Chapter 32
Ramdam ko ang bawat patak ng tubig mula sa langit sa nagpabasa sa suot kong damit. Tubig na nagpadagdag sa ginaw na nararamdaman ko ngayon. Tumatagos ang lamig niyon sa buo kong sistema. Hindi ko 'yon ininda at patuloy lang sa ginagawa kong pagtakbo. Hindi ko na nga hinintay na kausapin pa si Romeo, iniwan ko siya sa loob ng gubat. Hindi pa kayang mag-sink in sa utak ko ang lahat.
Kapatid ng Lola niya si Sarita? Paanong Lola? Eh ang bata pa ni Sarita?
Nagtila isang painting na abstract art ang utak ko, naging magulo. Kahit hindi ko maintindihan ang mga nasasaksihan ko ay pinilit kong makarating sa lumang bahay na nilabasan ni Margarita kanina. Sa lumang bahay na pinasukan namin ni Romeo. Nandoon pa siguro ang katawan ni Sarita. Naroon pa siguro ang mga kasagutan sa lahat kong katanungan.
Abot ang aking hininga at tagaktak ang pawis na may halong tubig ulan ay binuksan ko ang tarangkahan. Hindi ko maiwasang matakot, alam kong nasa paligid lang si Romeo pero ang isipang dalawa ang kalaban namin ay umuusbong ang takot sa isipan ko.
Nang mabuksan ko na ang tarangkahan ay agad akong sumugod sa bahay. Nanatiling nakabukas ang pinto kaya mabilis akong nakapasok. Hinanap agad ng mga mata ko ang kuwarto kung saan kinulong ng walang hiyang Margarita si Sarita.
Pagkakatanda ko, kahit madilim ang kuwartong iyon at puno ng dugo ay gawa sa kahoy ang sahig ng kuwarto. Hindi naman kahoy ang sahig sa bahay na 'to, mali yata ang pinasukan ko. Baka ito ang meeting place ng dalawang demonyo.
Humakbang ako paatras. Hindi! Nasaan kaya tinago ni Margarita si Sarita?
Nagsimulang malaglag muli ang mga luha ko. Dahan-dahan akong nawalan ng lakas at napaupo sa sahig. Sagad na sagad na ang pasensiya ko!
“Buwesit! Alam ko namang ito talaga ang nangyari sa taon na 'to. Pero ano pang silbi at pinapunta ako rito kung hindi ko nabago ang mga nangyari? Anong silbi ng pagpunta ko rito kung namatay pa rin si Sarita? Ano ba talagang mission ko rito? Pagod na 'ko!”
Tanging paghikbi ko lang ang aking narinig. Sapo ko ang aking mukha habang patuloy sa pag-agos ang aking mga luha.
“Ano bang dapat kong gawin?” tanong ko habang humihikbi. “O baka dapat ko lang saksihan kung paano naghirap si Sarita? Nakapa-unfair naman yata no'n!”
Tumingala ako kasabay ng pagpatak ng panibagong luha. Tila may saksak ng kutsilyo ang puso ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Napakapait! Napakasakit!
Dumapo ang paningin ko sa ikalawang palapag ng bahay pababa sa hagdan na yari sa kahoy. Ikalawang palapag?
Kusang tumayo ang mga paa ko at tinakbo ang daan papunta sa hagdanan. Kung may ikalawang palapag ang bahay, panigurado na may mga kuwarto rin doon. Nabuhayan muli ako ng loob. Mabilis kong hinakbang ang mga baitang ng hagdan patungo sa ikalawang palapag.
Nang nasa hallway na 'ko sa ikalawang palapag ay muling lumakas ang pagkabog ng dibdib ko. Mahina na ang aking paghakbang at muling lumukob ang takot. Mukhang ito nga ang nadaanan ko bago ako nakalabas noon sa kuwarto kung saan kinadena si Sarita. Buwesit na Margarita talaga 'yon! Nanggigigil ako sa kaniya!
Nakarating ako sa isang kuwarto. Ito ang unang kuwarto na madadaanan mula sa hagdanan. Nanginginig ang mga daliri ko na inabot ang hawakan nito upang buksan ang pinto. Hindi iyon nakasara kaya madali kong nabuksan ang pinto. Agad na sumalubong ang masangsang na amoy.
Pigil ang hiningang nilibot ko ang paningin sa buong silid. Madilim pa rin gaya noong palagi kong nakikita sa aking panaginip. Ang ipinagkaiba lang ay walang babae na tinatawag ang pangalan ko at humihingi ng tulong. Walang ingay na nagmula sa kadena kagaya ng palaging naririnig ko sa panaginip. Wala na dahil patay na ang babae na gusto kong tulungan.
“Siguro, hindi ako nagwagi sa misyon ko.” Kumawala ang hikbi mula sa aking bibig. Pumikit ako at napaluhod. Kahit hindi maganda ang amoy ay hindi ko iyon ininda. Mas masakit ang nararamdaman ko ngayon. Napakasakit!
“Hindi mo mababago ang mga magaganap sa taon na ‘to, Jemimah. Kung hiningi man ni Sarita ang tulong mo, hindi iyon sapat upang mabago mo ang mga pangyayari.”
Natigil ako sa paghikbi at agad lumingon sa likuran.
Dala niya pa rin ang liwanag na nagmumula sa pakpak niya. Bitbit niya pa rin ang pana na ginamit niya sa pagpatay sa dalawang masasamang tao kanina.
“Naging matagumpay ka sa iyong misyon. At iyon ang ilayo kay Margarita ang libro na yakap ngayon ni Sarita. Iyon ang binago mo dahil sa totoong kuwento, nakuha talaga ni Margarita ang libro at ginamit sa sariling kapakanan.”
Tinuro ni Romeo ang katawan ni Sarita. Dala ng liwanag na nagmula sa pakpak ng lalaki ay nakita ko ang aking kaibigan, si Sarita. Sa loob ng maliit na panahon, kaibigan na ang turing ko sa kaniya. Yakap niya ang libro na ninanais ni Simeon na nakawin. Mahigpit ang pagkakayakap ni Sarita sa libro, hanggang sa huling hininga nito.
Muling nag-unahan sa pagtulo ang aking luha. Tumayo ako at lumapit kay Sarita. Masakit man para sa akin ang nangyari pero wala akong magagawa. Gaya nga ng sabi ni Romeo, hindi ako narito upang baguhin ang mga pangyayari. Narito ako upang tulungan si Sarita na ilayo sa pahamak ang kuwentong sinulat niya.
Lumuhod ako sa sahig malapit sa nakapikit na si Sarita. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit siya humantong sa ganito. Mabait naman siya eh. Mabait na kaibigan, mabait na nobya. Mabait sa lahat. Pero nagawan pa rin siya ng masama ng mga taong maitim pa sa uling ang ugali.
Kahit talaga anong gawin nating kabaitan pero kung hindi ka talaga gusto ng tao ay magagawan ka talaga ng masama. Hindi lahat ng taong tinuring nating kaibigan ay kaibigan talaga ang turing sa atin. At higit sa lahat, hindi lahat ng taong magsasabi na mahal tayo ay mahal talaga tayo. Dahil may iba riyan na naghahanap lang ng tiyempo upang gawan tayo ng masama.
Huwag basta-basta magtiwala.
Hinawakan ko ang libro na yakap ni Sarita. Pinaghirapan siguro niyang isulat ang aklat na ito at gusto pang agawin ni Simeon. Nagbabalatkayo lang pala ang lalaking iyon. Hinding-hindi ko talaga siya mapapatawad!
Hinarap ko si Romeo na kasalukuyang nakatingin pa rin sa akin. Natatandaan ko iyong sinabi niya tungkol kay Sarita.
“Kapatid ng Lola mo si Sarita?” ungkat ko.
Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Magkatagpo ang aming mga mata. Ilang saglit pa bago siya tumango.
“Alam kong nagtataka ka sa aking pagkatao.”
“May alam ka sa iniisip ko?” naguguluhan kong tanong sa kaniya.
“Ang tungkol kay Patrick.” Lumapit siya sa akin. Pumikit ako dahil nakakasilaw ang liwanag ng kaniyang pakpak. Humawak siya sa libro ni Sarita. Nagkaroon din iyon ng liwanag na nagpagulat sa akin. “Ako 'yon. Ako si Patrick sa taong 2021.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro