[ AEMY'S POV ]
It's only been 3 hours after we ended our fake relationship. Hindi ako malulungkot, hindi ko siya iiyakan, hindi narin ako aasa pa. Hindi ako apektado, hindi na ako masasaktan, hindi na--
"Uwaaaaah! Su- *hic* gar! Bakit ang sakiiiiiit!" muli ay nagluluksa ako kasama si Sugar. Hindi ko nga alam kung paano akong nakauwi ng bahay eh.
"Hindi ka pa ba natuyuan sa lagay na yan? magta-tatlong oras ka nang umiiyak eh." hinaplos haplos niya an likuran ko. Sa totoo lang, boses at puso ko nalang ang umiiyak dahil wala nang luhang lumalabas sa mata ko.
" *hic* sabi mo ka *hic* pag umiyak ako mawawala *hic* lahat ng sakit!" kinuha ko ang natitirang tissue at ipinunas sa pisngi kong kanina pa natuyuan ng luha.
"Ang sabi ko, mababawasan ang sakit, hindi mawawala!" pagsesermon niya sabay bato sakin ng bottled water. "Oh eto, mag-mami ka muna at nang mahimasmasan ka." nilapag niya ang bowl ng mami sa sahig kung saan nakahandusay ako.
"Alam mo bang si Kookie ang kasama ko nung huli kong kain ng mami?" bigla ay sumanib sakin lahat ng kalungkutan sa mundo. "Hindi bottled water ang binigay niya sakin, strawberry drink. Yung favorite ko. Nilusong niya ang ulan para---- Uwaaaah!" isunubsub ko lit ang mukha ko sa yakap kong unan.
"Paano ka namang hindi iiyak! Eh lahat yata ng bagay sa mundo konektado kay Kookie! Kain ka na nga! lalamig na oh!" nag-squat siya sa harap ko at sinimulang lantakan ang mami niya.
"Wala akong gana." pag-tanggi ko, pero sa totoo lang gutom na gutom na ako.
"Okay, sige iyak ka lang diyan, sarap pa man din nitong mami, pinalagyan ko pa ng maraming karne." inihipan niya ito na siya naman nanuot at nagtambay sa ilong ko. Tsk. Galing talagang mang-inggit neto eh. Umupo ako at kinuha ang bowl ng mami. "Kala ko ba wala kang ganang kumain?" pasarkastiko niyang sabi.
"Sige na, nilulunok ko na ang pride chicken ko at kakain. Nakakahiya naman saakin diba?" pasarkastiko ko ring sabi. Wala rin kaming imikan hanggang sa makalahati namin ang mami.
"Alam mo Aemy, hindi mo naman kailangang pahirapan ang sarili mo eh." ani Sugar na itinabi ang maming kinakain niya.
"Huh?"
"Hay, kung hindi mo pa kaya huwag mong pilitin ang sarili mo." dagdag pa niya. Daming paligoy ligoy ng babaeng to.
"Anong ibig mong sabihin.?"
"Hindi mo naman kailangang masaktan ng ganyan. Mahalin mo lang siya hanggat magsawa ka. Wala namang masama eh." aniya na parang yun lang ang solusyon sa problema ko.
"Parang ganoon kadali ah, Sugar, may fiance na yung tao. Ano ang mapapala ko kapag patuloy ko pa siyang mamahalin? Hindi ba't ako lang ang maghihirap?" kaya ko nga winakasan ang peke naming relasyon para tumatak sa kokote kong hindi pwedeng maging kami.
"Masmahirap makalimot kung nandiyan lang sa tabi mo yung kinakalimutan mo. Masmaganda kung patuloy mo lang siyang mahalin hanggat magsawa ka. Total hindi naman niya alam eh." aniya. May punto siya pero..
"Paano kung di ako mag-sawa? Parang pakiramdam ko nga sakanya nalang umiikot mundo ko eh." Oo, kanikanina lang parang gumuho ang mundo ko.
"Oh, eh anong gusto mo? for sure, iiwasan at iiwasan mo siya. Ano namang mararamdaman nung tao? Tinulungan ka niya tapos iiwasan mo. Unfair yun sakanya Angela." Pagpupunto niya sakin. Kahit hindi naman niya sabihin sakin eh. Alam kong magiging awkward ako sakanya. Ngayon pa nga lang parang ayokong pumasok bukas eh.
"Ayoko, nakakatakot. Para kong hinuhukay sarili kong libingan eh."
"Subukan mo lang, Friends parin naman kayo after all diba? then love him as a friend nalang. Obsessed friend that is. Haha." at nagawa pang tumawa ng bruhang ito. Parang ang dali dali lang ah. "Malay mo, ma-inlove din siya sayo."
"Kailangang ulit-ulitin Sugar? May fiance ang tao. First love pa niya. Paanong ma-iinlove sakin yun?" naiirita kong sabi. Kailangang ipagduldulan at ulit ulitin ko pang sabihing may fiance na siya! Nade-depress na nga yung tao eh.
"Bakit hindi? fiance lang naman, di pa kasal. Why don't you make him fall for you instead?" dagdag pa niya. Napakakulit ng lahi nito.
"Then what? ruin their relationship? No thanks." sabat ko naman.
"So anong gagawin mo if ever i-kansela nila yung engagement?" natigilan ako sa sinabi niya. "what will you do?"
"I-i don't know! Let's just sleep. I'm tired." Kinuha ko yung unan sa tabi ko nilagay sa lamesa ang malamig na maming hindi ko naubos. Kinulit lang ako ng kinulit ni Bridgitte hanggang sa makatulog na kami.
Ano nga ba ang gagawin ko kung sakaling.. Ughh.. nevermind. Kinaumagahan.
"You sure di ka papasok?" tanong ni Sugar na nagsisintas ng sapatos.
"Sa tingin mo makakapasok ako sa lagay kong 'to?" mugto ang mata ko at parang na-resurrect na zombie dahil kulang sa tulog.
"Sabagay, magliwaliw ka nalang sa mall at huwag kang magkukulong sa bahay para bukas makapasok ka na. First week of class palang naman." pinahatid ko na siya kay manong driver. Pwede naman akong pumasok eh, kaso ang hirap. Naninikip dibdib ko ng wala sa oras.
Lumipas ang isang araw na parang nagdaan ang isang buong taon. Nakatunganga at nag-iisip ng wala. Sa sobrang bagal ng oras at sa tinagal tagal kong naka-upo sa sofa, magdadapit hapon palang. Inabot ko ang phone ko.
16 Missed Calls, 2 Message. Galing kay Sugar?
Fr: Sugar
Kamusta ka naman jan? Bakit hindi mo sinasagot tawag ko? pasok ka bukas ha.. Pahinga kang mabuti! Muuah!
Sinubukan ko siyang tawagan pero out of reach siya.
Fr: Kookie
See you tomorrow.
Jusko jugigo, maawa ka sa puso ko. Hanggat maaari, huwag ka munang magpapakita sakin.
Kinabukasan.
Sinadya kong pumasok ng medyo late para mabawasan ang pagkakataong magkita kami ni Kookie. 5 minutes before bell ay nakarating ako ng classroom ng hindi nasasagap ang anino niya na siya namang ikinaginhawa ko.
"Morning, kala ko di ka na papasok eh." bungad ni Sugar. Umupo ako sa tabi niya at niyakap ang desk ng upuan. "Oh, masama pakiramdam mo?"
"Hindi, naubos ang lakas ko kakaisip kung magkikita kami o hindi. Haaaa" Parang hinigop lahat ng upuan lakas ko. Gusto kong matulog nalang at yakapin ang malamig na desk.
Nag-ring ang bell, pumasok ang professor at nagsimulang magsalita pero walang balak lisanin ng mga pisngi ko ang desk.
"May transfer student tayo from other institute, pasok ka" anang prof namin. Narinig ko ang bulungan ng mga kaklase namin at parang nagulat si Bridgitte. "Introduce yourself." dahan dahan kong inangat ang ulo ko..
"Good morning.." natigil ako sa pag-angat ng ulo nang marinig ang boses niya. "I'm John McKook from Institute of Nursing. Kookie for short. Nice to meet you." Bigla akong pinagka-itan ng hangin, parang dinukot ang puso ko at nanigas.
"Aemy..." narinig kong tinawag ako ni Sugar. Please, mali lang ang pagkakarinig ko. I'm being delusional. It's not him.
Tuluyan kong inangat ang ulo ko at nakita si Kookie sa harap. Hindi ko alam kung anong gagawin, sa sobrang gulat at lakas ng tibok ng puso ko, wala akong maisip. Why is he here?
"Umupo ka na kahit saan at magsisimula na tayo." anang professor. Ngumiti siya sa dereksyon namin at agad umupo sa bakanteng upuan sa harap. Tumingin ako kay Sugar na halatang nagulat rin.
"Okay ka lang?" hinawakan niya ang kamay ko. Tumango lang ako pero sa totoo lang, gusto kong tumakbo palabas ng room. Paano ako makaka-move on nito? Halos makonsumo ko lahat ng lakas ko kakaisip na hindi kami magkita, tapos magiging ka-klase ko siya?
Lord, anong ginawa ko at nangyayari sakin 'to?
End of subject. Agad kaming dumeretso sa banyo ni Sugar.
"Aemy, okay ka lang?" tanong niya.
"Paano akong magiging okay Sugar?! How?!" nagpapanic na ako dito. Paano na ang gagawin ko.
"Bakit siya nag-transfer?" Pati ako nagulat eh. Ano na ang balak mo?"
"I don't know. Sabihin mo, anong gagawin ko? Hindi ako makapag-isip ng tama!" natatranta kong sagot.
"Ewan ko rin. Act normal?" pangiwe niyang sabi. Paano ko naman kaya gaawin yun? Eh ngayon palang umuurong na dila ko. "Sigurado nagtataka yun ngayon, imbes na kinakausap natin siya andito tayo sa banyo." dagdag pa niya.
"Aish, bahala na nga. Tara na balik na tayo sa room." dali-dali kaming lumabas ng banyo pero parang bumibigat paa ko habang papalapit sa room. Mula sa pinto ay nakita ko si Kookie na napapaligiran ng mga babae. Agad akong lumapit at..
"Anong kalandian ang nagaganap dito?" siyempre di ko sinabi yan. "A-ang dami mo na agad kaibigan ah!" nangingiwe kong sabi. Anong bang ginagawa ko?
"Aemy, san ka nangaling?" tanong niya sakin.
"S-sa banyo.. aha-- ehehe.." ang awkward, asan na ba si Sugar! Nakita ko siyang naka-upo na at kumakaway ng good-luck-kaya-mo-yan. Traydor! "May kailangan kayo kay Kookie?" ibinaling ko ang tingin ko sa mga babae at pina-pana sila ng tingin ng umalis-kayo-sa-paningin-ko-kung-gusto-niyo-pang-mabuhay.
"May tinatanong lang kami.. sige." at sabay sabay nagsialisan ang mga ito. What now?
"Uhm.. b-bakit ka pala nag-transfer?" yes, tama yan. buti naitanong ko!
"Sabi ni tito, business related daw ang kunin ko kaya nag-shift ako ng course." tugon naman niya.
"ahh... ahaha.. ganun ba?"
"Na-miss mo ko?" bigla nyang banat. Nag-init ang mga pisngi ko dahil na-miss ko nga talaga siya.
"H-hindi ah!" patindi ko naman pangtanggi. Jusko, at sinong shunga shunga kaya ang maniniwala sakin? Nakita ko siyang ngiting ngiti sakin. "A-anong ngini-ngiti ngiti mo diyan?" pagpupuna ko.
"Wala, hehehe." tugon niya pero nakakaloko parin ang ngiti niya.
"Tseh!" sabay na akong tumalikod sa kanya sabay bulong sa hangin. "Pasalamat ka mahal kita."
--------------------------[ Author's Note ]----------------------------
Thank you for reading Book Two of Gay turned Campus Hunk!
Don't forget to VOTE, leave a COMMENT and SHARE it with your friends!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro