh, hinila ko lang tong lamesa dito malapit sa bintana para mahangin, teka.. i-adjust natin para maka-upo ka ng maayos." masiyado kasing masikip sa banda ko at hindi maiusog yung upuan. Nang-maayos ko ang pag-upo ko, napansin kong puro libro ang nasa kwarto. Parang nakasandal na ko sa libro.
"Uggh, kaya kaya nating dalawa tong tapusin?" pag-aalangan kong tanong. Napakadami eh.
"Oo naman, kung mag-isa lang ako, aabutin siguro ng siyam siyam." aniya.
"True! Buti nalang dalawa na tayo. Kaya natin tong dalawa." nung akmang bubuksan ko na ang folder na nilapag ko.
Dalawa. Kookie at ako. Dalawa lang kami. Alone. Naramdaman ko nanaman ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Anak ng tilapia naman Aemy. Ang init init na nga eh kung ano-ano pa ang naiisip mo!
"--init" narinig kong sabi niya Kookie. Na-amoy ko ang perfume niya kaya napatingin ako sakanya. JUICE COLORED YUMMY FLAVOR! Pinagpapawisan siya at napapalunok nalang ako sa bawat pagtanggal niya ng botones ng polo niya. More! este.. it's hot in here!
Kinuha niya yung bottled water at nakipaghalikan -- este uminom ng tubig. Yung tipong gusto mong maging bottled water sa mga panahong ito. May gawt! yung medyo basa niyang bangs at pawis sa leeg, napaka-seksi! Porn in real life-- este ang hot ng earth!
Pinunasan niya ang noo niya gamit an kanyang palad habang seryosong nagsusulat. "Ah!" napahikbi ako nang bigla siyang napatingin sa dereksyon ko at seryosong seryoso. Ako naman, hindi makagalaw. Nakatitig lang ako sakanya habang patuloy sa pagtambol ang puso ko. Pwede ba, i-mute ito pakiramdam ko naririnig niya eh!
"An...of.. heart..." pabulong niyang sabi habang papalapit ng papalapit sakin. Naduduling na ako! Wait! Time first! Napapikit nalang ako.. "Found it.." nakiliti ang kanang tenga ko sa boses niya na parang kinuryente hanggang sa paa ko. Naramdaman kong bumalik siya sa pagkaka-upo kaya minulat ko ang aking mga mata..
"Huh?" napa-anga nalang ako. Tumingin siya sakin at ngumiti.
"Anatomy of the Heart.. kanina ko pa kasi hinahanap to. Haha" aniya habang ipinapakita sakin ang cover ng libro. Napalanghap ako ng hangin at pinagpawisan ng di oras.. akala ko naman kung ano na..! Ang init! Ang hot! ang hot mo! Nakakaloka.. matutunaw na ako dito kapag nagtagal pa ko sa kinauupuan ko!
"Gwapo ba?" na-alimpungatan ako sa sinabi niya.
"Ha?"
"Sabi ko gwapo ba ako? kanina ka pa kasi nakatinggin sakin." aniya. Walanjong nag-init nanaman ang mukha ko, gaano katagal na ba akong nakatingin sakanya. Nakakahiyaaa!
"E-ewan ko.." napayuko ako at sumulyap ulit sakanya na parang di kumbinsido sa sagot ko. "Oo na, gwapo ka na!" di ko na nakita pero nararamdaman ko ang ngisi niya.
Lumipas ang oras at gamay ko na ang paglilista ng mga libro. Halos di kami nag-uusap at talagang pinagpapawisan kami pareha sa literal na init ng panahon. Sininimulan ko nang magbalik ng mga libro sa shelf at siya naman ay abala sa pagsusulat.
"Last book.. hays!" matapos kong maibalik ang huling libro sa listahan ko, naramdaman kong may humawak sa kanang kamay ko. Napa-ikot ako ng di oras at tumambad sa harap ko si Kookie. "K-ko-kookie.. b-bakit?" nauutal kong sabi.
"Aemy..." pabulong siyang sabi habang seryosong nakatitig sakin. Nanigas ang buo kong katawan, gusto kong umiwas ng tingin pero naka permanent glue sa mata niya. Inilapat niya ang kaliwa niyang kamay sa gilid ko habang nakahawak sa kanan ko ang isa at napasandal nalang ako sa shelf dahil halos malumpo na ako sa titig niya.
37 degree celcius..
38 degree celcius..
40 degree celcius! Grabe! Parang heater ang katawan niya.. parang laser ang mga mata niya.. I can really feel the heat! Anong nangyayari? Nagdedeliryo na ba ako?
Nilapat niya ang kanyang noo saakin habang nakatitig parin..
"I love you.."
halos maupos ako sa kinatatayuan ko.
"Koo--" bigla siyang ngumiti at dali-daling tumakbo pabalik ng lamesa. Nakanga-nga akong pinagmasdan siya.
"Effective! Ang sabi kasi dito.. Hold hands, lock and stare at her eyes, she will become red as tomato" tuwang tuwa siyang binabasa ang librong hawak niya, samatanlanag ako parang nagyelo.
"Nakakainis ka! waaaaaaaaaaaa!" napa-upo ako sa sahig sa sobrang pangangatog ng tuhod ko. Parang hinugop ng lupa lahat ng lakas ko at tinakpak ko ang mukha ko dahil di ko rin mapigil ang pag-iyak ko.
[ KOOKIE'S POV ]
Napa-upo si Aemy sa sahig at nagsumilang umiyak. Sa sobrang taranta ko, nahulog ko ang librong hawak ko at agad ko siyang nilapitan.
"Okay ka lang?!" tanong ko.
"May gana kang magtanong niyan? kita mong umiiyak ako dito!" hindi siya tumitigin sakin.
"Sorry, sorry na.. Aemy.." maslalo siyang napaiyak.. Tsk, nasobrahan ko yata. Kinuha ko yung panyo sa bulsa ko at pilit pinupunansan yung mga luha niya pero di parin niya inaalis ang mga kamay niya sa kanyang mukha.
"Bully ka! bully! I hate you!" parang kinitil ang hangin sa baga ko nang marinig kong ang salitang hate. "I hate you! Waaaaaa.. bakit kailangan mong gawin yun! I hate you!" naalala ba niya si Vincent sa ginawa ko? pero bakit siya umiiyak?
"I hate--" di ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko nalang siya.
[ AEMY'S POV ]
Di ako magalaw sa higpit ng yakap ni Kookie. Gusto ko siyang sinapin pero di ko magawa. Ang sakit, sa maikling pagkakataon na yon.. umasa akong mahal niya ako. Para akong tanga.
"Sorry na.. Di na mauulit.. Sorry" Hindi niya ako binitawan hanggang sa tumigil ako sa pa-iyak. Ang init ng pakiramdam ko. Parang di ko maramdaman ang katawan ko. "Kookie.."
Namulat ako sa isang maliwanag na lugar.
"Aemy!" malabo pero nakita ko ang anino ni Sugar sa tabi ko.
"Sugar? bakit nandito ka?" medyo nahihilo pa ako.
"Nasa clinic ka. Ang taas ng lagnat mo" aniya.
"Clinic? anong ginagawa ko sa clini--" biglang nag-flashback ang mga nangyari.
"Hui! okay ka lang? grabe ang pamumula mo.. tawagin ko lang yung nurse." dali dali niyang tinawag ang nurse na agad naman akong inatendehan.
"Ano bang nangyari? grabe ang eksena kanina.. akala ko kung ano na ang nanyari sayo!" alalang alala si Sugar.
"Eksena? anong eksena?" naguguluhan ako.
"Jusko Aemy, buhat buhat ka ni Kookie papunta dito sa clinic! Nagulat nga ako nung nakita ko siyang tumatakbo sa hallway na karga ka! Alam mo ba kung gaano kalayo itong clinic sa office?" naghihisterikal siya habang nagkwekwento.
"Ano?!" halos mapatayo ako sa pagkakahiga. "A-anong sabi ni Kookie?"
"Nag-faint ka daw" aniya..
"Oh tapos?"
"Yun lang.." aniya
"Yun lang?!" napataas boses ko.
"Bakit meron pa ba akong dapat malaman?" may halong pagdududa sa tono niya.
"Aemy! Okay ka na ba?" biglang sumulpot ang dahilan ng lahat. Si Kookie.
"O-okya na ako... waa" gusto kong magtago sa ilalim ng kama ko ibaon ang mukha ko sa lupa!
"Buti naman.. sorry ulit ha... got to go.. napadaan lang ako.. may pinapagawa pa kasi si prof.. I'm so sorry." nakikita ko ang matinding pag-aalala sa mukha niya. Umalis siya at naiwan kaming dalawa ni Sugar.
"Hindi yan basta lagnat eh.." aniya..
"Eh ano?"
"LOVE-nat yan!"
--------------------------[ Author's Note ]----------------------------
Thank you for reading Book Two of Gay turned Campus Hunk: Fall In Love With Me.
Don't forget to VOTE, leave a COMMENT and SHARE it with your friends!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro