CHAPTER 10
"Close your eyes, Dariantha!"
Tumawa na lamang ako bago ko sinunod ang utos ni Kaid. We're at the park right now, pero nasa sasakyan pa lang ako. He's fixing something outside and he don't want me to see it. I tried to take a peek pero nahuli niya ako kaya niya 'yun isinigaw.
Sinubukan ko ulit tignan kung ano ang ginagawa niya pero halos mapatalon ako sa loob ng sasakyan when I met his gaze. Nasa tapat ko siya and he seems to hide something behind his back. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan niya at inalalayan ako na para bang isa akong prinsesa.
"Para sa aking future girlfriend." He handed me something, at nang tignan ko kung ano iyon, I smiled.
It was a bouquet of lotus flowers.
Inilapit ko 'yun sa ilong ko para amuyin pero natigilan ulit ako sa nakita ko sa pinaka-gitnang bulaklak. Nandoon na naman 'yung texture ng stem na parang may naka-engraved doon dati. Katulad na katulad 'yun ng rose na binigay niya sa akin dati. And speaking of that rose, I kept it.
He pulled me paupo sa isang picnic blanket. It was a red floral picnic blanket na parang mas lalong nakapagpalakas ng theory ko. May kinuha siyang basket mula sa sasakyan niya at nagsimulang ayusin ang mga pagkain.
While he's busy doing it, I took that oppurtunity para ma-examine ng mas malinaw ang flower. I got the lotus flower where I saw 'yung stem niya na parang may naka-engraved. Tinignan kong mabuti pero isang letra lang ang naging malinaw sa paningin ko.
It was the letter 'A'.
I think he noticed me because he asked what's wrong with the flower. Ngumiti ako at itinago na lang 'yun. "Wala, it's just so beautiful that it made me stare at it for too long," I lied. Sorry, Kaid, hindi ko muna pwedeng sabihin sa'yo ang theory ko.
"I'm glad na nagustuhan mo ulit 'yan. Saglit, kukunin ko lang 'yung camera na pinahiram sa akin ni Lynn." Pumunta ulit siya sa sasakyan niya at kinuha nga 'yung camera. Marunong din naman siyang gumamit 'nun, but not like our friend Lynn who really mastered it.
Speaking of her, hindi ko yata siya nakita sa studio kanina. I wonder where is she. Napabalik sa huwisyo nang may nag-flash bigla sa harap ko. I darted a glare at Kaid.
"Why did you do that, Kaid? Pwede kaya akong mabulag dahil sa ginawa mo."
He just laughed. "Sinubukan ko lang 'yung flash ng camera kung gumagana. And since ikaw ang unang nakita ng mga mata ko, sa'yo ko na-try."
"And since ikaw lang ang nakita ng mga mata ko."
That words of him started to reply in my mind. At hindi ko alam pero naramdaman ko na lang na parang namumula yata ako. I know that hindi naman talaga 'yun ang pinaka-ibig niyang sabihin, but I just blushed!
"Uy, teka, don't move, Dariantha. Kukuhanan ulit kita ng picture. Para kasing dumoble 'yung blush on mo, ang ganda lang."
Pinicturan niya muna ako bago niya pinagawa 'yung pose na naka-peace sign. Sa ganoon pa lang, I enjoyed it already. Napuno nga yata 'yung memory ng camera ni Lynn dahil pati siya, pinicturan ko rin kahit hindi ako marunong.
We were both laughing while looking at our pictures. Halos puro kasi kalokohan 'yung mga pose na ginawa niya. Ang sarap lang sa pakiramdam, it felt like siya lang 'yung taong nakikita ng mga mata ko.
"Hey, don't stare at me like that, Dariantha. Baka mamaya, mas mauna pa akong matunaw kaysa sa ice cream na binili ko. Sayang naman kung ganoon nga ang mangyayari, gwapo pa naman ang lahi ko," he told me, laughing.
Kahit kailan talaga, palagi siyang nagtatagumpay na mapatawa ako. Well, pareho sila ni Ackley, he also always makes me laugh. "Don't worry, kasi hindi naman masasayang 'yang lahi mo."
Suddenly, he stopped laughing and stared at me. "Ano ulit sinabi mo, Dariantha? Can you repeat it?" I can see sparks in his eyes na hindi ko alam kung saan nagmumula.
Uulitin ko na sana when I realized what I just said. Binatukan ko nga si Kaid. "Baliw! Whatever thing is in your mind right now, hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Masyado kang nago-overthink, e."
Bigla na lang kumunot ang noo niya. "Ang nasa isip ko ay hindi mo ako hahayaang matunaw para hindi masayang ang lahi ko, Dariantha. What are you talking about, ha? Ikaw, ano ba ang nasa isip mo? Alam mo namang sharing is caring, 'di ba?"
Instead of answering him, kumuha na lang ako ng vegetable salad. "I think you're hungry, Kaid. Ikain mo na lang 'yan." Ayaw ko namang sabihin ang laman ng utak ko dahil knowing him, paniguradong puro asar lamang ang maaabot ko sa kanya.
At ang mas masaklap, he might tell it to Lynn, Dalton and especially to Ackley.
Wait, paano niya 'yun sasabihin kay Ackley if they aren't close? Aish, it looks like nagiging medyo stupid na ako. Ito yata ang naaabot ko sa laging pagsama kay Kaid, e. Dapat pala kay Ackley muna ako sumasama para naman I can be smart again.
He also got himself a chicken and a rice. Nagulat pa ako nang medyo maraming kanin 'yung kinuha niya. "Hey, are you sure na kaya mo 'yang maubos, Kaid?" I worriedly asked.
"Don't worry, Dariantha. Kaya ko itong ubusin. Ngayon mo lang ba napansin na malakas akong kumain?" He laughed, then frowned. "Sabagay, nasa kanya lang naman yata ang atensyon mo."
My forehead twitched. "Huh? What do you mean, Kaid? Anong nasa kanya lang ang atensyon ko?" Minsan, napaka-misteryoso niya rin. Silang dalawa ni Ackley. Uh, why do I keep on thinking of him?
"Nothing, 'wag mo na lang pansin 'yun. I-enjoy na lang muna natin ang araw na ito. Because I guess ito ang first date natin, 'di ba?"
Tumango ako. "Yup, Kaid. Forget it? Makakalimutin ka na yata." And we burst out laughing again.
We ate at pagkatapos ay bumalik na kami sa studio. I jumped in surprise nang biglang may nagsalita. "Where did you and Kaid go, huh, Dari? Kayo, ha, may secret na kayo sa akin." Lynn then held her chest. "I felt betrayed."
Kaid was laughing. "Ang arte mo, Lynn. 'Di ba sinabi ko na na nililigawan ko siya? So, it's just normal na umaalis kaming dalawa. 'Yung kaming dalawa lang. Walang Lynn, walang Dalton at walang Ackley. In short, walang extra.'
Binatukan niya si Kaid. Didn't I tell you before na gustong-gusto namin siyang batukan? Kumbaga, it's like our friendship goal. "We're not extra. Dari, 'wag mo nga siyang sagutin," she whispered pero sinadya niyang medyo lakasan para marinig ni Kaid.
Sumama ang mukha ni Kaid and his laugh faded. "Huwag mo siyang sundin, Dariantha. Sino ka ba para turuan siya kung sasagutin ba niya ako o hindi? E, you're not the one that I'm courting."
"Let's just say that I'm her best friend kaya may karapatan akong sabihin sa kanya kung anong gagawin niya. Why? Are you that afraid na baka hindi ka nga niya sagutin, Kaid? Sayang, akala ko pa naman matinik ka sa chicks," umiling-iling pa siya.
"Hindi ako ang matinik sa chicks, Lynn." He then smirked. "It's your crush, Lynn. Si Dalton 'yun at hindi ako. Hays, napagpa-palit mo na ba kami? Ako na ba ang crush mo? Sorry ka, Lynn, kasi kay Dariantha na ako."
She winced. "Excuse me? I will never have a crush on you. Tandaan mo 'yan, Kaid. Sige, gumising ka na dahil nanaginip ka yata."
Bago pa maka-sagot si Kaid, umalis na si Lynn. "Whoa, grabe talaga sa akin 'yang kaibigan mo, Dariantha. Makapagsalita naman siya, akala, hindi gwapo ang kaharap."
I just laughed. "Well, she's also your friend, Kaid. At hindi ka pa ba nasanay sa bangayan niyong dalawa? If it's not Dalton, it's Lynn na halos araw-araw mong nakaka-asaran."
He pouted. "Hindi ko rin naman siya magiging crush dahil tulad ng sinabi ko sa kanya, sa'yo lang ako, Dariantha. Kasi kung wala ako, hindi mabubuo ang DariKaid."
"By the way, why didn't you give Lynn her camera? Naka-asaran mo na't lahat-lahat, hindi mo pa rin binigay 'yung camera niya."
"Ise-save ko lang sa phone ko 'yung mga pictures natin, then I will give it back to her later. At saka, isa pa, hindi naman niya kinuha sa akin kanina. Nakalimutan yata."
I was about to speak when someone approached us and spoke. "Ms. Fernsby, Mr. Adler, your managers are calling for you po. Nasa office po sila ni Ms. Relish, 'yung manager po ni Ms. Fernsby." Umalis na siya after niyang sabihin 'yun.
Forehead twitched, umakyat kaming dalawa papunta sa office ni Allairy. When we entered, Blander JohnsonㅡKaid's managerㅡand Allairy were both fuming mad. Natakot pa nga kamiㅡor ako langㅡ'nung una pero pinapasok naman nila kami.
"So bakit kami nandito, manager, bro?" I like to admire Kaid for being the first one to open up a topic. Ako nga, nanginginig na sa takot dito dahil parang ang sama ng tingin ng manager ko, pero siya, nagawa niya pang tanungin ang manager niya.
"Umalis kayong dalawa ng hindi nagpapa-alam sa aming mga manager niyo?! Ano pa kami if you won't say to us kung saan ang mga pinupuntahan niyo?!" he shouted.
"Manager, chill lang. Nag-date lang kami. Anong masama roon?"
"'Yun mismo, Kaiden! You both didn't tell it to us kahit alam niyong kailangan namin iyong malaman! May kumuha lang naman ng picture niyo at pinadala sa amin." Pinakita niya sa amin 'yung phone niya, and we saw our picture together habang kumakain kami.
"What's wrong with that picture, manager?"
He massaged his forehead. "Tignan niyo 'yung caption sa baba."
And what we saw shocked both Kaid and I.
~💐To be continued💐~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro