Chapter 29
Tila sasabog ang eardrums ko dahil sa lakas na sigaw na aking narinig. Pigil ko pa rin ang aking paghikbi dahil ayaw kong marinig ni Romeo ang aking pag-iyak. Animo’y may mga karayom na tumutusok sa aking dibdib dulot ng pagpipigil ko sa aking pag-iyak.
Muling may sumigaw na siyang aking ipinagtaka. May ibang tao pa kaya liban sa amin ni Romeo sa silid? Pero imposible! Nilabanan ko ang takot na lumulukob sa aking katawan, pinilit kong idinilat ang aking mga mata.
Ibang silid ang aking nakita. Napalilibutan na ng mga makabagong teknolohiya. Naroon ang mga computer na palagi kong ginagamit, ang aking cellphone na nasa ibabaw ng unan, ang mga notebook na nagkalat sa higaan.
“Kuwarto ko ‘to,” mahina kong saad. “Kuwarto ko nga ‘to,” pag-ulit ko pa nang mag-sink in na ang lahat. “Nakabalik na ‘ko!”
Nilibot ko agad ang aking paningin. Naroon pa rin ang nakabukas na computer at kasalukuyang pinapalabas ang paborito kong Korean drama. Naroon pa rin ang mga stuff toys na minsang binili ko sa divisoria. Naroon pa rin lahat ng gamit ko bago ako napunta sa taon ni Sarita.
Humakbang ako upang patayin sana ang computer, wala ako sa mood upang manood. Kasi kung sakali man, babalik na naman ako sa episode one. Pakiramdam ko kasi parang halos isang buwan din akong tila naging tambay sa taon na ‘yon. Nakipagsapalaran, gustong mabuhay, at pinilit pakisamahan lahat ng tao roon. Lalo na ang binatang si Antonyo. Galit na galit yata ‘yon sa tulad kong magaganda.
Pero sa lahat ng ipinagtataka ko ay ang paraan kung paano niya ako pakisamahan. Para kasing may pinaghuhugutan.
“In fairness, kung totoo nga ang sinabi ni Romeo tungkol sa painting ni Antonyo. Baka puwede na siyang yumaman do’n.” Napahagikhik ako sa naisip. “Pero malas na lang siya dahil kamukha ko pa talaga ang naiguhit niya. Bangungot ‘yon, panigurado.”
“No! Get away from me!”
Agad akong natigil nang biglang may sumigaw sa baba. May rally ba?
Tumayo ako upang tingnan kung anong nangyayari sa kalsada. Napakaimposible naman kung may mag-aayaw sa kalsada at sa mismong tapat pa talaga ng bahay namin. Pero bahala sila, walang aawat.
Nang nasa may bintana na ako ay saka ako dumungaw. Na siya namang pinagsisihan ko talaga.
Naroon si Faye, hawak ng isang barangay tanod tanod. Sinisipa ni Faye ang barangay tanod at hinahampas sa bag ang bawat taong lumalapit sa kaniya.
“I’m not making any scene! I just wanna —” Hinapas na naman niya sa likod ang isang barangay tanod. “I’m famous! The hell! Stay away from me!” Tumingala siya kung saan nakapuwesto ang kuwarto ko. “Give me back my manuscript, bitch!”
Manuscript?
Hindi ko kayang ihakbang ang mga paa ko para lumayo mula sa bintana. Gusto ko sanang hindi siya tingnan pero parang ang hirap. Hindi ko kayang humakbang upang lumayo.
Nilingon ko ang mesa kung saan nilagay ko ang libro na binigay ni Mama noong nakatulog ako sa sahig. Muntik pa pa lang masunog ni Mama ang manuscript na pinuputok ng butse ni Faye. Akala ko tapos na siyang ipahiya ako sa social media, mukhang may mangyayari pang part two. OA mo girl.
Kailangan ko yatang mag-vlog. For sure, papatok ito sa mga Wattpad reader. Magiging viral pa. Dalawa pa namang writer ang mag-aaway. Isang sikat at isang feeling sikat. Viral talaga siguro ang video kung ako pa ang kukuha.
Pakialam ko ba kung puputok na ang mga bulate niya sa tiyan dahil hindi ko ibabalik ang libro? Hindi naman siya ang nagsulat eh. Pakialam ko ba sa popularity? Pakialam ko ba sa lahat? Tapos na siyang ipahiya ako eh, hindi na 'yon mababawi. Edi lubusin na natin.
Nang mahagip na ng mata ko ang mesa ay wala na roon ang libro. Pero sure naman akong doon ko iyon nilagay bago ako nag-time travel.
Time travel talaga? Dinaig ko pa yata si Doraemon eh.
Doraemon, ibigay mo na ang korona. Hayaan mo na, ako na. Huwag ka ng mahiya.
Dinaig ko pa talaga ang may time machine.
“Just tell that fuvking bitch to give me back my book and I'll be disappear just like a fuvking bubble.” Muli na namang sumigaw ang nag-iinarteng kampon ni Satanas. Dumungaw ako sa bintana. Kulang na lang talaga ay magsuot siya ng sungay. Kahit wala ng buntot ay ayos na. Para na siyang first lady ni Satanas.
Pagdungaw ko ay saka pa tumingala ang mga barangay tanod na may hawak kay Faye. Kahit hindi nila sinabi ay alam kong gusto na rin nilang bumaba ako. Pero para saan pa? Hindi ko na nga makita pa ang librong halos ikamatay niya. Ang lakas din yata ng trip ng babae na 'yan. Kahit hindi siya ang nagsulat ay inaangkin na kaniya.
Ano 'yan? Atat na magkaroon ng libro?
Bago ako tumayo ay muli kong sinulyapan ang mesa. Wala na talaga roon ang libro. Paano ko pa isusuli kung hindi na naman nagpapakita?
At saka, pagkatapos ng lahat ng nasaksihan ko sa nangyari kay Sarita, sa tingin pa niya ay kaya kong ibigay sa kaniya ang libro? Magdusa siya! Wala akong pakialam kung mas sikat siya sa 'kin. Wala akong pakialam kung mas maganda siya. Wala akong pakialam kung mas maputi siya. Wala akong pakialam kung cute ang mata niya samantalang akin ay mukhang may breed pa sa panda. Wala talaga akong pakialam! Bahala siya sa buhay niya!
Hahakbang na sana ako pero biglang nagsalita ang barangay tanod.
“Jemimah, bumaba ka nga muna rito.” Tumango ako sa nagsalita. Iyon yata ang leader ng mga tanod. Mukhang wala na talaga akong magagawa.
Lumabas ako ng kuwarto. Wala eh, ang galing talagang umakting ng babae na 'yon. Sana pala nag artista na lang siya. Pakialam ko naman kung magaling siyang umakting? Duh!
Hindi na ako nag-abalang magsuklay, mga tanod at chismosa lang naman ang haharapin ko. At saka, hello? Galing 1914 'to, fresh na fresh.
Nakaka-stress din pala 'no? Kahit saan ako ilagay puro problema hinaharap ko. Sa 1914, may Margarita at dito naman sa 2021 ay may Faye. Bakit hindi na lang kaya sila magsama at magkita kami sa future, mukhang mas bet ko 'yon.
Pinihit ko ang doorknob at handa na ako sa paghakbang. Kahit parang mas gusto akong iwan ng litseng puso ko ay mas pinili kong sundin ang utos ng barangay tanod. Gusto ko ng matapos 'to. Kung gugustuhin pa nila ay halughugin nila ang buong bahay. Hindi ko nga makita ang libro, sila pa kaya?
Eksaktong pagbukas ko ng pinto ay sumalubong ang malamig na hangin. Iniyakap ko ang aking mga braso, nakalimutan ko pa lang magsuot ng jacket. Ngunit ang mas nakakapagtaka, wala ang mga taong inaasahan kong makita.
Walang Faye na sumisigaw kahit ang lamig pala. Walang mga barangay tanod na nakahawak sa bawat braso ni Faye. Walang mga chismosa at chismoso na akala mo ay tila nanonood lang ng shooting. Wala lahat. Kahit mga aso man lang sana na tumatae sa kalsada.
Ano na naman 'to?
Huwag mong sabihing 1914 na naman 'to?
Kung kailan ko gustong harapin ang maarteng si Faye ay saka pa nag-inarte ang panahon. Gigil niyo 'ko ha? Buwiset!
Nilibot ko pa rin ang paningin, baka lang kasi nagdadrama lang din sila. Baka kung isasara ko ulit ang pinto ay saka sila lalabas at sasabihing IT'S A PRANK, JEMIMAH! Edi wow! Anong nakakatawa?
Tila napigil ang aking hininga. Tila tumigil ang oras nang magtagpo ang aming mga mata. Tila nawala ang ingay ng aso ng aming mayamang kapitbahay. Tila tumigil sa pagdampi ang hangin sa aking balat.
Humakbang ako upang mas makita siya ngunit siya ring paghakbang niya palayo. Tinawag ko siya ngunit hindi siya nakinig, tila wala talaga siyang narinig.
Muli akong humakbang ngunit hindi ko na maigalaw ang aking mga paa.
“Patrick!” tawag ko sa kaniya ngunit hindi na siya naabot ng aking mga mata. Umalis siyang suot ang damit ni Romeo. Damit na pang-Kupido.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro