Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

[AEMY'S POV]


"Amin na nga yan!" inagaw ko ang inumin na hawak hawak ni Sugar at nilaklak ito. Parang natuyot na ilog ang lalamunan ko dahil sa nangyari. "Gusto ko nang umuwi."


"Luh, at bakit ka naman uuwi? kakaumpisa lang ng party ah." ani Sugar, kinuha niya ang basong hawak ko at hinila ako sa sulok. Ibinaon ko ang kamay ko sa aking mga palad at huminga ng malalim.


"Ang tanga tanga ko kasi, hiyang hiya na ako kay Kookie, pakiramdam ko wala na akong mukhang maihaharap sakanya. Hay naman oh, bakit ba nangyayari sakin to?" 


"Chill lang okay? knowing Kookie, wala lang sakanya yun tignan mo siya" sabay kaming tumingin sa kinaroroonan ni Kookie, nakikipag usap at masayang nakikipagkulitan sa mga boys. Napabuntong hininga ako. Paano ba ako makaka-survive sa gabing ito?

Nag-umpisa ang programa, and kanina'y maluwang na hall ay napuno ng maraming tao. Sinimulan na rin ng DJ ang dance craze kaya lahat ay nagsasayawan sa gitna. Wala ako sa mood para makipag sayawan pero ayoko namang maiwang mag-isa sa sulok at mag mukhang loner. 

"Nag-eenjoy ka ba?!" pasigaw na sabi ni Sugar. Sumang ayon ako pero hindi siya kumbinsido sa sagot ko. "Mukha kang zombie jan! Galaw galaw!" dagdag pa niya. Hindi kami maxado magkaintindihan dahil sa sobrang lakas ng tugtog at sigawan ng mga tao. 

Nandito lang naman ako dahil ayokong mag-isa sa sulok, para akong push over dito dahil sa sobrang hyper ng pagsayaw nila, naitutulak tulak ako. Sa mga ganitong pagkakataon, kanya kanyang grupo ang magkakasamang sumasayaw, bumubuo ng bilog at nasa kabilang grupo lng si Kookie. Mga limang metro saamin. May sinasabi sakin sina Sugar pero hindi ko maintindihan, nagulat nalang ako nang biglang nagsi-luhudan at umupo ang lahat. Bigla ring tumigil ang tugtog. Dahil delayed reaction ako, ako lang ang nakatayo, anong nangyayari?

At dahil hindi ko alam ang nangyayari, umupo narin ako at tinanong si Sugar kung anong nangyayari.

"Tumayo ka!" utos niya sakin. Naguluhan ako. "Bakit naman ako tatayo?" pabulong kong sabi. Hinatak niya ang braso ko at pilit ako pinapatayo pero pilinilit ko ring manatiling nakaupo habang tinatanong kung bakit kailangan kong tumayo. Di kalayuan samin, nakarinig ako ng boses na nagpupumilit magpatayo. Sina Vincent. Pinapatayo si Kookie. Agad akong tumingin kay Sugar at binigyan siya ng anong-kalokohan-nanaman-itong-binabalak-niyo look.


Bigla nagkaroon ng daan sa pagitan namin ni Kookie, aakalain mong dumaan si moses at pinatabi ang mga nakaupo sa pagitan namin. Maya't maya ay itinutulak na kaming dalawa sa gitna. Napuno ng hiyawan at tilian ang hall. 

"Everyone! Our King and Queen for tonight!!" anunsyo ng MC. Nagkatinginan kami ni Kookie, parehong nagulat at di maka-imik. Tumayo ang lahat at nagsipalakpakan. Mula sa stage, dala ni Vincent at isang babae ang korona. Nagpunta sa gilid ang karamihan at lumapit sina Vincent para ibigay samin ang korona.

"Di ako na-orient na may ganito ah!" pagrereklamo ko habang kinokoronahan ako nung babae.

"Binasa mo ba invitation?" ani Vincent.

"Hindi" napansin ko na gawa sa cardboard ang korona. "Hindi niyo naman maxado pinaghandaan tong korona noh?" pasarkastiko kong sabi. Napangiti yung babae.

"Oh, eh kaya naman pala eh. Saka wala sa budget ang korona, pasalamat nga kayo meron eh" aniya. Ni wala nga akong nahawakang invitation. Batukan ko kaya ito. Nag-dim ang lights at naiwan kami ni Kookie sa gitna. May sweet music pa.

"Congrats Aemy." ani Kookie. "Ah- oh congrats din." tugon ko. Dumistansya ako ng konti. Umalingawngaw sa hall ang sweet dance, ngising ngisi silang lahat, anong problema ng mga ito?

Lumuhod si Kookie at iniabot ang kamay niya na parang hinihingi ang kamay ko. Tumigla siya at sinabing..

"Can I have this dance, my Queen?" aniya. Bago pa ako maka-react, nagsi tiliian na ang lahat. Excited lang mga teh? Ako lang dapat ang may karapatang kiligin dito!

Iniabot ko ang aking kanang kamay sakanya. Tumayo siya, nilagay ko ang aking mga kamay sa balikat niya at ganon din siya sa aking baywang. Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya kaya sa gilid nalang ako timitingin.

"Ano ba yan Kookie! ang hina mo! Yakapain mo!" kantyaw nung kasama ni Kookie kanina. Di nag tagal, halos lahat na ng kalalakihan kinakantyawan na si Kookie. 

"Magsitahimik kayo! yakapin niyo sarili niyo!" tugon ni Kookie sakanila. Sumulyap ako ng tingin sakanya, at parang namumula siya, na-iilang? Napangiti ako.

"Oh kita mo! tinatawanan ka na ni Aemy! nalipasan ka na ng panahon! Alis jan, kami na ang magsasayaw sakanya!" singit ulit nila at panay ang kantyaw. 

"Oi hindi ko siya tinatawanan!" pagkakaila ko, pero ok lang naman na yakapin niya ako, ok na ok! Hahaha!

"Maglaway nalang kayo jan!" tugon ni Kookie. Kinuha niya ang kamay ko sa kaliwang balikat niya, ipinalibot niya ang kanang kamay niya sa likod ko at mabilis akong hinila malapit sakanya.

"Woooooooh!" malakas na hiyawan nila, lalo na yung mga lalaking nangangantyaw sakanya. Naramdaman ko ang init ng katawan niya. "Ano yan Tango?!" pang-aasar naman nung isa. Nagtawanan ang lahat. Nag-anunsiyo nanaman ang MC na pwede nang sumabay ang lahat sa sweet dance. Kaya unti-unti ay napuno ang dance hall ng couples. Bumalik kami sa dati naming posisyon dahol nakakangawit ang tango. Hahahaha.

"You are very beautiful tonight, Aemy." bigla bigla niyang binulong saakin. Dumaloy ang kuryente mula sa tenga ako at kumalat sa buo kong katawan. Tumalon nanaman puso ko.

"I know." kimi ko, gusto kong mag facepalm, dapat sa mga pagkakataong ganito, thank you ang sinasabi eh! Baka isipin niya, napaka narcisist ko.

Bigla nalang nag slow motion ang lahat. Alam ko sa movie lang nangyayari yun pero pakiramdam ko ang bagal ng oras, ang tagal matapos ng kanta at parang kaming dalawa lang ang sumasayaw sa mga sandaling ito. Bigla itong tumigil nang binitawan ni Kookie ang mga katagang ito..

"Aemy, alam mo bang mahal kita?" aniya na nakakanginig ng buto kaya bigla akong napatingin sakanya. Ayaw i-process ang utak ko pero ang puso ko, nagbabadyang mag overheat. Natigilan ako at sinubukan kong kumalma. "Mahal kita" dagdag pa niya ngayon naman ay nakatitig deretso sa mga mata ko. Para niya akong tinutunaw sa titig niya at hindi ako makawala.

Pinilit kong ngumiti, pinilit kong isipin, at matagal ko nang isinaksak sa kokote ko. Kaibigan, mahal niya ako bilang isang kaibigan. I know, but it hurts. Sa ilang segundong tumigil ang lahat, I should let go.

There and then, I decided to let go.

Ayaw ng isip ko, pero hindi na kakayanin ng puso at kaluluwa ko. Naramdaman ko ang panginginig ng aking labi, ipinalibot ko ang aking kamay sa leeg niya, bahala na. Marahan kong idinampi ang aking labi sakanya at sinabi ko ng buong puso.. 









"I love you even more.." 






Mga katagang matagal nang isinisigaw ng puso ko. May bahid ng gulat ang kanyang mukha kaya mabilis akong kumalas sa bisig niya at naglakad papalayo sakanya. Hindi ko alam, pero nawala ang bigat sa dibdib ko, malabo ang paligid dahil patuloy ang pagbuhos ng luha ko, malamang nagkalat na ang mascara sa pisngi ko. Gusto kong isigaw na mahal ko siya, gusto kong marinig niya ang puso ko pero na-duwag ako, tumakbo ako sakanya. Takot akong marinig ang sasabihin niya.


Sa movies, hinahabol ng lalake yun babae sa sitwasyong ganito. Gusto ko sana na hatakin ni Kookie ang kamay ko, pero masmabuti nang hindi. Baka hindi ko na talaga kayanin. Napansin ko na nakalabas na ako ng gate at nasa gilid na ako ng kalsada. Gusto ko nang umuwi at yakapin ang unan ko, kaso walang taxi humihinto. 


"Please, parang awa niyo na. Take me home." hindi ko na mapigilan ang sarili kong humagulgol sa tabi ng daan. Napaupo nlng ako at umiyak, tanging mga mabibilis na sasakyan nalang naririnig ko maliban sa pag-iyak ko. "Ang sakit... bakit masakit.." inilagay ko ang aking kamay sa aking dibdib at marahan itong tinatapik, baka sakaling mawala ang sakit.

"Miss, okay ka lang?" may humintong taxi sa gilid ko. Thank god! Pinunasan ko ang aking mga luha at tumayo. Tinanong ko siya kung alam niya ang address namin at tumugon siya. Ngayon ko naalala na naiwan ko yung purse ko sa hall.

"Uhhm, kuya, pwede bang sa bahay ko nalang bayaran yung fare?" sumang-ayon naman si kuya.

"Aemy!!!" may tumawag saakin, hindi ko na kinailangan lumingon dahil alam kong si Kookie yun. Nagmamadali kong pumunta sa passenger door, pero nung bubuksan ko ito, naka-lock.

"Manong! paki buksan please!"  panay ang hila ko sa pinto para makasakay agad ako.

"Aemy! Sandali!" bumukas din sa wakas ang pinto, ngunit bigla itong sumara at nakita ang kamay ni Kookie na nagtulak sa pinto, ang hininga niyang hinihingal. "Manong, hindi siya sasakay" aniya.

"Sigurado ka miss?" tanong sakin ni manong na nakatingin saakin.

"Sasakay ako manong!" hindi ko mahila yung pinto dahil pinipigilan ito ni Kookie.

"HINDI KA SASAKAY!" nagulat ako sa sigaw ni Kookie, sa sobrang gulat ko, napabitaw ako sa pinto at napaatras. Yung malambing na tono niya ay parang naging isang ungol ng malaking lion. Kinausap niya si manong kaya humarurot ito palayo. Naglakad ako papalayo sakanya habang kinakausap niya si manong, pero hindi pa ako nakakalayo ay hinila niya ang braso ko.


----------------------------------------------------

VOTE. COMMENT. SHARE.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro