
CHAPTER 6
"Sino ba sa tingin mo ang nagbi-bigay ng mga bulaklak sa'yo, Dari?"
I looked at Mom at naka-kunot 'yung noo niya. Kahit nga ako, sobrang napapa-isip na kung kanino nangga-galing 'yung mga natatanggap kong bulaklak.
One month na akong nakakatanggap. But until now, hindi pa rin siya nagpapa-kita or kahit sabihin lang sana niya 'yung name niya, e. Pero wala, wala pang nakaka-alam kung sino siya maliban sa sarili niya, of course.
Ang alam ko lang ay 'yung penmanship niya. 'Yun lang, kung siya ba talaga ang nagsulat ng name ko sa mga stem. Lahat ng binigay niya sa akin sa nakaraang buwan, buhay na buhay pa. I have a flower vase at doon ko nilalagay kaya hindi namamatay. Ang ganda ngang pagmasdan 'yung flower vase, ang daming uri ng bulaklak.
"Nagha-handa na siguro siya para magpa-kilala, Mom. Kung magpapa-kilala nga po siya bilang manliligaw ko, baka sagutin ko agad siya," I shrieked. Yup, baka nga ganyan ang gawin ko dahil sobrang sweet niya!
"O, sige na, maligo ka na. Baka ma-late ka pa sa press conference niyo." I kissed Mom's cheek bago ako umakyat sa kwarto ko.
Pangatlong press cobference na namin ito simula nang matapos namin 'yung movie. 'Yung una, tge day after we finished it. 'Yubg pangalawa, bago ipalabas 'yung movie. Tapos itong pangatlo ay pagkatapos ipalabas 'yung movie. Yup, naipalabas na siya kahapon.
And we're flattered nang maraming tweets agad kaming nabasa. Nakaka-taba talaga ng puso 'yung mga ganoon. Pagkatapos kong mag-ayos, nagpa-alam na ako kay Mom bago umalis. Nagulat ako nang makita ko si Kaid sa harap ng bahay, may dalang kotse at bulaklak.
Sinalubong niya agad ako ng ngiti that I also gave him back. Hindi ko na kinuha 'yung car ko kasi pinag-buksan na niya ako kaya sumakay na lang ako sa car niya. Imbes na sa studio, sa park niya ako dinala.
"What are we going to do here, Kaid? Baka ma-late tayo, patay tayo kay Direk."
"May sasabihin lang ako saglit. Bumaba ka muna." Bumaba nga kami at naupo ulit kami sa may swing. "Do you still remembered 'yung sinabi ko sa'yo a month ago?"
"Dariantha, gusto akong tanungin sa'yo, but pwede mo ba siyang sagutin ng totoo?" The words that he said came back in my mind kaya tumango ako sa kanya.
"Ano ba 'yung tatanungin mo? You didn't finish it kasi biglang dumating si Lynn, e." Gusto ko sana talagang tanungin siya 'nun kaya lang baka hindi naman kasi importante kaya hinayaan ko na lang, at ito kami ngayon, pinagu-usapan ang tungkol doon. Importante yata because Kaid's tone was serious, minsan lang niya gawin 'yun.
"Pwede ba kitang ligawan, Dariantha Fernsby?" Iniwas niya ang tingin niya habang nagulat naman ako sa tanong niya. "If hindi, sige, okay lang."
I shook my head immediately. "No, no, it's okay pero I can't promise na may matatanggap kang oo sa akin, ha? Nililinaw ko na ngayon pa lang kasi ayaw rin kitang saktan, Kaid."
He faced me with a smile on his face. Kinuha niya 'yung dala niyang bulaklak mula sa likod niya at binigay sa akin. "Okay lang pero sinisigurado kong magbabago 'yang sinabi mo. Sisiguraduhin kong makukuha ko ang matamis mong oo, Dariantha."
Natawa na lang ako. "You're not sure, Kaid." Inamoy ko 'yung bulaklak at napatigil ako dahil pagkatapos kong amuyin, may napansing akong parang inukit na letra sa stem ng isang flower. Rose 'yung boquet, and I saw it sa pinakagitnang rose.
"Why are you staring on the flower, Dariantha? Ayaw mo ba? Hala, sorry, sige akin na lang kung ayaw mo." Akmang babawiin na niya 'yung boquet when I put it on my back.
Umiling ako. "I like it, Kaid, thank you for this." Nakangiti ko ulit na inamoy iyon.
Inaya na niya akong pumunta sa studio kaya pumunta na kami. When we arrived, pinulupot agad niya 'yung braso niya around my waist. Cameras started to click and their flashes started to flash. Noong una pa lang ako sa acting industry at nakatapos ako ng isang movie, medyo nakaka-bulag pa para sa akin 'yung mga flash ng cameras, but as years passed by, nasasanay na rin ako.
Kaid and I smiled on the cameras. Nang nasa lobby na kami ng studio, nakita namin doon sina Ackley, Lynn at Dalton. Kaya pala wala na sa bahay kanina ang kapatid ko dahil nandito na pala. Inunahan na naman ako.
Nang makita ni Dalton 'yung braso ni Kaid na naka-pulupot sa baywang ko, sinuntok niya agad ito while si Lynn ay mukhang kinilig naman. When I looked at Ackley, ang sama ng tingin na naman niya kay Kaid, but the latter just smirked at him.
Minsan, ang misteryoso rin ng half-brother namin. "Dariantha, our Dad wants to see you and Dalton. Nandiyan siya kasama si Mom. Pwede raw ba?" Medyo nagulat pa ako sa tanong niya.
Tulad nga ng sabi ko, hindi naman ako galit kay Dad, but si Dalton. Siya ang inaalala ko, medyo galit pa rin kasi siya kay Dad. Pero mas malala pa rin talaga ang galit niya kay Ackley kaysa kay Dad. Also, tatlong buwan na rin naming hindi nakaka-usap or nakikita man lang si Dad. Pumunta kasi yata sila ng Mom ni Ackley sa ibang bansa for business.
"Of course, I want to talk to him. Tatlong buwan na rin naman simula nang huli ko siyang makausap," I smiled before I looked at my brother. "Dalton, sumama ka sa amin. Kausapin natin siya," paga-aya ko sa kanya.
"'Wag na, ikaw na lang. Mas okay pa sa aking naka-kapit sa braso ko si Lynn kaysa kausapin 'yang tatay ni Ackley na hinayupak."
I sighed. Paano ko nga ba siya mapipilit? Uh-huh! "Kuya, please," I pouted. "Come with us, Kuya. Makipag-bati ka na kasi kay Dad."
He darted a glare at me. "I said, I don't want to talk to him, Dariantha. Saka, 'wag mo akong tawaging Kuya dahil ang pangit pakinggan." Aayain na sana niya si Lynn na umalis pero sinenyasan ko siya na 'wag sumama kay Dalton.
"Bakit mo ba kasi ayaw na makipag-usap sa Dad niyo, Dalton? There's nothing wrong with that," wika ni Lynn.
"Since the day na pinagpalit niya si Mom sa nanay ng hinayupak na Ackley na 'yan, hindi ko na siya tinuring bilang tatay ko. Oo, he's giving us some of his time kapag mayroon siya para makapag-bonding kaming unang pamilya niya. Pero hindi 'yon sapat kasi ang gusto namin 'yung hindi dapat siya nakipaghiwalay kay Mom. Sabagay, ano ba ang magagawa ko kapag may isang malandi na lumandi sa tatay namin?" Ngumisi siya kay Ackley samantalang tumangis naman 'yung bagang ng huli.
Napa-iling na lang ako, mukha kasing maga-away sila. "Hindi kailanman naging malandi si Mom. Always remember that, Dalton. Wala naman kasing malalandi kapag walang nagpapa-landi. Nagpa-landi si Dad kaya ayun, nalandi ni Mom. Also, your Mom didn't give Dad enough time before. Lagi na lang daw kasi business ang inaatupag ng Mom niyo kaya humanap ng iba si Dad. He found a girl that can give him time, at si Mom 'yon. He picked Mom because she can give time to Dad."
Bago pa makalapit si Dalton kay Ackley, I stopped him. "Stop it, Dalton. 'Wag ka na gumawa ng eksena rito." Hindi ko na siya tinawag na Kuya kasi baka mas lalong mag-init ang ulo niya na ayaw na ayaw kong mangyari. O already saw kung paano siya kapag sobrang nagagalit, and I don't want to see it again. It's like there's a monster inside him.
"If you don't want to talk to Dad, 'wag ka na sumama. Si Dariantha na lang ang isasama ko." Hinila na niya ako at pumunta sa isang bahagi ng lobby.
Nang makita ko si Dad with Ackley's Mom, nagmano ako sa kanila. Mabait naman ang Mom ni Ackley, bati rin sila ni Mom. Talagang si Dalton lang ang may galit sa kanila. "Good morning, Dad, Tita," I smiled.
"Good morning din, Dari. Nasaan ang kapatid mo?" tanong ni Dad.
"Nandoon siya sa main lobby, Dad. He's with our friends." Dad just sighed, sanay na kasi siya roon. Hunarap ako kay Tita. "Parang mas lalo yata kayong gumaganda, Tita."
Tumawa naman siya. "Ikaw talaga, Dariantha. Lagi mo akong napapatawa. Kamusta na kayo? Kamusta na si Delayza?"
"She's okay, Tita." Delayza is my Mom's name while Dad's name is Drayden. Acaleigh naman ang name ng Mom ni Ackley. "Miss na nga raw po kayo ni Mom. Kailan ba kayo free para you can visit us, Tita?"
May tinignan muna siya sa phone niya. "Sa susunod na araw siguro, Dariantha. At saka, baka hindi na kami pumunta ni Ackley para naman maka-bonding niyo si Honey. Tatlong buwan na rin 'nung huling beses na nakapag-bonding kayo."
"Sige po, Tita. Sasabihan ko po si Mom later. Hindi ba kayo sasama ni Dad sa loob ng studio, Tita?" I asked them. Sasama rin kasi si Ackley sa loob dahil sa kaunting exposure niya noong akala namin na hindi darating si Kaid. Inimbitahan rin kasi siya ni Direk, e.
"Hindi na, Dari. We will stay here," Dad answered. "Saka, baka wala kaming ma-upuan doon. Alam naman naming sikat na kayo kaya paniguradong maraming reporters doon mamaya," dagdag niya.
"You can stay sa backstage, Dad. Baka kasi marami ring tao rito mamaya. Mas magiging comfortable kayo roon sa backstage, Dad."
"Sige, Dari. Susunod kami ni Honey mamaya lang."
"Calling Ms. Dariantha Fernsby and Mr. Kaiden Adler. Also, if Ms. Breylynn Relish, Mr. Dalton Fernsby and Mr. Ackley Fernsby are already here, you can come with them. You can all proceed to room number 201." We all looked at the speakers dito sa lobby nang may magsalita.
Nagpa-alam kami ni Ackley sa kanila before we went back kila Dalton. Medyo kumalma na rin ang kapatid ko nang bumalik kami kaya naka-hinga ako ng maluwag. We all went to Room Number 201 after it.
~💐To be continued💐~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro