Chapter 34
“Grabe naman 'yan, anak. Ilang oras ba hihintayin namin bago ka matapos magbihis?” sigaw na naman ni Mama sa labas. “Ang tagal ha? Feeling mo ba VIP ka?” Bakit kasi kailangan pa 'kong hintayin? Puwede naman silang maunang kumain.
Huminga ako nang malalim habang nakatitig sa harap ng salamin. Patuloy pa rin ako sa pagsuklay, sa lahat ng ayaw ko ay ang pabirapan magsuklay, talagang masakit sa anit. Hindi ko alam kung okay na ba ang suot kong kulay pula na t-shirt na may markang just do it. Bigay ito ni Kuya Felix noong pasko, santa clause nga kasi ang tema niya.
Pagkatapos kong suklayin ang buhok ay sumilip ako sa pinto. Nakaupo na silang lahat at ako na lang talaga ang kulang sa mesa. Katabi ni Kuya Felix si Antonio, kaklase niya raw. Mula nang dumating sila ay hindi ako lumabas. Ewan ko ba, nahihiya ako.
“Hoy, Jemimah! Gown ba 'yan at parang ang tagal mo naman? Gutom na 'ko, lumabas ka na. Mahiya ka naman sa bisita natin,” sigaw na naman ni Mama na sa tingin ko ay umabot pa sa kabilang baryo. Daig pa ni Mama si Kapitan tuwing may announcement, may hawak na nga 'yong megaphone pero nadaig pa rin ni Mama.
Kaya nga po ayaw kong lumabas kasi nahihiya ako, bulong ng isip ko. Pero kung ganiyan kalakas ang boses ni Mama, parang wala na 'kong magagawa.
Muli akong napabuntonghininga at nagpasiyang lumabas na. Mas nahihiya ako sa sigaw ni Mama. Para kasing gutom na gutom na talaga. Nakita ko naman siyang kumain kanina. Siya pa nga ang umubos sa itlog na dapat sana ay kay Kuya Felix, napabili na lang tuloy ako ng panibagong itlog nang wala sa oras.
“Salamat naman at natapos ka rin. Akala ko kasi aabutin pa kami ng isang araw kahihintay sa 'yo.”
“'Ma, naman,” bulong ko sa kaniya. “Nakakahiya po.”
Hindi ko talaga hinayaan na madaanan ko ng tingin ang lalaking katabi ni Kuya. Sa paraan kasi ng tingin niya sa akin ay parang inaaral niya ang bawat kilos ko. Kung siguro nakakatunaw talaga ang tingin, para akong ice cream na bumalik sa pagiging tubig.
Pero kahit anong gawin ko, parang hinihila talaga ang mga mata ko upang tingnan ang lalaki. Palagay ko — hindi lang basta palagay kun'di sigurado ako na siya ang dahilan kung bakit mabilis ang pagtibok ng puso ko. Mas mabilis pa tuwing kausap ko si Patrick.
No! Stop, Jemimah! You need to stop!
“Hi,” tawag-pansin ng lalaki. Tumango lang ako at kumuha ng kanin. Ang lakas yata ng hangin sa bahay, siya pa talaga ang unang pumansin.
Tumikhim ako, dapat pala pansinin ko siya. Bisita siya ni Kuya, magiging masama ako kung 'di ko papansinin ang bisita ng pinsan ko.
Hinarap ko ang lalaki at naghanda ng matamis na ngiti, mas matamis pa sa iniisip kong ice cream kanina. Pero nang nagtagpo ang mga paningin namin ay bigla kong nabitawan ang hawak kong kutsara.
“Antonyo?”
“Maria?”
Magkasabay naming banggit. Nagpalitan ng tingin sina Papa, Mama, at Kuya Felix sa aming dalawa.
Siya ang binatang apo ni Lolo Timong, si Antonyo na pinaglihi sa sama ng loob at pait ng ampalaya. Paano siya nakapasok sa taong 2021? Paano siya nakapasok sa taon ko?
Tila nag-itim ang paligid at bigla akong nahilo.
INABOT ko ang cellphone dahil sa ingay. May makulit na caller, kanina pa tawag ng tawag. Papikit-pikit ko pang kinapa ang gilid ng kama dahil doon ko nilagay ang cellphone bago ako natulog kanina. Pinagalitan pa nga ako ni Mama dahil ang cellphone ko raw ang dahilan kung bakit ako nahimatay kanina. Muntik na nga akong mawalan ng cellphone.
Hindi ba puwedeng hindi lang ma-digest ng utak ko ang mga nangyari?
Pero nang magising ako kanina, hinampas pa ako ni Kuya Felix. Wala naman daw siyang kasamang Antonio ang pangalan, mas lalong wala raw siyang kasamang Antonyo. Baka nalipasan lang daw talaga ako ng gutom.
Baka nga. Sana nga. Sana gutom lang ang lahat. Sana namalikmata lang talaga ako. Tama, sana nga.
Muli na namang nag-ingay ang cellphone ko kaya pilit akong bumangon at kinapa ang cellphone. Sa halip na cellphone ang mahawakan ko, isang libro ang aking nakapa.
Libro? Paano magkakalibro sa gilid ko? Hindi naman ako nagbasa bago matulog.
Nagdilat ako. Tama nga ang aking hinala na libro nga iyon, ang libro ni Sarita. Nagliliparan man ang mga katanungan pero hinawakan ko pa rin ang libro na siyang naging dahilan kung bakit nag-itim ang paligid. Hindi naman ako pumikit pero wala akong makita. Pinilit ko namang ginalaw ang aking katawan pero tila nakagapos ako't 'di ako makagalaw.
Bunga ng takot na pilit pinapasok ang buo kong sistema ay inipon ko ang aking lakas upang sumigaw pero animo'y may pumipigil sa aking gawin ang bagay na iyon. Tila may nakatakip sa aking bibig.
Ano na naman ito? Akala ko ba tapos na? Bakit parang may part two pa?
Nang magkaroon ng liwanag ay agad kong binitawan ang libro na kasalukuyang nagbibigay ng liwanag sa aking kuwarto. Nakahinga ako nang maluwag dahil nasa kuwarto pa rin ako, walang 1914 na kanina ay iniisip ko. Agad kong kinapa ang aking bibig, may kadenang nakatakip doon. Bumalot ang pangamba, bumalot ang trauma.
Kadena? Bakit may kadena?
Dumako ang paningin ko sa aking katawan. Nakapulupot ang kadena roon. Nakagapos ako sa isang kadena na puno ng dugo. Umungol ako, bakit may kadena? Ako na ba ang susunod na papatayin?
Nakarinig ako ng paghampas ng kadena. Tinapunan ko ng tingin ang pinto ng aking kuwarto dahil doon nanggaling ang paghampas. Nakita ko si Faye. Mali! Nakita ko si Margarita.
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi, wala akong pakialam kung sino sa dalawang iyon ang nasa harapan ko ngayon. Ang gusto ko ay matapos na ang lahat. Pagod na 'ko. Pagod na 'kong maglaro!
“Ano na namang kailangan mo, Margarita?” bulyaw ko sa kaniya nang kinalag niya ang kadena sa aking bibig sa pamamagitan ng kaniyang titig.
“Margarita? Are you kidding me, little brat? Don't pretend that you don't fu*king know me? You're not good at it.” Tumawa ng malakas ang babae.
So, siya si Faye. Ang babae na umagaw sa akin kay Patrick. Ang mas pinagtataka ko ay kung bakit hindi siya kilala ni Patrick at kung bakit walang nakakaalala sa kaniya. Bakit bigla na lang siyang naglaho at ngayon ay magpapakita sa akin?
“Okay?” Muli akong gumalaw pero mas lalong humigpit lang ang pagkakagapos ng kadena sa katawan ko lalo na sa may bandang tiyan.
Humalakhak si Faye, katulad ng halakhak ni Simeon noong nasa gubat kami. Magkadugo nga sila, mga may lahing demonyo!
“I knew from the start that you're a traitor. But I keep asking myself, why Patrick is in love with you? Who are you by the way? A girl with full of pimples and a copycat?” Dumura ito sa sahig. “You can't get my Patrick away from me!” muling sigaw nito at hinampas ng malakas ang kadena sa aking katawan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro