Kubeta
jan: "Ano? nag-over flow yung CR sa taas ng classroom nyo?!" ayus yun ha?!
jun: "Pucha pare, dapat nandoon ka! Nasa likuran pa naman kme! Parang nagdudugo yung mga dingding! Tapos ang baho ng room!!!"
jess: "Sobra naman yun..." Kaya pala nag hysterical yung teacher nyo...
elsen: "Pinapa stay nga kami after class e, pag-uusapan pa kung saan muna kme mag ka-klase..."
jan: "Ang galing ano? Sayang hindi ko nakita!"
jun: "Pasalamat ka nga, di mo naamoy!"
noel: "..." ( neko...) "Pare, pwede bang ikaw muna ang maghatid kay Jan sa sakayan?"
jan: "Bakit? kaya ko namang umuwi ng mag-isa ha?"
elsen:"Oo nga, masyado ka namang nag-aalala kay Jan!"
jun: "Oo, ang tanda tanda na nyan e!"
jan: "Loka!"
jess: "Ok lang naman sa akin, wala naman akong sundo ngayon..." Matawagan na lang si Papa mamaya...
jan: "Hintayin ko na lang kayo!"
noel: "'Di na, sige ka, hindi ka aabot ng gensomaden!"
jan: "Oo nga no..." (maganda pa naman episode ngayon...) "Sige na nga!"
jan: (Uwian na! Uwian na!) "Jess! lika na!"
jess: "O, sige, itatabi ko lang gamit ko..."
karin: (Wala syang body guard ngayon... pagkakataon na...)
jess: "..." Tama ang hinala ko, ngayon nga sila kikilos...
karin: (Kailangan na lang ilayo si Jessie sa kanya... Si david na ang bahala doon...)
jess: "Lika na Jan, dali para maaga kang makauwi." Hindi kita pwedeng iwan ngayon.
dave: "Hey dude! Yo, Jessie, sandali lang..." (dapat matuloy na 'to ha, Karin's been bugging me for a week now..)
jess: "Halika na, Jan..."
jan: "Tawag ka o..." (hmm, hm-hmmmm ^-^)
dave: "Pare, may gimik kse kami sa Padig's Point, gusto sana kitang isama, you know, get to know the guys!"
jess: "Baka pwedeng sa susunod na lang, may lakad pa kasi kami ni Jan e."
jan: "Meron?" (saan naman kami pupunta? Ihahatid lang naman ako sa sakayan ha?)
dave: "Sus naman pare, minsan lang naman e, don't be such a wet blanket, besides, I know Janice wouldn't mind, right Janice?" (Umoo ka na...)
jan: "I don't mind..." (Ok lang naman yun e...) "Uwi na lang ako ng mag-isa, wala namang problema doon e!"
karin: "You mean to say, nagpapahatid ka pa kay Jessie?!?" (ang kapal talaga ng pagmumuka ng P***** 'to!)
jan: "Uy, Karin, ikaw pala!" (kagulat naman, biglang sumusulpot!) "Ayoko nga sana, pero..."
karin: "Never mind, sabay na lang tayong umuwi if you like." (lagot ka sa kin, you witch!)
jan: "O sige, sabay na lang tayo!" (mabait naman pala tong si Karin e, minsan kasi parang ang taray nya sa kin...)
karin: "You two have fun in Padig's, ha? Bye!" (I know I will...)
jess: Lagot na... "Sandali, hindi talaga ako pwedeng sumama... Jan!" Hindi kita pwedeng iwan...
dave: (ang kulit naman nito...) "Pare naman, ba't ba di mo maiwan yang babaeng yan, bakit, nakaditik ba mga pwet ninyo at di kayo mapag layo? Ngayon lang naman e, pumayag ka na."
jan: "Sumama ka na, Jess, di mo naman ako kailangang ihatid e, marunong akong umuwi ng mag-isa!" (ano ako, batang di marunong mamasahe?!?) "Sige na, ayokong magpahatid sayo, magpaka-saya ka na lang, 'ane?" (sige na, sumama ka na... baka magalit pa sayo si David...)
karin: "Sige na, alis na kayo ni Dave, have fun ha?" (ako nang bahala dito...)
"Bye Jess! Ingat kayo ha?" (nako, baka di na ko umabot ng gensomaden!)
jess: Jan...
dave: "Tamo, pare, ayaw na nya magpahatid sayo, let's go!" (thank goodness, siguro naman ngayon titigilan na ako ni Karin!)
jess: Jan... Jan...
dave: "...madalas din kami doon, how about you, where do you hang out most of the time? Hey dude? Pare?"
jess: "..." Jan... "Pare, sandali lang, na C-CR ako..."
dave: "Ha? O sige, I'll wait for you here!"
jess: "Jan..." Nasaan ka na... Anong balak nilang gawin sayo... hindi dapat kita iniwan, ano na lang ang sasabihin nila Noel sa akin? "JANICE"
(traffic nanaman ngayon sigurado...daan tayo sa sta.lucia...dito ko lang iniwan...san kayo pupunta...p*** ang lupit ng bagong...ballpen, 4 na notebook, 2 folder...may 5 pa kong pamasahe...sandali lang ako sa...pagkakataon ko nang lapitan si...ahhh, may quiz nga pala kami...leche, nakakatamad namang...bukas na lang ako bibili ng...pwede pa kong mag laro...ang tagal naman ng sundo...gutom na ko...ang ganda ng damit ng...mayabang talaga tong isang...gusto ko nang umuwi...BASTA, AKIN LANG SYA! AKIN!!!)
"Janice! Nandoon sila sa playground!!!"
(P***!!! P***!!! Ang kapal ng mukha mo!!! P*** ka talaga!!)
(Ba't ba sya galit na galit? Ano bang problema nya?)
(Patay malisya pa tong P***** to, ang kapal talaga ng mukha!!!)
(si Jess? Anong problema kay Jess? Hindi naman ako ang lumalapit sa kanya?)
(ang kapal talaga ng mukha! Nakakagigil ka...)
karin: "Basta't lumayo ka sa kanya!" (itong bagay sa yo!) PAKK!!!
jess: "Janice!"
jan: "..." (aray...si Jess... anong ginagawa nya dito?)
karin: "Jessie...!" (si Jessie! Ba't nandito sya?!? Jessie, ang cute cute mo talaga...)
jess: "Janice..."
jan: "A... Jess..." (anong sasabihin ko sa kanya...) "Ano kasi..." (baka magalit sya kay Karin...)
jess: "Yan pa ang inisip mo! Halika, iuuwi na kita!"
karin: "Jessie...!"
jess: "At ikaw! Ano bang problema mo?!? I don't belong to anyone! Specially not to you!!! Why can't you get that through your thick head!!!"
jan: "..." (galit si Jess...anong gagawin ko...?)
karin: "But Jessie, this b****... pilit ka nya'ng sinarili from the first day of school..! I was just trying to..."
jess: "For your information, ako ang pumili kay Jan, ako ang may gustong sumama sa kanya! So will you please leave us alone?"
karin: (hindi...hindi totoo to...bakit ako matatalo ng babaing 'to?!? Bakit isang tulad pa niya?!?)
jess: "Yan ang totoo, Karin, kahit ilang beses mo pang ulit-ulitin sa sarili mo, hindi pa rin yan magbabago!"
karin: "HINDI!!!" (sinungaling ka! Sinungaling ka!) "Hindi totoo yan!!!" (alis! Umalis kayong lahat sa harapan ko!!!)
jan: "..." (umiiyak sya? Bakit? Ano bang nagyayari dito? Ba't ba sya galit na galit?!?) Karin... bakit ba..."
jess: "Halika na, Jan...iuuwi na kita..." hindi mo talaga alam kung anong nangyayari ano? Minsan naiinggit ako sayo...
jan: "E si Karin..." (hindi natin sya pwedeng iwan dito...)
jess: "...sasabihan ko na lang si David...hindi kasi kami natuloy..." sumasakit na ang ulo ko... "Lika na..."
jan: (ang sabi nya, lagi na lang ako sa tabi ni Jess...pinag tutulakan ko sarili ko sa kanya...kaya sila nagkalayo...ako nga ba ang dahilan kung bakit galit si Jess kay Karin? Nako, pinag galit ko yung dalawa... hindi ko naman alam na mag-nobya na sila e...)
jess: "Hindi ko girlfriend si Karin." Lalong sasakit ang ulo ko nito... "S'ya lang ang nagsasabi noon."
jan: "...ano...kse..." (e ba't nya ako inaaway...? Siguro dapat lumayo na ako kay Jess para...)
jess: "no, please, Janice..."
jan: (teka...ba't parang alam nya ang iniisip ko?!?)
jess: "Look, Jan...there are some people who just can't cope with rejection...isa si Karin sa mga taong ito..." ano pa bang kailangan kong sabihin? "Na...naisip ko kasi... baka kung anong isipin mo...baka lumayo ka sa akin..."
jan: "Bakit...ba't naman ako lalayo sayo?" (e anong gagawin ko...)
jess: "Jan... gusto kita..." parang mali... "Gusto kitang kasama..." ano ba to'ng sinasabi ko?!? "Ayaw kitang mawala sakin..." AAAHHHHHH!!!!!
jan: "...ha?" (ano yun?)
jess: "..." Jan... hindi ko alam ang sasabihin ko sayo...
elsen: (Pucha...tagal non ha, gutom na ko!)
jun: (Salamat, makakauwi na rin!)
noel: (NEKO)
jess: Sila Elsen... Saved by the bell...
jun: "Uy, Elsen, sila Jan yun ha?"
elsen: "Oo nga no? Ba't nandito pa yan?
noel: "..." (NEKO)
jun: "Jan! Uy, nandito pa rin si Jess!" (ba't nandito pa tong dalawang to?)
elsen: "O, anong ginagawa nyo dito? Di ba sabi namin mauna na kayo?"
noel: "Anong nangyari?" ( ^_^ )
jess: "Si Jan...nakaaway nya kasi yung isang classmate namin..."
elsen: "Aba! Ba't namumula pisngi mo?!?" (sampal yan ha?!?)
jan: "A...wala to... ano kasi..."
jun: "Sinong sumampal sayo?!?" (P***, resbak! Resbak!)
jess: "..." Ang sama ng tingin sakin ni Noel...
noel: "..." (di na dapat isipin pa...) "Di ka aabot ng Gensomaden nyan!" ( ^_^ )
jess: "..." Ang weird talaga ni Noel... "Um... gusto nyo, doon tayo samin manood ng Gensomaden... Kung okay lang..."
jun: "Okay lang sakin! Taga Beverly Hills ka di ba?" (malamang may libreng chibug!)
elsen: "O, tama, aabot pa tayo doon ng 5!" (maaga pa, pwedeng makihiram ng warcraft!)
jan: "Um... kailangan ko nang umuwi e..." (nakakahiya naman...)
noel: "Samahan ka na lang namin pauwi." (^_^) "Lika na, malapit nang mag-end yun di ba? Sayang naman kung may malalampasan kang episode,"
jan: "..." (Di naman magagalit si Tatay pag kasama ko si Noel e...) "sige, pero sandali lang tayo ha?"
maya-maya . . .
jun: "Umm, sarap nito ha?" (umm, sarap! Mapapadalas kami dito!)
elsen: "E pare, nasan yun ermats at erpats mo?" (ok lang bang nandito kami?)
jess: "Nasa taas, pero wag kayong mag-alala, ok lang kahit araw-araw kayong pumunta dito, wag lang kayong masyadong maingay, galing kasi sa sakit ang Nanay ko e..."
jan: "O? Anong sakit?" (nakakahiya naman...baka mapagod pa sya samin!)
jess: "NWag kayong mag-alala, magaling na sya ngayon! Mas makaka buti pa nga sa kanya ang maraming nakalibot na tao... at saka may katulong naman kami e... may ibang gumagawa ng gawaing bahay..."
jan: "Kaya pala hindi ka marunong magluto!" (he-he... lipy-sticky...)
jess: "... ^_^'..."Buti na lang bumabalik na sa dati si Jan...
noel: "Pare, san ba CR nyo?" (^_^)
jess: "Doon lang sa labas ng kwarto, left side..."
noel: "Samahan mo naman ako o, nakakahiyang maglibot dito e..." (kailangan nating mag-usap)
jess: Ito na... "O sige, Jun, dito muna kayo ha?"
jun: "O, 'tol, walang problema!" (Laro muna ko PS 2)
noel: "..." (^_^) "Anong nangyari?"
jess: "... Si Karin kase... nagse-selos sya kay Jan dahil... lagi kong kasama..."
noel: "Kaya nagplano sya ng kung ano, alam ko na yan. Anong nangyari kanina?" (^_^)
jess: "Pauwi na kami, pinilit ako ni David sumama sa kanya sa Padig's..."
noel: "Sumama ka naman?"
jess: "Hindi...ayaw kong iwan si Jan, pero biglang dumating si Karin, inaya si Jan sumabay pauwi, sumama naman sya... Sya nga pumilit sa akin na sumama kay David..." Wala akong magawa... "Tinakasan ko lang si David, ng nahanap ko sila...
noel: "Ano naman sabi ni Jan?"
jess: "Hindi pa rin nya alam kung bakit galit sa kanya si Karin..."
noel: "Anong iniisip nya?"
jess: "..." Gusto nya akong iwasan... Ayoko...
noel: "...Alam mo ba na full scholar si Janice?"
jess: Full scholar?
noel: "Hindi sya tulad mong mayaman. Bunso sya sa 5 magkakapatid, nag-iisang babae. Hirap na nga tatay nya sa pagpapaaral ng kolehiyo sa panganay nila e..." (mahirap na ang buhay...ito pa...?)
jess: "Hindi ko alam yun, pero..." anong kaugnayan noon dito...?
noel: "Alam mo ba na konting problema lang, pwede nang maalisan ng scholarship si Jan?" (problema...)
jess: "...hindi yun pwedeng mangyari, si Karin naman ang..."
noel: "Si Karin, galing sa may kayang pamilya, notorious sya sa dati n'yang school. A spoild brat who gets anything she wants. Ano naman ang laban ni Jan doon?" (di ka nag-iisip ano?)
jess: "hindi naman sa hindi ako nag-iisip, pero..."
noel: "Alam mo ba na teacher dito ang tita ni Karin? Alam mo ba kung ano ang pwede nyang ipagawa sa tita nya? Alam mo bang pag natanggal si Jan sa scholarship, baka hindi na sya makapag-aral next year?" (ano bang iniisip mo? Nag-iisip ka ba? )
jess: "..." Ito ba talaga si Noel?
noel: "Hindi mo alam. Wala ka ngang alam e. At wala kang magagawa." (galit ako! Galit ako sa taong 'to! P***** ina!!! Ipapahamak mo lang si Jan!!! Layuan mo sya! Layuan mo na sya ngayon din! Kung hindi, ako mismo ang makakalaban mo! Hindi ako papayag na saktan mo sya! Magkakapatayan muna tayo! Mapapatay kita!!! Mapapatay kita!!! MAPAPATAY KITA!!!)
jess: "Noel..." nakakatakot kang mag-isip...
noel: "Binabasa mo nanaman ang isip ko..." (...di na dapat isipin pa...)
jess: "...sorry...kusa silang pumapasok sa isip ko...hindi ko kayang pigilan, gustohin ko man..."
noel: "Siguro nga..." (^_^) "Pasensya na pare...alam mo kasi, higit pa sa kaibigan tingin ko kay Jan, e...Sa akin yan pinagkatiwala ng nanay nya bago namatay...Higit pa sya sa kapatid para sakin..."
jess: Bakit? Anong kinamatay ng nanay ni Jan? Ano ba sya para sayo? Sa tingin mo ba di ko sya kayang ipag-tanggol?
noel: "Hindi kita aatrasan...kahit pa black belt ka."
jess: "At hindi ako lalayo kay Jan kahit ano pa ang sabihin mo."
noel: "Alam ko." (^_^)
jess: "Noel! Jess! Bilisan nyo, nagsisimula na ang Gensomaden!"
noel: "Sandali lang, pabalik na kami." (^_^)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro