CHAPTER 7
"Ms. Fernsby, may namamagitan na po ba sa inyong dalawa ni Mr. Adler?"
Kaid and I looked at the reporter na nagtanong 'nun. Ibibigay na sana sa akin 'yung microphone when Kaid got it at siya na ang sumagot. He stood up.
"Well, meron naman na kahit dati pa. Hindi ko na alam kung pang-ilang beses ko itong uulitin pero gusto ko ulit sabihin sa inyo na childhood bestfriend kami ni Dariantha. Kami nila Breylynn Relish. Sabay kaming lumaki na lahat kaya I can say na may namamagitan nga sa amin. But if you're referring to romantic way, wala pa po. Yes, you heard it right. WALA PA. Kasi nililigawan ko pa lang po si Dariantha at sana ay sagutin niya ako. Thank you."
He went back to his seat na may ngiti pa rin sa labi. Kanina pa kami nakangiti rito, nangangawit na nga ako, but I need to do it kung ayaw kong mapagalitan na naman ng director namin. Pinalo ko si Kaid kaya napangiwi siya.
"Why did you say to them na nililigawan mo ako? Lagot tuloy ako kapag nalaman nilang hindi kita sasagutin," I whispered.
"Sabi ko naman sa'yo, Dariantha, gagawin ko ang lahat para ang matamis mong oo ang matanggap ko imbes na rejection. Hindi ko yata kakayain kung ire-reject mo ako." Umakto pa siyang nasasaktan kasi hinawakan niya 'yung dibidb niya.
I just ignored him, gumagana na naman ang pagka-playful niya. May nagtaas ulit ng kamay na isang reporter kaya binigyan siya ng mic.
"Para po 'to kay Ms. Fernsby. Alam po nating lahat na may kaunting exposure rin po ang inyong half-brother na si Mr. Ackley Fernsby. Kung papapiliin po kayo, sino po ang mas gusto niyong maging leading man niyo? Si Mr. Ackley Fernsby po ba o si Mr. Kaiden Adler, Ms Fernsby?"
Kinuha ko ang mic at tumayo. I asked myself, sino nga ba ang gusto ko? If I will base it in the acting industry, I will still pick Kaid. But if I will based it sa kung sino ang gusto ko, parang mas sinasabi ng utak ko na si Ackley ang pipiliin ko.
"Si Kaid po ang pipiliin ko. Thank you." I sat down after it. In the end, si Kaid din ang pinili ko because I am more comfortable if siya ang leading man ko. Like I said, marami na kaming napagbidahan na movie kasi nga love team kami kaya siya na lang ang pinili ko.
May narinig kaming kumalabog sa kabilang table kaya napatingin kami roon. I saw Ackley clenched his fist. Parang may sinuntok yata siya. Bakit naman niya 'yun gagawin?
Magka-iba kasi kami ng table. Kami ni Kaid dito sa table na nasa gitna. Si Ackley, Dalton at Lynn naman sa kanan namin while our director at 'yung ibang katulong niya ang nasa kaliwa namin.
Buti na lang ay may nagtanong na reporter kay Direk kaya they diverted their attention to him, at hindi na pinansin pa ang ginawa ni Ackley. Nang itaas ko ang paningin ko sa kanya, he's staring at me, halatang mong may lungkot sa mga mata niya. Lungkot na hindi ko alam kung saan nanggaling.
I don't know, but I felt a pain in my heart dahil sa lungkot na 'yon. Iniling ko na lang ang ulo ko. Alam kong mali 'yon dahil half-brother ko siya kaya I should stop it ngayong maaga pa lang. Hindi dapat ako nakaka-ramdam ng ganoon sa puso ko.
"Hey, okay ka lang, Dariantha? Kanina ka pa nakatingin kay Ackley, ah. May problema ba?" naga-alalang tanong ni Kaid as he patted my shoulder.
"Ah, this is nothing. Nag-alala lang ako nang may narinig ako." I faked a smile.
Nagtuloy-tuloy pa 'yung mga tanong ng reporters, and I want to thank them nang hindi na sila masyadong nag-tanong sa akin. Sina Lynn, Dalton, at Ackley naman ang mga tinanong nila kaya I excused myself. Pumunta akong comfort room at nag-retouch ng make-up.
I went to one of the cubicles. Maya-maya lang, may narinig akong mga boses sa labas. Dalawa yata sila base sa boses nila at mga yapak nila. "Ang landi rin naman talaga ni Dariantha, ano?" Akmang lalabas na ako, but I stopped when I heard my name.
"Oo nga. Akala ko pa naman, hindi pero tinatago lang pala niya 'yung landi niya. Titig na titig pa kay Papa Ackley, e, half-brother nga raw niya 'yun. Hay naku, tapos ang tamis tamis naman ng ngiti niya kay Papa Kaiden. Masyado siyang malandi."
I just sighed. Lumabas na ako at naghuags ng kamay. Mukha pa nga silang nakakita ng multo nang makit nila ako. Ayaw ko na silang patulan pa dahil paniguradong magkaka-gulo lang dito sa comfort room. Also, if pumatol pa ako, I will just give them the satisfaction that they want. Bahala na sila diyan kung ayan ang gusto nilang paniwalaan. Basta alam ko sa sarili ko na hindi ako malandi.
I went back sa press conference. After an hour, natapos na rin. Tita invited us to have a dinner. Sinabi niya rin sa akin na tawag ko raw si Mom kaya tinawagan ko nga. Dumating din naman si Mom. Nagpa-reserve raw ng isang restaurant si Tita kaya walang ibang tao nang makarating kami roon.
Umupo na kami at katabi ko si Kaid sa kaliwa ko while Ackley's on my right side. Katabi naman ni Ackley si Lynn sa kabila niya habang katabi rin ni Lynn si Dalton. Sina Mom, Dad at Tita Acaleigh naman sa kabilang side. Habang hindi pa dumarating ang pagkain namin, Tita open up a topic.
"Kamusta naman sa acting industry?" she asked us. She's also an actress back then pero hindi na nagtuloy dahil sa business nila. Si Dad din ay isang actor dati at sa kanya kami sumunod ng yapak while Mom was a model before.
Lahat sila sanay na rin dati sa mga cameras kaya kapag may mga press conferences kami nina Dalton at Ackley, halos lagi silang present. Kanina lang hindi nakapunta si Mom because she took care of something more important.
"Okay lang naman po, Tita Acaleigh. Masaya po," Lynn answered. Halos lahat kami, ganoon lang din ang sinagot because it's really happy in acting industry. Dapat sana ay nandito rin 'yung mga parents nina Kaid at Lynn, but busy raw sila. Dumating na 'yung mga foods namin.
While eating, napansin yata ni Mom 'yung pagiging sweet ni Lynn kay Dalton. "Lynn, is there something going sa inyong dalawa ng anak ko na si Dalton?" 'Yung tono niya, it's not serious, instead, parang kinikilig pa na ewan. That's Mom, gustong-gusto na nga niya kami magka-love life, e.
"There will be po if sasagutin na ako ni Dalton, Tita Delayza," she smiled widely. 'Yung ngiting halos hindi na makita 'yung mga mata niya na medyo singkit.
"Aba, hindi naman ako papayag na ikaw ang manligaw sa anak ko, Lynn. It should be Dalton. Dalton, ligawan mo si Lynn," utos ni Mom sa kapatid ko. Naibuga naman niya 'yung iniinom niyang tubig kaya tumawa kami.
"What?! No way, Mom! Hindi ko siya gusto kaya hindi ko dapat siya ligawan." Lynn pouted, but he ignored her and just continued. "'Yung mga gusto ko lang ang mga nililigawan ko, Mom."
"Really, Dalton? E, wala ka pa namang nililigawan. Puro laro lang ang alam mo, Dalton. You never made your relationship serious. Buti nga, hindi nagre-reklamo 'yung mga babae na pinag-laruan mo," I jested in, smirking.
He rolled his eyes. "Oo, puro laro lang alam ko, pero at least, nagka-relasyon na. How about you, Dariantha? Hindi mo pa na-try magka-boyfriend. No boyfriend since birth ka, e."
Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Kaid. "Don't worry, bayaw. Makaka-boyfriend na rin si Dariantha. Sagutin niya lang ako, tapos ang problema." Nakangisi niya akong inakbayan habang nakatingin sa reaksyon ni Dalton.
"Nililigawan mo ang anak ko, Kaiden?" Mom asked him, looking surprised. His smirk suddenly became a smile.
"Yes po, Tita." Nagulat kaming lahat nang biglang bitawan ni Ackley 'yung utensils niya.
"Can we just eat first? Mamaya na natin pag-usapan 'yang panliligaw na 'yan." His tone was serious. Naibalik ulit 'yung ngisi ni Kaid dahil doon. Inalis na niya 'yung pagkaka-akbay niya at tahimik kaming kumain.
When we're finished eating, Mom open up that topic again. I don't know why pero pinapanood ko ang mga rekasyon ni Ackley habang sinasagot ni Kaid 'yung mga tanong ni Mom about sa kung gaano niya ako kagusto. Pero wala, naka-poker face lang siya.
My gaze diverted to Mom nang banggitin niya ang tungkol sa manliligaw ko raw na nagbi-bigay ng mga different kinds of flowers everyday. "Sigurado akong sasagutin agad siya ni Dari kapag nagpa-kilala na siya. She even told me na super sweet daw 'nun."
Sabay na nabilaukan 'yung dalawang katabi ko kaya saby ko rin silang inabutan ng tubig. Masyado sigurong matamis yung kinakain nilang dessert ngayon. Pero when I tasted mine, hindi naman ganun ka-sweet, medyo mapait pa nga, e. Hays, may problema na yata silang pareho sa panlasa.
"Siguraduhin niya lang na hindi niya sasaktan si Dari dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya. Pati ikaw, Kaiden, kung sagutin ka nga ni Dari, siguraduhin mong hindi mo siya sasaktan," Dad looked at Kaid.
He swallowed the lump in his throat. "Y-Yes naman po, Tito. Hindi ko po kayang saktan ang anak niyo."
"Mabuti naman kung ganun." Lumabas na kami ng restaurant after we ate our desserts. Nagpa-alam na sina Dad, Tita at Ackley at nauna na sila. We also went inside our cars.
When we arrived at home, dumiretso na ako sa kwarto ko. I took a bath and did my night routine before going to sleep.
~💐To be continued💐~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro