Chapter 17
Wala sa sariling napaupo ako sa bakanteng upuan na malapit sa mesa kung saan nakalagay ang magandang libro na sa tingin ko nga ay luma na. Halos mapuno ng alikabok ang kulay puti nitong pabalat. Halos hindi nga ako sigurado kung kulay puti ba talaga ang pabalat ng libro na ito o kulay dilaw ba.
Puno ng mga papel at panulat ang mesa ni Faye, halatang manunulat talaga ang nagmamay-ari niyon. May iba't iba rin itong mga aklat na gawa ng sikat na manunulat sa Wattpad. Halos kilala ko rin ang mga manunulat na iyon. Ang iba nga ay kasabayan ko pang nangangapa dati sa dilim.
Nangangapa ng mga mambabasa. Nangangapa ng tamang daan. Nangangapa ng mga kaibigan sa mundo na aming nais galawan.
Ang iba ay nagtagumpay. Ang iba ay tinamad. Ang iba ay hindi nagsumikap. Ang iba ay tumigil sa kanilang mga pangarap.
Pero ako? Hindi naman ako tumigil. Hindi rin ako tinamad. Nagsumikap din naman ako gaya nila pero nawalan lang ng gana na magpatuloy pa.
Ewan kung bakit, baka siguro hindi talaga ito para sa akin.
May mga bagay talaga na kahit anong gawin natin ay hindi kayang ibigay ng tadahana. Sabi nga nila, huwag pilitin ang ayaw dahil may mga bagay naman na kahit hindi natin pilitin ay kusa namang darating.
Baka iba talaga ang para sa akin.
Muli kong ibinalik ang atensiyon ko sa hawak kong libro. Maganda naman ang pabalat nito pero parang napag-iwanan ng panahon.
"Ito kaya ang tinutukoy ni Sarita?" tanong ko na para bang may kausap. Napahawak ako sa baba ko at sinusuri nang maigi ang hawak na libro.
Hindi rin naman ako sigurado. Pero baka nagkataon lang na may naisulat din na ganito noon at nauna lang si Sarita. Sa dinami-rami ba namang libro sa buong mundo ay hindi maiiwasan na may kaperaha ang mga libro na sinusulat o nasulat na natin.
Gaya ko, nalaman ko rin noong isang linggo na ang isang sinusulat kong kuwento ay may nauna na pa lang nagsulat. Hindi ko naman sinasadya iyon na magaya ko ang kuwentong iyon pero pinapalabas na ng lahat na sinadya ko talagang gayahin.
Nagsusulat lang naman ako pero hindi ko alam na may plot na pa lang ganoon.
Wala, masakit lang talaga eh. Pinaghirapan ko rin naman iyon pero parang hindi nila nakita. Ganoon na siguro talaga, ang mas nakikita nila ay ang pagkakamali mo lang.
Pero ang pinaghirapan mo?
Palagay ko ay mahihirapan silang bigyan ng atensiyon iyon.
Sino ba naman kasi ako para makakuha ng atensiyon ng iba, diba? Kung sa pisikal at antas ng pagsusulat ko ay hindi pa talaga ako kilala. Nakilala na nga lang ako ng iba dahil napagkamalan akong nanggaya ng gawa ng iba na hindi ko naman talaga ginawa.
"So, paano ko malalaman na tama ang hinala ko na ito nga ang story na iyon?"
Tumingin ako sa itaas na para bang makikita ko sa kisame ang sagot sa mga katanungan ko. Na para bang isa akong estudyante na naghahanap ng sagot sa exam at sa kisame humihingi ng tulong.
Mas nanaisin ko pang maging estudyante, huwag lang akong maharap sa isang tao na nabuhay sa panahon ng 1914.
Panahon kung saan hindi ko alam na may mga sikat na pa lang manunulat na gaya ni Sarita. Palagay ko kasi ay parang puro digmaan lang ang naganap sa taong iyon.
Huminga ako nang malalim at binalik ang tingin sa libro. Pinagpagan ko muli ang pabalat at nagbabakasali na mawala ang mga alikabok na para bang naging parte na ng pabalat. Nagtila nga isang disenyo na ang alikabok dahil ang hirap nitong mawala.
Patuloy pa rin ako sa ginagawa ko nang may kumatok sa pinto. Sunod-sunod ang ginawa nitong pagkatok na siyang pinagtataka ko. Kung si Faye iyon, hindi naman niya kailangan na kumatok pa.
Tumayo ako at kinuha ang libro at niyakap iyon. Pumasok ang amoy ng alikabok sa ilong ko kaya napatakip ako agad upang maisawan ang pagbahing.
Nilakad ko ang daan patungo sa pintuan upang pagbuksan kung sino man ang kumakatok sa loob. Baka ang bata iyon na kausap ni Faye kanina.
"Anak kaya ni Faye ang bata? May alam kaya si Patrick?"
Patuloy pa rin sa pagkatok ang kung sinuman na nasa labas ng pinto. Tumigil ako sa paglakad at tiningnang muli ang libro na hawak ko. Kung sakaling ito man ang libro na tinutukoy ni Sarita ay dapat kung kunin ang libro na ito na hindi malalaman ni Faye.
Pero, paano? Paanong hindi malalaman ng babae na 'yon? Paano ko kukunin ang libro na ito at nang maipakita ko kay Sarita?
"Bakit kasi hindi na lang siya magpakita ngayon? Ugali naman ni Sarita na biglang sumusulpot eh," nakasimangot kong bulong. "Bakit ngayon ay ayaw niyang magpakita? Gusto pa yata akong pahirapan."
Nagpatuloy ako sa pagkuha ng alikabok. Nang masiguro ko ng wala ng alikabok ang libro ay sinubukan kong ipasok ang libro sa loob ng damit ko.
"Mabuti naman at nagkasiya. Akala ko talaga mahihirapan akong itago ka eh."
Napangiti ako at tumingin sa doorknob nang biglang gumalaw iyon. Napahakbang ako paatras at hinawakan ang libro na nasa loob ng blusa ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Naghalu-halo ang mga balak kong gawin. Nais kong tumakbo upang maalis sa kuwarto na iyon. Nais kong maglaho na lang at kainin nawa ng sahig. Baka kasi si Faye pala ang nasa labas at makita niya ang ginawa ko.
Ayaw kong maakusahan na magnanakaw. Ayaw kong makita niyang ninakaw ko ang libro niya. O mas magandang sabihin, kinuha ko ang libro na kinuha rin niya kay Sarita.
Bumuga ako ng hangin. "Hindi nga ako sigurado na kay Sarita nga itong libro. Imposible naman diba? Paano nagkaroon ng ganito si Faye kung kay Sarita nga ito? Paano—"
Naputol ang mga sasabihin ko pa sana nang tuluyan nang bumukas ang pinto at niluwa nito ang lalaking ayaw na ayaw kong madaanan ng paningin ko. Ang lalaking naging dahilan kung bakit ako nawalan ng malay kanina.
Ayaw ko pang mahimatay na naman.
Pumikit ako ngunit agad din akong nagdilat. Hinawakan ni Simeon ang baba ko at tinaas nito upang magtagpo ang mga paningin namin.
Grabe. Hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala siya sa akin.
"Hindi ka ba titigil? Bakit ang tigas ng ulo mo!" sigaw nito sa mukha ko.
Bumuka muli ang bibig nito pero naudlot ang balak nitong sabihin dahil sa ilaw na nanggaling sa loob ng aking suot na blusa. Ilaw na galing sa aklat.
Biglang naglaho ang lalaking may hawak sa baba ko at biglang nagbago rin ang paligid.
"Anong nangyayari?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro