Chapter 12
Narating ko ang beranda na humihinga pa, hindi narin sumunod si Kookie kaya makakapag-relax na ang puso ko. Pahamak talaga si Sugar kahit kailan. Walang bubongg ang beranda kaya tumingala ako sa langit, walang akong makitang bituin. Maganda sana mag star gazing sa mga ganitong pagkakataon. Di nagtagal na-boring ako, ayoko namang bumalik sa loob dahil una sa lahat nandun si Kookie, pangalawa aasarin lang ako ni Sugar. Umuwi nalang kaya ako, total wala naman akong ginagawa dito.
"Anong ginagawa mo dito?" napatingin ako sa taong bigla nalang sumulpot sa tabi ko.
"Vincent.." di ko siya napansin. "kanina ka pa diyan?"
"Nope, kararating ko lang, malalim yata ang iniisip mo."Inabot nya sakin ang isang glass ng champaigne at tumingala kami sa mga bituin.
"Ang lapit nilang tignan na pakiramdam mo kaya mo silang hawakan pero napakalayo pala nila sayo." Pumikit ako ang huminga ng malalim.
"Ang lalim ah, pero alam mo, yung sa tingin mong napakalayo eh siya palang napakalapit sayo." aniya. Napangiti ako dahil sa sinabi niya. "Tell me what's on your mind."
"Marami na parang wala? Haha hindi ko kasi alam kung problema ba talaga o hindi." tugon ko naman.
"Mae, sa tingin ko, wala kang problema, hindi mo lang alam ang gagawin mo dahil kay Kookie." Gusto kong ikaila ang sinsabi niya kaso tama naman siya. Masmaganda pa nga yung magkaroon ng problema dahil alam mong may solusyon, ibang usapan na kapag hindi mo talaga alam ang gagawin mo.
"Naranasan mo na ba yung ganito Vincent?"
"Yep, and you are one of those moments where I'd just stare blankly and think of how I can't do anything about it." aniya na pumukaw ng interes ko. Aba't kelan naman kaya yun? "At wala akong balak sabihin kung ano yun." dagdag niya.
"Wala pa akong sinasabi ah."
"Alam ko namang tatanungin mo eh, kaya inunahan na kita."
"KJ nito. Sabihin mo na? Nakaka-bitin naman to. continue!" pangungulit ko pero hindi parin niya sabihin kaya tinigilan ko siya.
"But I tell you, doing nothing won't hurt you but the people around you." Napatingin ako sakanya na nakangiti pero ramdam ko ang sinseridad sa mga binitawan niyang salita. Para bang may sinasabi ang kanyang mga mata, nasaktan na kita dahil wala akong ginawa. Umiwas ako ng tingin dahil para bang tinutukoy nito ang fiance niya na dahilan kung bakit kami naghiwalay.
"Oo, masakit nga kung sakali, pero hindi ko talaga alam ang gagawin ko."Nilaklak ko yung champaigne na ibinigay nya sakin kanina.
"Effort and honesty Mae, yan ang kailangan mo." Madaling sabihin pero napakahirap gawin. Ayokong mawala ang kung anong meron kami ngayon. "Hindi ka pa ba babalik sa loob?" tanong niya. Umiling ako kaya bumalik na siya sa loob.
"Hmmm, peace of mind." Ewan ko pero kapag ganitong tahimik masmagandang mapag-isa. Kaya pala laging may ganitong eksena sa mga pelikula, kung saan yung bida eh lagging nag-iisa at nakatingin lang sa langit para mag-isip. "Brrrrrr" medyo giniginaw na ako, pero ayokong pumasok sa loob.
"Is it really fine for me to fall in love like this?" Mukha akong tanga ditong kinakausap ang mga bituin, pero malay mo may dumaang falling star.
"Sure" Ay kabayong butiki! Hindi ko alam kung saan, pero lumitaw sa tabi ko si Kookie. Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang Makita ko siya.
"Ka-kanina ka pa jan?" agad kong tanong. Narinig ba niya? Wala naman akong nasambit na pangalan diba? Teka, anong ginagaaw nito dito? Sabi ko wag siyang susunod eh.
"Oo, kaniina pa nga kita pinagmamasdan eh." Aniya habang nakatingin sakin.
Ayan nanaman siya, umatake nanaman ang mga linya niya, pero higit sa lahat "Narinig mo?" ngumiti siya sakin. Sa kaloob-looban ay humihiling na sanay ay hindi niya ito narinig, kahit alam kong sa ngiti niyang yana y narinig nya.
"Aemy..." ipinalibot nya ang kanyang kaliwang kamay sa baywang at hinili ako papalapit sa kanya. Napakalapit na magkadikit ang katawan naming dalawa. "You can just fall in love with me." Hindi ko maipaliwanag pero parang may magnet na naglalapit saming dalawa,.. sa mga gaanitong pagkakataon ay pumikit nalang ang magagawa mo at maghintay na maglapat ang inyong mga labi.
Maghintay. Teka bakit ang tagal. Iminulat ko ang mga mata ko at natagpuang wala si Kookie sa harap ko. Agad kong binawi mula sa pagkakanguso ang labi ko. Imagination? Bakit kailangan pang maging imagination? At bakit kelangan ko pang imulat ang mga mata ko sa climax?
"Sana naging totoo nalang..." napabuntong hininga nalang ako sa pagkadismaya. Minsan minsan na nga lang eh.
"Hahaha, sino ba yang hinahalikan mo Aemy?" Ay kamatis de patatas! Nahulog bigla ang puso ko nang makita ko sa Kookie sa tabi ko.
"A-anong ginagawa mo jan?!" sa sobrang gulat ko ay napalakas ang boses ko.
"Wala, pinagmamasdan ka. Haha." Aniya. Teka teka teka, parang de javu ito ah, don't tell me, premonition yung nangyari sa imagination ko?
"Papatayin mo ako sa gulat Kookie! Bakit hindi ka man lang nagsasalita jan?!"
"Eh, ayoko namang istorbohin ka, para kasing nag-eenjoy ka eh.." lumapit siya sakin para bumulong. "sino ba yung hahalikan mo dapat?" aniya. Nararamdaman ko ang matinding hiyang mabilis na gumagapang sa mukha ko. Sana ito nalang yung imagination! Jusko, gusto ko nang magising! Pinisil ko ang pisngi ko baka sakaling magising ako sa kahihiyang ito. Kumurapkurap ako at siya ngang naglaho si Kookie sa harap ko. Thank God imagination lang ulit, hindi ko alam kung saan ko ibabaon ang mukha ko sa hiya kung nangyari man yun. Ibinaon ko ang mukha ko saaking dalawang palad.
"Nababaliw na yata talaga ako." Epekto yata to ng champaigne na nilaklak ko, wala naman sigurong gayuma yun. Naramdaman kong may mainit na pumalibot sa balikat ko kaya tinanggal ko ang ppagkakasubsob ng akong mukha at tinignan ito.
Jacket? No wait, Suit? This time, hindi na ako nasurpresa sa nakita ko, si Kookie nasa tabi ko at nakatingala sa mga butuin.
"Bakit?" kimi ko nalang dahil napakagwapo niyang tignan mula sa anggulong ito. Ibinaling niya ang atensyon niya sakin.
"Para ka kasing tutubuan ng pakpak at lilipad papalayo saakin, Aemy." Aniya habang inaayos ang suit sa sa balikat ko. Nakita ko ang baso ng champaigne na nilaklak ko kanina. At isa pa, masyadong suave magsalita ang Kookie na nasa harapan ko.
Nasa loob nanaman ako ng imagination ko, to think mangyayari ito ng sunod sunod, may gayuma yata talaga yung champagne. Gusto kong tawanan ang sarili ko sa mga nangyayari.
"Nababaliw na yata talaga ako." Napa-facepalm nalang ako at buntong hininga."I know this is all just in my mind, epekto ng champagne na binigay ni Vincent kanina. Yes, imagination. Nakakaloka!" yep, imagination nanaman ito. There is just no way na si Kookie tong kaharap ko.
"Huh?"
"I don't know what's in the champagne but! This is the third time! First, hinila mo ko para halikan, pero nung binukas ko mata ko wala ka na sa harap ko then sumulpot ka nanaman sa tabi ko at sinabi mong pinagmamasdan mo lang ako then you told me to why not fall in love with you..and finally now, sumulpot ka nanaman.. Im going crazy!" deredetso walang kambyo walang preno to the point parking ang bibig ko.
"Aemy, lasing ka na yata." Ani Kookie na parang nagulat sa mga sinabi ko.
"Im not drunk Kookie." Pagtanggi ko, alam ko kung lasing na ako, hindi pa ako nahihilo at higit sa lahat, it was just a glass of champagne.
"I think you are." Aniya na medyo ikinairita ko.
"Hindi ako lasing! Kulet mo."
"Hindi ka lasing sa lagay na yan? Tara na sa loob, malamig na dito."
Im not! You should be gone by now, this is just my imagination." Sabi ko.
"Imagination?"
"Yep, kaya pwede ka nang mawala." Dagdag ko pa.
"Prove it." Aniya na ikinagulat ko.
"Sure! I just have to get my senses back!" sabat ko sakanya at dali dali kong sinampal ang pisngi ko sa pamamagitan ng aking dalawang kamay habang nakapikit. Sa pagmulat ko, siguradong, wala na si Kookie sa harap ko. Iminulat ko ang mata ko at nakitang nakatayo parin si Kookie sa harap ko at seryosong nakatingin sakin. Sinampal ko ulit ang pisngi ko pero masmalakas at sa pagmulat ko ng aking mga mata ay naroon parin si Kookie sa harap ko.
Kukurutin ko pa sana pisngi ko at baka wala nang epekto ang sampal kaso pinigilan ni Kookie ang kamay ko.
Nginitian nya ako, sa pagkakataong ito, pinisil ko ang pisngi niya kaya sya ay nagreklamo.
"Aw! Bakit pati pisngi ko pinisil ko?" aniya. Nagsisimula na akong kilabutan at nagsisitayuan narin mga balahibo ko. Umatras ako at napatakip ako ng bigbig. "Ano, naniwala ka na? Sakit nun ah."
[ KOOKIE'S POV ]
Hindi ko na sinundan si Aemy, napikon yata sa akin? Ano bang ginawa ko?
"Anyare dun kay Aemy?" ani Sugar at kasama si Vincent.
"Ewan ko din eh, bigla nag-walk out. May nasabi yata ako."
"Nasosobrahan mo na yata pagpapakilig mo sakanya Kookie eh, hahaha!" aniya.
"Sundan mo kaya" sabi naman ni Vincent na panay ang kaway sa mga kababaihan sa party.
"Wag ko daw sundan eh, sundan ko ba? Baka maslalong mabad-trip." Tugon ko naman.
"Sus, sinumpong lang yun, hayaan niyo nalang muna." Anaman ni Sugar.
"I'll talk to her then." Sabat naman ni Vincent kaya bigla kaming napatingin sakanya ni Brdigitte.
"Ano naman sasabihin mo sakanya?" tanong ko.
"Nothing in particular?" tugon naman niya. Kinuha niya ang dalawang champagne sa waiter na dumaan sa harap namin at dali daling nagtungo sa beranda kung nasaan si Aemy.
Naiwan kami ni Sugar na walang tigil sa pangungulit kung ano ang sinabi ko kay Aemy.
"Kj neto, entertain mo nalang muna mga fans mo habang kinakausap ni Vincent si Aemy." Ani Sugar. Bigla ako napatingin sa paligid at napagtantong, maraming nakatingin saamin, mga babaeng nakatingin saakin. Kinawayan at nginitian ko sila gaya ng ginawa ni Vincent. Di nagtagal ay dinumog na ang kinatatayuan ko.
Di nagtagal, bumalik na si Vincent mula sa beranda at lumapit sakin kaya mas lalo kaming dinumog.
"Anong sabi?" agad kong tanong.
"Wala naman at mukhang hindi naman siya bad mood." Aniya kaya nakahinga ako ng malalim. "You should go."
"Thanks." Medyo natagalan sa pagtakas sa kumpol ng tao dahil walang madaanan. Pagkabukas ko ng pinto patungo ng beranda ay naramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin. Nakita ko si Aemy na parang nakatingin sa malayo, naka off-shoulder siya, hindi ba siya nilalamig? Tinanggal ko ang suit ko at ipinatong sa balikat ni Aemy. Tumingala ako sa mga bituin.
"Bakit?" ani Aemy.
"Para ka kasing tutubuan ng pakpak at lilipad papalayo, Aemy." Nung nakita ko siyang nag-iisa, para bang lilipad siya kung saan hindi ko siya maabot.
"Nababaliw na yata talaga ako. I know this is all just in my mind, epekto ng champagne na binigay ni Vincent kanina. Yes, imagination.Nakakaloka!" Medyo nabigla at naguluhan ako sa sinabi niya.
"Huh?" ano kayang pinagusapan nila Vincent? Akala ko ba not in a bad mood? Niloloko yata ako nung Vincent nay un eh.
"I don't know what's in the champagne but! This is the third time! First, hinila mo ko para halikan,pero nung binukas ko mata ko wala ka na sa harap ko then sumulpot ka nanaman sa tabi ko at sinabi mong pinagmamasdan mo lang ako then you told me to why not fall in love with you..and finally now, sumulpot ka nanaman.. Im going crazy!" derederetso niyang sabi. Hindi ko nasundan, pero ang alam ko tungkol sa paghalik ko sakanya at falling in love at pakiramdam ko, kumagat na yung alcohol kay Aemy.
"Aemy, lasing ka na yata." Sabi ko, pero champagne naman yung ininom niya, mababa yata tolerance ni Aemy sa alcohol.
"Im not drunk Kookie." Pagdedepensa niya. Lasing na nga ito.
"I think you are"
"Hindi ako lasing! Kulet mo."
"Hindi ka lasing sa lagay na yan? Tara na sa loob, malamig na dito."
Im not! You should be gone by now, this is just my imagination." Aniy at kumbinsidong hindi nga talaga siya lasing.
"Imagination?" Naghahalucinate na siya? Mataas ba alcohol contest neto at ganito ang epekto kay Aemy?
"Yep, kaya pwede ka nang mawala." Bigla niyang sabi na nagdulot ng kirot sa dibdib ko. Alam kong lasing siya pero ang marinig mula sakanya ang mga salitang yon, medyo nasaktan ako at na-inis. At bakit ba pinipilit niyang imagination lang ako?
"Prove it!" sabat ko sakanya.
"Sure! I just have to get my senses back!" sinampal niya ang pisngi niya at tumingin sakin, may pagkabigla sa mga mata niya at mula niya itong ginawa. Pinigilan ko ang kamay niya nang uli niya itong i-angat. Nagulat nalang ako nang bigla niyang pisilin ang pisngi ko.
"Aw! Bakit pati pisngi ko pinisil ko?" hindi ko alam kung masakit o namamanhid sa sobrang sakit tong pisngi ko. "Ano? Naniniwala ka na? sakit nun ah!" pagrereklamo ko.
"Aaaaahh!!!!" nagulat ako at bigla nalang siyang sumigaw, nagtakip ng tenga at umupo sa kinatatayuan niya habang nakayuko.
"Bakit? Anong nangyari? May masakit ba sayo?"
[ ANGELA POV ]
Lord, kung kukunin niyo na po ako, ito na ang tamang pagkakataon! Gusto kong maglaho sa mundo! At kung masamang panaginip man ito, gusto ko nang magising ngayon din! Bakit ba kailangan mangyari sakin to? I wanna die!
"Bakit? Anong nangyari? May masakit ba sayo?" ani Kookie. Hindi ko magawang sumagot at tumingin sakanya kaya nanatili akong nakayuko. Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay niya sa likod ko na parang nagpapatahan sakin. Sobrang nahihiya ako at nakakahiya ang ginawa ko pero napapakalma ako ng haplos ni Kookie. "Tara na sa loob, maginaw na dito." Alok niya. Tumayo kaming dalawa pero nakayuko parin ako, nakaalalay siya sakin habang naglalakad kami.
"Kookie.."
"Hmm?"
"Uuhhmm, pwede bang kalimutan mo yung mga sinabi ko kanina?" nahihiya kong sabi.
"Alin dun?" aniya. Waaah, kailangan ko pa bang sabihin? Sobrang kahihiyan na ang ginawa ko. Ang bully neto!
"Wala!" nag-pout ako at tumingin nalang sa nilalakaran ko.
"Ano bang sinabi mo? Wala akong narinig eh." Aniya kaya napatingin ako sakanya. Nakangiti siya sakin at kumindat, nagsasabing wala akong dapat ipag-alala. Gusto kong ma-iyak sa hiya na kailangang Makita niya akong ganun.
"Thanks." Kimi ko. Napunta samin ang atensyon pagkapasok naming sa loob. Dramatic entrance kung tawagin.
"Witwew! Lalanggamin na kayo jan! Hahaha!" sabi nung lalake sa bandang harap. Nagsitawanan mga tao at maririnig ang usapan kung gaano daw kami ka sweet at kung paanong namumula na daw ako sa kilig.
Oo kinikilig ako, but more than that, nahihiya ako dahil sa nangyari kanina.
*Chu~* humalik si Kookie sa ulo ko kaya nagsitilian yung iba. Agad siyang hinila ng mga kaklase naming lalake at kinakantyawan.
"Nangangamatis kana jan Aemy, Hahaha! Kilig overdose ka nanaman, share your blessings!" ani Sugar kasama ng iba naming classmate na babae.
Kakaumpisa palang ng party, pero parang di ko na kakayaning patapusin ito, matapos ng kahihiyan ko kanina.
---------- VOTE. COMMENT. SHARE. ----------
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro