Chapter 3
[ AEMY'S POV ]
"Ui, bakit ba bad mood ka jan?" paghahabol ni Sugar saakin. Binibilisan ko kasi ang paglalakad ko. Di ako umiimik at derederetso lang sa paglalakad. "Seriously? are you mad because of what happened earlier?" dagdag niya at nakahabol saakin.
"No.. I don't know!" ewan ko ba, basta bad moob lang ako.
"Selos ka na niyan?" dagdag pa niya. Huminto ako sa parking lot kung saan nakaparada yung kotse ko.
"Hindi nga!" asar kong sabi.
"Okay fine.. bakit hindi mo nalang kasi aminin sakanyang mahal mo siya? Wala namang mawawala sayo eh. Mababawasan ka pa ng dinadala." humarap ako sakanya at nagpamaywang.
"Not gonna happen, Sugar. Nai-imagine mo ba ang awkwardness kapag ginawa ko yun?" tugon ko naman sakanya. At ayokong gawin dahil nga may fiance na yung tao! Ang kulit lang alaga nitong Sugar na ito eh.
"Oh, edi ako nalang ang magsabi!" dagdag pa niya.
"NO! Don't ever do that! Not a single word from you Sugar! Promise me!" Ugghh, ka-chismosa rin tong best friend kong ito eh. Di ko nga aminin pero sakanya naman malalaman ni Kookie. No way!
"Ano, balak mo bang ibaon nalang yan forever? gusto mong magkasakit sa puso?" aniya.
"Jusko, eh ngayon palang parang may sakit na ako sa puso!"
[ SUGAR'S POV ]
"Ewan ko sayo."
"Promise me, never tell a thing!" pagdagdag niya. Ewan ko ba kasi sa babaeng ito. Maslalo tuloy akong nadedemonyong sabihin kay Kookie eh. "Promise me!" ang kulit.
"Aish, okay okay. I promise not to tell anything. Kahit tanungin niya?" sabi ko.
"Mas lalo! Basta ha, a promise is a promise!" Seryoso niyang sabi. Eh ano pa nga bang magagawa ko. Naman kasi tong Kookie na 'to nagka-fiance pa eh bagay na bagay sila ni Aemy. Kawawa naman ang bestfriend kong 'to, mahihirapan siyang mag-move on. Sumakay na kaming dalawa sa kotse. Napansin ko naman na panay ang haplos ni Aemy sa pendant ng necklace na binigay ni Kookie kanina at nakatingin sa malayo.
"Ang ganda ng pagkakagawa noh?" sabi ko. Naalimpungatan siya at napatingin sakin.
"Huh?" sus, kung alam ko lang, si Kookie ang iniisip nito.
"Sabi ko, ang ganda ng pagkakawa ng mga accessories." Tumingin ako sa pendant ng kwintas na hawak-hawak parin niya.
"Ah, oo.." bigla niya itong binitawan at tumingin nanaman sa kawalan.
"Congrats nga pala. Aemy." Sabi ko.
"Hm? Para saan?" taka niya tanong.
"For job well done? For successfully turning Kookie to a campus hunk at nabalitaan ko rin sakanya na nag-kaayos na kayo ni Vincent?" napangiti siya at tumango lang.
"Well, baka iba yung pagkaka-intindi ni Kookie sa pagkaka-ayos na sinabi ko. Parang back to normal kami ni Vincent.. more like strangers? You know, hindi na maibabalik ng tuluyan yung dati." pagpapaliwanag niya. Iba ang pagkaka-intindi?
"Teka, ano bang ginawa mo kay Kookie at parang nakalaklak ng isang galon ng karisma?" eh sinong enkanto ba yun nag-beso sakin kanina? Parang ibang tao. Ganun ba resulta kapag engange na? Bigla bigla nalang ang hatak ng karisma?
"Maybe bacause of Annalise?" bigla siyang nanlumo. Patay, wrong topic. Kookie naman kasi, gusto kitang i-umpog at nang makalimutan mo yang fiance mo.
Isang linggo na ang nakalipas simula nang nagtransfer si Kookie. Damang dama mo na may dumagdag sa klase dahil palaging maingay sa labas ng room, yung mga dumadaan na babae at pasimpleng titignan si Kookie, pati tong mga ka-klase namin panay ang pulupot sakanya. Ano 'to? Zoo? Tourist spot?
"Morning Sugar!" bati sakin ni Kookie nang mapadaan ako sa harap niya. Di ko na sana siya papansinan dahil as usual, maraming nakapaligid sakanya. No wrong term, maraming lintang nakapaligid at nanlalandi sakanya. "Morning.." ngumiti ako sakanya at deretso na sa upuan ko. Di nagtagal dumating narin si Aemy. Naka-adjust narin siya at di na gaanong napapahinto kapag nakikita niya si Kookie.
"Morning Aemy." Bati ni Kookie sakanya. Ngumiti lang siya at dere-deretso sa kinaroroonan ko. Yes, medyo awkward pa siya.
"Nagawa mo yung report?" tanong niya sakin. "Oo kaw ba?"
"Good morning Aemy." Napatingin kaming dalawa kay Kookie na umupo sa harap namin.
"Nag-good morning kana kanina ah." Sabi ko. Paulit-ulit?
"Hmphf. Di ako sinagot ni Aemy eh. Huhu!" sabi ni Kookie na parang bata at nagpangalumbaba sa harap ni Aemy.
Nag-iwas ng tingin si Aemy at bumati.. "good morning." Kimi niya. Maski ako nahahawa sa ka-awkwardan nitong Aemy na 'to.
Lumipas ang ilan segundo at nagtagal pa.. pero nakatitig parin si Kookie kay Aemy na abala sa pagbuklat ng notebook niyang baliktad.
"B-bakit ganyan ka makatingin jan?" ani Aemy.
"Wala lang, na-miss kita eh" ani Kookie na titig na titig sakanya. Nagpipigil pa ng pagngiti si Aemy eh ngiting ngiti na yung pisngi niya. "uhm, saka baliktad yung notebook mo.." dagdag pa ni Kookie pero titig na titig parin kay Aemy.
Aligaga namang inayos ni Aemy yung notebook niya at sinara ito. Harujusko, ako naman ngayon ang nagpipigil ng pagtawa dito.
"Balik kana sa upuan mo, baka dumating na si ma'am." Ani Aemy.
"Wala si ma'am kaya okay lang." tugo naman ni Kookie.
"Talaga?!" sabay pa kaming sumagot ni Aemy. Ano bayan, pinagpuyatan ko pa man din tong report. Tsk tsk.
"Oh, may ibibigay ako sayo." Inabot ni Kookie ang kanang kamay niyang nakasara.
"Ano yan?" nagaalangang sabi ni Aemy na nakatingin sa kamay ni Kookie.
"Amin na yang kamay mo.." dagdag ni Kookie. Nag-aalangan parin si Aemy at hindi parin kumikibo.
"Baka naman nakakatakot yan ah.. ayoko nga..!" pagtanggi ni Aemy. Eh maski ako, ayoko rin noh. Mamaya prank tapos may gagamba. Naku!
"Hindi, trust me." Napatingin ako kay Aemy na dahang dahang nilahad ang kamay niya. Ibinuka naman ni Kookie ang kamay niya at sabay hawak sa nakalahad na kamay ni Aemy. "Pahiram muna si Aemy, Sugar." Pagpapaalam niya sakin at hinila si Aemy palabas ng kwarto na parang isang eksena sa pelikula.
"Yieeee!" delayed ang kilig factor ko. OMG! Dumada-moves si Kookie. Ako ang kinikilig sa kanila eh. Naku, talagang mahihirapan si Aemy neto. Paano ka makaka-move on kung ganyan si Kookie?
Sa inaasta niyang yan, wala ba talaga siyang gusto kay Aemy kahit konti lang? I mean, kung may fiance ka na at lahat, ibang klaseng ka-sweetan naman yan.
Bumalik silang dalawa na may dala dalang pagkain. Hindi na magkaholding hands pero pulang pula naman tong si Aemy na ang sarap ipagulong sa harina. Ano nanaman kayang kababalaghan ginawa nitong si Kookie at ganyan nalang ang pamumula ni Aemy.
"San kayo nangaling?" tanong ko.
"Bumili ng pagkain. Hindi ako nag-breakfast eh. Kain tayo." Nilapag nila ang tatlong coke float, mcspicy burger, fries at sundae sa desk at ihinarap ni Kookie yung upuan para magkakaharap kami.
"Ang bilis niyo namang nakabili sa Mcdo?" eh parang wala pang 20 minutes silang umalis, medyo malayo kaya ang Mcdo dito.
"Nag-kotse kami." Tugon naman ni Kookie. Agad naman akong tumingin kay Aemy. Nabasa niya sa tingin ko ang kotse-mo-ang-ginamit-niyo?
"His car." Tipid niyang sagot.
"May kotse ka?!" reaksyon ko. Natawa si Kookie at humigop ng coke. "I don't mean to be rude, but you know..?" well, duh,. For all I know, they are average? In my point of view, they are not that rich?
"Okay lang, I understand." Pinagdikit-dikit naming ang desk ng mga upuan para maluwang ang paglagyan ng mga pagkain. Pinagsasalitan ko ng atensyon sina Aemy at Kookie. Abala sa pagkain si Kookie habang nag bi-bisi bisihan naman si Aemy sa pagkain. Siniko ko siya habang pakagat na ng burger kaya nahulog yung ibang gulay sa damit niya.
"Aargh, Sugar naman." Pagrereklamo niya habang nilalagay yung burger sa box. "Sorry sorry." Well, di ko rin naman alam kung bakit ko siya siniko?
"Tissue oh." Inabot ni Kookie yung tissue sakanya. Akala ko siya pa mismo ang magpupunas, pang-movie lang pala yun. Hahaha. "May ketchup ka oh." Pinunasan niya yung ketchup sa gilid ng labi ni Aemy gamit ang hinlalaki at deretsong isinubo na parang yun na ang pinaka-normal na pwedeng gawin sa mundo.
"Ayiiie!" grabe, ako na, ako na ang kinilig sa ginawa niya. Nakakaloka ang lalaking 'to. Naka-nganga lang si Aemy at nakatulala kay Kookie. Jusko ba naman, ako rin matutulala! Ermergerd! Nang-galing ba talaga sa pagka-bakla 'to? Oh dahil nagging bakla siya kaya alam na alam niyang magpakilig?
"Hm? Bakit?" tanong ni Kookie. Bakit bakit ka jan. Di mo ba alam yung ginawa mo? Tignan mo nga yang kaharap mo, nangangamatis na sa pula!
"Wala, kumain ka nalang jan." singit ni Aemy na panay ang sipsip sa coke float. Gusto kong mainis kay Kookie dahil nahihirapan lalo si Aemy sa ginagawa niya pero, enebe te! Kinikilig ako ih! Nyahaha!
I ship them na talaga. Go push na ito! Aish, nakakafrustrate lang ha. Bagay talaga sila eh.
Gutom ba talaga siya? Naubos kasi niya agad yung burger at fries. Na-ring yung phone niya na agad niyan sinagot at humarap sa bintana kaya nakatagilid siya samin ni Aemy.
"Jinny, bakit?.. oo.. dadaan ako jan mamaya.. " nakita kong inabot niya yung float na nasa harap ni Aemy. Yung float ni Aemy. "hhmm.." sumipsip siya dito. Napatingin ako kay Aemy na nakatingin rink ay Kookie. Bakas sa mukha niya ang coke-float-ko-yan look. Magkatabi kasi float nila dahil magkaharap mga upuan nila. Matapos niyang sumipsip ay napatingin siya sa float.
"Ay, sorry.. float mo ba 'to Aemy?" tanong niya. Napansin niya ata yung lipstick sa straw. Tumango lang si Aemy. "Eto, sayo nalang tong sakin, di ko pa na-inuman yan." Inusog ni Kookie yung float niya at sumipsip ulit ng coke. Di lang nahulog ang baba ko, nanlaki rin mga mata ko dahil matapos siyang uminom ay dinilaan niya ang labi niya. Slow motion! Nanonood ba ako ng porn?
Nganga. Yun lang ang reaksyon namin ni Aemy sakanya hanggat matapos ang pag-uusap nila ni Jinny sa phone. Grabe, ganito ang impak sakin ng mga ginagawa ni Kookie, ano pa kaya dito kay Aemy? Mega turn on ha!
"Oh, bakit ganyan hitsura niyong dalawa?" at talagang takang taka niyang tanong. "Hmm?!"
"Wala! Ang gwapo mo!" agad kong sabi.
"Hahaha, ganun? Salamat." Wala siyang mamuwang muwang sa ginagawa niya. Natural na ba niya yan? "Aemy, inumin mo nay an oh. Promise, di ko pa talaga na-inuman yan." Aniya.
"Sure ka?" pag-uulit ni Aemy. Binibigay na nga eh. Kukutusan ko to eh.
"Oo naman. Kaw pa, love kita eh." Tugon naman ni Kookie. Jusko! Anong sabi niya? Love? L-O-V-E .. LOVE? Oi oi.. watch your words baka di kayanin ni Aemy!
"Ayiie.. malulugi na yung candy factory dahil kinuha mo na lahat ng ka-sweetan sa lugar na ito!" sabi ko. Di kasi umi-imik si Aemy eh. Baka nagkakaroon na ng internal war yan eh.
"Amin na yang mga pinagkainan niy kung tapos na kayo, baka dumating na ang prof." aniya. Ibinigay naming lahat ng basura maliban nalang sa hindi pa nababawasang coke float ni Kookie.. este kay Aemy na pala. Itinapon niya sa labas yung basura at deretso na sa upuan niya dahil dumating narin ang prof.
"Oh, kamusta ka naman jan?" siniko ko ang katabi kong pwedeng atakihen sa puso maya maya lang.
"Sugar, what should I do? This isn't working... mamamatay na ako sa lakas ng tibok ng puso ko." Isinubsob niya ang kanyang mukha sa desk. "Mas lalo akong nahuhulog sakanya nito.. eh hindi naman niya ako masasalo." Dagdag pa niya.
Hay Aemy. Kung ako rin naman nasa kalaayan mo, mission impossible ang gusto mong gawin. Pero wala ba talagang kahit katiting na pagtingin yung si Kookie dito kay Aemy? As in kahit crush lang?
Hindi rin sumabay sa lunch namin si Kookie dahil inaya siya ng mga boys. At pabor naman dito kay Aemy. Di rin kami masyadong nagkausap ng maghapon dahil dere-deretso ang klase at lagi niyang kausap yung mga kumag na lalake ng klase.
Hindi parin alam ng lahat na break na sila ni Aemy. Break na ang fake relationship nila, kaya naman wala paring malisya ang pagiging close nilang dalawa.
"Sugar, din a muna kita maisasabay ha, dumating kasi si kuya, pinapa-uwi ako agad agad." Pagpapa-alam ni Aemy.
"Ok lang, Dumating na yung hopelessly one sided lover boy na kuya mo. Pakamusta nalang ako." Pasarkastiko kong sabi.
"Huy, hindi na daw one sided. Pumapag-asa naman daw. Hahaha!" natawa naman ako, di ko alam kung lait o puri yun eh. Nagg-pulbo muna ako at nag-ayos ng gamit.
"Oh, asan si Aemy?" lumapit sakin si Kookie na tila hinahap sa paligid ni Aemy.
"Nauna na, dumating kasi si Ralph Mond niya." Tugon ko naman.
"Aahh.. ganun ba? Sabay na tayo." Pag-aalok niya. Wait lang, Friendship check. Inalok niya ako, wala si Aemy dito, friends naman kami. Okay lang siguro noh?
"Sige, tara." Tahimik kaming dalawa hangang sa makalabas kami ng building. Ang awkward naman. Ano bang magandang topic? Ah..
"Ang tahimik ni Aemy these days..." bigla ay nagsalita si Kookie.
"Pssh.. sinu ba namang hindi matatahimik sa mga pinagsasabi at pinag-gagawa mo?" pabulong kong sabi. "Ha?" napa-anga siya.
"Wala, ewan ko rin eh.." sabi ko. teka matanong na nga itong lalakeng ito.
"May gusto kaba kay Aemy, Kookie?" tanong ko.
"Oo naman." Tugon niya.
"Maganda naman siya.. matalino tapos maya—" napahinto ako sa paglalakad at sa sinasabi ko at ibinaling ang atensyon k okay Kookie. Hinila ko siya ng mabilis sa may puno kung saan konti lng ang dumadaang tao.
"May gusto ka kay Aemy?!" pagpipigil ko sa sarili kong sumigaw.
"Oo nga. Masyado ba akong obyus?" napakamot siya sa ulo niya na parang nahihiya.
"Masyadong obyus? Obyus? Oh my gawd! Hoooo!" Jusko, gusto kong yakapin tong puno at magsisisigaw dito pero di ko magawa! Aemy! Wait.. confirm ko lang bago ako mahimatay dito at atakihen sa puso.
"Gusto, as in.. love? Mahal mo siya.. na gusto mo? As in you like her?" pag-lilinaw ko. Mabuti nang linawin at baka mali ang pagkakaintindi ko.
"Oo nga, I am madly in love with her." Ow may goooosh! Pakiramdam ko ako yung pinagsasabihan niya eh. Kyah! Kinikilig ako!
"Wait, may fiancé ka diba?" kalmahin mo ang sarili mo Sugar. May balakid pa.
"Fiance? Aahh.. si Annalise ba? It's a long story pero cancelled ang engagement namin" tugon naman niya. "Teka pano mo nalaman?" dagdag pa niya.
"Doesn't matter! Bakit hindi mo sabihin kay Aemy na mahal mo siya! Shunga shunga ka ba?!" excited kong sabi. Truthfully, kung pwede lang magtatatalon dito, may gawd!
"Not now, nag-kaayos na sila ni Vincent eh. But I'll do everything to make her mine." Harujusko, bakit kinikilig ako dito. Aroo! Enebe! Napaka-cheesy ng pinagsasabi nito pero sobrang hatak sa puso! Pati gilagid ko hinahatak.
Teka teka teka. Ito ba yung sinasabi ni Aemy nab aka iba ang pagkakaintindi ni Kookie nung sinabi niyang nagkaayos na sila ni Vincent?
Hinga ng malalim Sugar. Huminahon ka at mag-isip ng mabuti. Alalahanin mong suporting role ka lang dito.
"Kookie.. ALAM MO BANG MAHAL NA MAHAL KA RIN NI AEMY AT HINDI NIYA MASABI SAYO DAHIL BUONG AKALA NIYA AY SI ANNALISE ANG MAHAL MO AT ENGAGED NA KAYONG DALAWA?" siyempre hindi ko sinabi yan. Nag-promise ako kay Aemy na walang sasabihin. Kahit gusting gusto kong sabihin!
"Alam ko namang di pa niya nakakalimutan si Vincent, at mahirap gawin yun. Kaya naman, I'll just make her fall for me. In my own way." Wrong, wrong, wrong! Alam mo bang ikaw ang gustong kalimutan ni Aemy ngayon at hirap na hirap siya? Nakakaloka! "But don't tell her, okhay?" dag dag niya.
"Huh?! Bakit nanaman!?" anga ko naman.
"Ayokong ma-concious siya sakin. Please? Huwag mong sasabihin okay? " Napabuntong hiningan nalang ako. Ako ang nasasaktan sa dalawang ito. Mahal niyo ang isa't isa pero ayaw niyong sabihin? Anong ka-shungaan ba ito? Gusto ko kayo parehong i-untog sa punong ito at nang magka-aminan na eh!
"Okay." Kimi ko nalang. Pero gusto ko siyang pagsasakalin at bugbugin. Kung alam lang niya pinagdadaanan ni Aemy.
"Promise yan ha!" ngiting ngiti niyang sabi. Teka, déjà vu? "Huwag mong sabihin sakanya ha. Pati yung sa engagement ko. Masmaganda kung sakin manggaling diba."
"Promise." Tugon ko sakanya. Ay jusko Kookie. Ewan ko sa inyong dalawa.
Anong sitwasyon ba itong pinasok ko? Sa buong mundo, ako lang ang nakaka-alam na mahal nila ang isat isat pero mismog sarili nila ay inaakala nilang one sided? Ang gulo ng earth! Ang gulo sa edsa at magulo sila!
--------------------------[ Author's Note ]----------------------------
Thank you for reading Book Two of Gay turned Campus Hunk: Fall In Love With Me.
Don't forget to VOTE, leave a COMMENT and SHARE it with your friends!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro