Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

4.2: Ask Her Out

4.2.

"SA akin siya sasama!"

"Hindi sa iyo. Sa akin!"

"Anong sa iyo? Akin nga sinabi!"

Ilang ulit akong bumuntong hininga dahil sa pagtatalo nilang dalawa. Mula kanina sa cafeteria ay nagtatalo na sila kung sino ang sasamahan ko. Akala ko pa nga ay mag-aaway silang dalawa dahil napakasama ng tingin ni Wax kay Spade kanina pero akala ko lang pala.

"Pare!" Naglingon ako sa dalawa nang may marinig akong isa pang boses. Nang maglingon ako ay nakita ko sila Yno at Damiel na palapit sa amin.

"Saan kayo galing? Kanina pa kayo hinahanap ni Coach, gusto raw kayong makausap," sabi agad ni Damiel at inakbayan ang dalawa. Si Yno naman ay tumingin lang sa akin nang napakalamig. Pero mas gusto ko na lang na ganito siya atleast hindi siya parang baliw tulad nila Spade at Wax na laging nakabuntot sa akin.

"Seryoso pala kayo na may gusto kayo sa kaniya?" Rinig kong sabi ni Yno. Natigil sa pagtatalo ang dalawa dahil sa sinabi ni Yno. Saglit silang tumingin sa akin at saka muli na namang nagtalo.

"Oo naman! Gustung-gusto ko kaya siya," pagmamayabang na sagot ni Wax. Nang dahil sa sinabing iyon ni Wax ay nag-init ang mga pisngi ko kaya naman nag-iwas ako ng tingin at palihim na ngumiti.

"Aba! Mas gustong gusto ko ata siya," gatong naman ni Spade at sinamaan ng tingin si Wax at ganun din ang ginawa ni Wax sa kanya. Muli silang nagtalo na dalawa at nagpalitan ng sigawan.

"Aray!/Aray!" Nagulat ako nang halos magsubsuban mga ang mukha nila Spade at Wax nang pag-untugin sila ni Damiel. Pare-parehong nanlaki ang mga mata namin kasama si Damiel nang magkauntugan talaga sila Wax at Spade dahil sa ginawa ni Damiel.

"S-Sorry mga pʼre, hindi sadya! Ang ingay ni'yo kasi," nauutal namang paghingi ng tawad ni Damiel at halata sa tono niya ang kaba. Saglit na nagpalitan ng mga titig sila Spade at Wax saka sabay na dinumog si Damiel. Kung kanina ay nagtatalo at magkaaway sila, ngayon naman ay magkakampi na sila sa pagkuyog kay Damiel.

"Tigilan ni'yo nga iyan, para kayong mga bata," nababagot na si Yno, lagi naman. Natawa na lang ako sa kakulitan nilang apat, ang cute lang kasi nila magkulitan. Nakakainggit tuloy.

"Hoy, Spade! Wax! Hinahanap kayo ni Coach!" Natahimik kaming lima at sabay-sabay naglingon sa dalawang lalakeng nagsalita sa likuran ni Yno.

"Oo nga pala, pʼre. Iyon nga pala ang dahilan kung bakit kanina pa namin kayo hinanap," singit ni Damiel saka tumayo at pinagpagan ang puwitan niya.

Maging ang dalawa ay tumayo na rin at nagpagpag habang nagpapalitan ng mga titig. Saglit na katahimikan at hindi na nagdalawang pa sila Spade at Wax at nagmamadali nang umalis kasama ng dalawang lalake. Nang makalayo sila ay balak ko na rin sanang umalis nang pigilan ako ni Yno.

"Ikaw naman, gusto ka naming kausapin," sambit nito gamit ang malamig na tono. Hindi na ako hinayaan ni Damiel na magsalita at inunahan na niya ako.

"Anong ginawa mo sa mga kaibigan namin at baliw na baliw sila sa iyo?" usisa ni Damiel habang pinanliliitan ako ng mga mata.

Nakaradamdam ako ng kaba sa buong sistema ko. "Wala akong ginagawa, ano!" mabilis kong pagtatanggol sa sarili ngunit dahil doon ay parang mas halatang mayroon.

Hindi sila nagsalita pero kung titigan nila ako ay parang hindi sila naniniwala sa mga sinabi ko. "P-Pangako, wala akong ginawa, kasalanan naman nila kung bakit sila ang nagayuma---" hininaan ang boses sa huli kong sinabi para hindi nila marinig.

"Anong sila naman ang may kasalanan?" tanong ni Yno na naging dahilan ng pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko kasi inaasahan na maririnig niya iyon.

Wala ni isa sa aming tatlo ang nagsasalita kaya naman naisipan kong tumakas. Hinigit ko ang balikat ko sa pagkakahawak ni Yno at kumaripas ng takbo. Pero hindi pa ako nakakatakbo nang malayo nang mahigit ni Yno ang buhok ko at pasabunot akong pinabalik paharap sa kanila.

"Wala naman talaga akong ginawa!" Umarte ako na parang nasasaktan sa pagkakahawak sa akin ni Yno, nagbabakasakaling bibitawan niya ang buhok ko para muli akong makatakbo palayo.

Pero sadyang pusong bato si Yno, wala siyang pakialam kahit masakit na ang pagkakasabunot niya sa buhok ko. "Ano ba? Binatawan mo nga ang buhok ko! Bakla ka ba? Bakit ka nananabunot?!"

"Bibitawan ka lang ni Yno kung magsasabi ka ng totoo kung anong ginawa mo sa mga kaibigan namin," natatawang sabi ni Damiel at sinesenyasan si Yno na bitawan ang buhok ko pero ayaw talaga ni Yno.

"Oo na, kasalanan ko nga!" pag-amin ko at umaasang bibitawan na ako ni Yno. "Oh? Bitawan mo na ang buhok ko," pakiusap ko rito pero hindi niya talaga ako binibitawan.

Bumagsak ang balikat ko dahil mukhang hindi talaga nila ako hahayaang umalis hangga't hindi ako nagpapaliawanag.

"N-Naaalala niʼyo iyong pagkaing ipinaabot ko para kay Damiel?" panimula kong kuwento. "Mayroon akong. . ." Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi.

"Mayroon kang?"

"Mayroon akong inilagay na gayuma roon sa pagkain." At doon ay binitawan na nga ako ni Yno. Nakita ko ang biglang pagsama ng tingin sa akin ni Damiel. "G-Gustung-gusto ko kasi talaga si Damiel kaya naisip ko na gayumahin siya para magustuhan niya ako pabalik." Iniyuko ko ang ulo ko habang nagpapaliwanag.

Hindi ko man makita ang ekspresiyon ni Damiel pero alam kong galit siya. Narinig kong bumuntong hininga si Yno kaya naman napagaya ako sa kanya.

"Kaya ba ganoon na lang sila kung umasta kapag nakikita ka nila? Kasi ginayuma mo sila?" Randam ko ang diin sa bawat bigkas niyon ni Damiel.

"M-May tanong ako. . ." Muli akong nag-angat ng tingin at tinitigan sa mukha si Yno. Walang nagsalita sa kanilang dalawa kaya ipinagpatuloy ko na lamang ang gusto kong sabihin, "Hindi ba, pati ikaw kumain din ng pagkaing iniabot ko? Pero bakit parang hindi ka na nagkakagusto sa akin? Wala na bang bisa iyong gayuma?"

"Oo, kumain ako pero hindi naman ako nagkagusto sa'yo," diretsahan niyang sagot.

"Hindi! Kasi hindi ba noong makita ninyo ako kaninang umaga---" Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang putulin niya ako.

"Noong una ay sinabayan ko lang ang trip ng dalawa. Ang buong akala ko kasi ay nagloloko lang sila na may gusto silang dalawa sa iyo pero hindi ko alam na seryoso pala talaga sila," mahaba niyang paliwanag.

Pero paanong hindi siya nagkagusto sa akin kung kumain rin naman siya? Nakakaloka naman.

"Alam mo ba kung paano matatanggal ang epekto ng gayuma sa kanila?" Sa tanong ni Damiel na iyon ay muli akong nag-angat ng tingin at sandaling napaisip.

"Tungkol pala riyan. . .ang totoo hindi ko alam kung paano---"

"Ano?!" Nabigla ako at natigil sa pagsasalita nang biglang sumigaw si Damiel.

"W-Wait, patapusin mo muna ako." Muli kong at itinaas ang mga palad ko bilang senyas na sandali lang. Bumuntong hininga siya at inihilamos ang mga palad sa mukha niya. "Babalik ako sa perya bukas para tanungin ang matandang pinagbilhan ko kung paano mawala ang epekto ng gayuma," mahinahon kong sambit.

"Sasama kaming dalawa ni Yna sa iyo bukas."

NAHIGA ako sa malambot kong kama at inunat ang aking katawan sa kabuuhan ng kutson. Natapos din ang araw na ito at nakauwi rin ako sa wakas. Nakakapagod ang araw na ito!

Nilingon ko sa kanang puwesto si Athena na ngayon ay nahihimbing na sa pagtulog. Napansin kong nagliwanag ang screen ng cellphone na nakapatong sa night stand sa tabi ng kama ko. Inabot ko iyon at tinignan kung ano ang nag-pop up notificaton. Isang text message.

Wax

7:36 PM

Wax:

You still up?

Sapphire:

Yup! Why?

Wax:

Gusto sana kitang ayaing lumabas kasama ko bukas

Sapphire:

May klase tayo bukas

Wax:

After ng klase. Bukas, aantayin kita sa labas ng gate. Hindi ka puwedeng tumanghi.

Sapphire:

(-‸ლ)

Nangiti kong binitawanan ang cellphone ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at nagtalukbong ng kumot. Hala, bakit ako kinikilig?!

//

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro