Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

12 Signs of Love


12 SIGNS OF LOVE

Fafa Randz: Magandang-magandang gabi po mga kalabers, andito na naman po ang inyong pambansang cutie at fafa para sa isa na namang kwento na punong-puno ng hugot,katatawanan at ano-anong mga kachuchuan pa. Ladies and gentlemen, Radio FM 143.1 presents to you... Mga Lab Letters Para Sa Kanya with Fafa Randz. Kung hindi niyo po napapansin ay ngayong araw po ang unang anibersaryo ng programang panradyo na ito. Grabe ho,ano? Isang taon na po pala ang nakakalipas simula nang magsimula ang programang ito. Ngayong gabi ay makakarinig po tayo ng isang kwento mula sa babaeng hangad na hanapin ang kanyang soulmate. Siya po ay isang phychology student sa De La Salle University, Manila, si Mina Alimuin.

Mina: Good evening po, Fafa Randz. Good evening din po sa mga kapwa ko pong mga kalabers.

Fafa Randz: So,Mina. Pwede mo nang simulan ang iyong kwento.

Mina: Sige po.

Ganito po kase yun...

(narrating) Noong February 15,2010 po, hindi po makatulog si ate dahil kinabukasan po ay ikakasal na siya. Naisipan na rin po namin siguro na magbonding dahil bukas ay hindi na kami magkikita.

Mina: Ate mamimiss kita ng sobra, promise.

Choa: Mamimiss din kita baby girl.

Mina: Hindi ba kasi pwede ate na tumira na lang kayo ni kuya Bambam ditto sa bahay natin.

Choa: Hindi pwede un baby girl.

Mina: Eh bakit naman po hindi pwede?

Choa: Matulog ka na lang baby girl. May pasok ka pa bukas.

Mina: Hala hindi ako pupunta sa kasal mo bukas ate?

Choa: Baby girl, importante na kumuha ka ng periodical exam bukas.

Mina: (narrating) Pagkatapos po nun, wala ng ngsalita sa aming dalawa. Nabasag lang po ang katahimikan nang tanungin ko siya ng ganito.

Ate paano mo nahanap si the one mo?

Choa: Baby girl, hindi hinahanap ang the one. Kusa siyang dumadating sa tamang lugar at tamang pagkakataon. Malay mo, nakasalubong mo na pala siya pero hindi pa talaga itinadhana na magkakilala kayo.Meron din naman na iyong the one nila ay iyong kinaiinisan nila, sabi nga "the more you hate, the more you love". Marami pang iba't-ibang klaseng pag-ibig bukod sa mga sinabi ko sa yo.

Mina: Eh, paano mo naman nalaman na si kuya Bambam na po si the one mo?

Choa: Dahil sa kanya ko lang naramdaman ang kakaibang pakiramdam pag tuwing magkasama kami. At isa pa, mahal na mahal niya talaga ako.

Mina: Ahhh...

Choa: Ikaw baby girl, wala ka pa bang natitipuhan?

Mina: Actually meron po eh...

Choa: At sino naman yun, baby girl?

Mina: Si... si.... Si Hoshi po.

Choa: Hoshi? Ah,yung kaklase mong ubod ng gwapo?

Mina: Opo.

Choa: Naks. Pumapag-ibig na ang baby girl namin oh.

Mina: Hehehe. Pero may isa pong problema... hindi niya po napapansin ang pagmamahal ko sa kanya. Para bang hindi niya po alam na may nage-exist palang Mina Alimuin dito sa mundo kahit na magkaklase lang naman kami. Pero sure po ako na siya si The One ko.

Choa: Pwede ring hindi.

Mina: Ano,ate?

Choa: Wala,wala. Matulog ka na uy. Goodnight.

Mina: (narrating) At natulog na po ang ate ko noon. Kinabukasan, hindi nga po ako nakaattend ng kasal nina Ate Mina at Kuya Bambam dahil may pasok po ako.

Mabilis po na lumipas ang mga araw at hindi kop o namalayan na simula na naman pala ng klase. Unang araw pa lang po, nasira na agad ang araw ko po.

Fafa Randz: Bakit naman?

Mina: Ganito po kase ang nangyari.

Mina: Patay! Late na ako ng 5 minutes sa una kong klase!

SFX: /footsteps/ /footsteps/ /footsteps/ /nahulog na mga libro/

Mina: Ay!

Dino: Sorry! Sorry po talaga,Ate!

Mina: (narrating) Tinulungan niya po ako kuhanin ang mga nahulog kong libro. Habang kinukuha po niya ang mga libro ko, napapatingin ako sa mukha niya. Ang una ko pong napansin ay yung napakalaki niyang salamin at yung suot niya na checkered. Malamang,transferee po siya.

Dino: Sorry po talaga,Ate. Hindi ko po talaga sinasadya y.

Mina: Hindi,wag ka nang mag-sorry. Hindi mo naman sinasadya eh.

Dino: Sorry po talaga,Ate. Uhm...Ate,alam mo po ba kung san ko makikita yung room 102?

Mina: Oo. Wait... section Nobelium ka? Kung ganun, magkaklase pala tayo!

Dino: Ayun. Kung okay lang sayo, pwedeng sabay na tayo pumunta doon? Tutal parehas naman na tayong late sa unang klase natin.

Mina: Sige.

(narrating) Doon ko po nakilala si Dino. Nung araw po na iyon, napagalitan po ako ng adviser naming dahil unang klase pa lang ay late na ako. Si Dino naman po, ok lang raw dahil transferee naman daw.

Simula po nun,lagi nap o kaming magkasama ni Dino. As in, hindi po kami naghihiwalay. Dahil nga po dun, nagawan pa po kami ng loveteam. For the first time in forever po Fafa Randz ay hindi ako umangal doon. Naiinis po kasi ako sa tuwing may pinapartner sila sa akin na ayaw ko naman. Doon ko lang po narealize na unti-unti nang nawawala ang feelings ko kay Hoshi habang paunti-unti naman nap o akong nakakaroon ng feelings kay Dino. Tanggap ko naman nap o kasi na wala na kaming pag-asa. Na hindi siya ang The One ko.

Mina: (optional): Uhm,Fafa Randz... pwede po bang magpahinga muna ako sa pagke-kwento? Medyo mahaba-haba pa po kasi ito eh.

Fafa Randz (optional): Sige. Mga kalabers,habang nagpapahinga muna si Mina ay ating patugtugin saglit ang awit ni yeng Constantino na "Siguro".

SFX (optional): ~Siguro - Yeng Constantino ~

Fafa Randz (optional): Yan po ang Siguro ni Yeng Constantino. Mina, pwede mo na bang ituloy ang iyong kwento?

Mina: So... mabilis na naman po na lumipas ang mga araw at hindi ko namalayan na Disyembre na pala. Natatandaan ko pa nga po yung unang sign na hiniling ko eh.

Fafa Randz: Sign?

Mina: Opo.

December 13,2010

SIya si The One ko kung bukas ay bibigyan niya ako ng pagkain. Kahit ano.

Choa: Ganyan! Pag nangyari yan bukas, ibig sabihin ay one point na siya sa pagiging The One mo.

Mina: Sure ka dito ate,ah?

(narrating) Kinabukasan po nun, uwian na naming pero hindi pa rin nangyayari yung unang sign. Iniisip ko pa nga po na baka hindi pa rin siya yung The One ko kasi unang sign pa lang, failed na agad. Masakit pala po talagang umasa,'no? Mas lalo po akong nalungkot noong araw na yun dahil wala po akong kasabay nun na umuwi dahil umuwi nap o ang lahat ng mga kaklase ko nun.

Dino: Oh.

Mina: Akala ko lang po pala yun dahil andoon pa po pala si Dino.

Mina: Para saan naman 'yang ice candy na yan?

Dino: Sa iyo na yan. Mukhang gutom ka na eh.

Mina: Lumiwanag po ang mundo ko nang dahil doon kasi po... nangyari po ang first sign na hiniling ko! Dahil po doon, tumigil na po ako sa pag-iyak.

Dino: Ayan, hindi ka na umiiyak.

Mina: Salamat.

Dino: Para sa ice candy ba? Walang anuman.

Mina: Hindi,sa lahat. Sa palaging nasa tabi ko. Salamat talaga,Dino.

Dino: Ang drama mo naman ngayon hahaha. Ano bang iniiyak mo kase?

Mina: Wala na kasi akong kasabay umuwi eh. Huhuhu.

Dino: Tsk,yun lang ba ang iniiyak mo? Edi sasamahan na kita umuwi.

Mina: Pero pa-Dasma ka eh tapos ako, pa-Imus. Paano yun?

Dino: Ok lang. Halika na nga,uwi na tayo. Baka hinahana ka na ng magulang mo.

Mina: Ok. Thank you talaga,Dino!

(narrating) Kinikilig po talaga ako nung araw nay un. Alam niyo po yung feeling na nakakakilig yung ginawa niya kahit sa simpleng paraan lang?

So ayun nga po,nangyari ang first sign na hiniling ko. Hindi ko na po ikwekwento ang lahat pero sasabihin kop o sa inyo na lahat ng sign na hiniling ko ay nangyari. Doon kop o nakumpirma na si Dino po ang The One ko pero...

Dumating po yung araw na-depressed po masyado si Ate dahil bigla na lamang siya iniwan ni Kuya Bambam. Tumira po ulit siya sa bahay namin pero nakakulong lang po siya lagi sa kwarto niya. Lumalabas lang po siya ng kwarto niya pag kakain ng almusal, tanghalian at hapunan. Hanggang sa dumating po ang araw na nakita na lang po naming na wala na ang mga gamit niya sa kwarto niya. Hinanap po naming siya pero sinabi po ni Mama na babalik din po si Ate kaya hindi ko na kailangan mag-alala.

Dahil po sa pangyayaring yun, nakaramdam po ako ng takot nab aka mangyari rin po sa akin ang nangyari kay ate pagdating sa pag-ibig.

Dalawang buwan po makalipas ang insidenteng iyon, nanligaw po sa akin si Dino. Habang kumakanta po siya sa harap ng bahay namin, marami pong tanong ang gumugulo sa isip ko. Paano kung iwanan niya rin ako sa huli gaya ng ginawa ni Kuya Bambam kay Ate Choa? Paano kung lokohin niya lang ako sa huli? Paano kung hindi naman pala talaga niya ako mahal?

Mommy Joy: 'Nak,bakit hindi mo pa sagutin yang manliligaw mo?

Mina: Kasi,ma eh....

Mommy Joy: Kasi ano? Natatakot k aba nab aka iwanan ka niya? Anak,lahat tayo ay iba-iba ng love story. Maaaring yung love story nina Ate Choa at Kuya Bambam mo ay hindi maganda pero malay mo yung sayo, maganda pala.

Mina: Pero,ma...

Mommy Joy: At kung tatanungin mo kung ok lang sa akin na maging kayo ng manliligaw mo, ayos lang sa akin. Mukha namang matino si Dino eh. At tsaka isa pa, dapat maranasan mo rin ang magkaroon ng iniibig. Basta ba dapat ay handa ka sa mga mangyayari sa inyo habang kayo ah?

Mina: Opo.

Mommy Joy: Bilis na,sagutin mo na siya. Nakaawa naman at kanina pa nakanta.

Mina: Sige po.

Dino: ~ Take A Chance - Luigi D' Avola~

Mina: Itigil mo na yan.

Dino: Ha? Bakit?

Mina: Gusto mo bang forever ka na kumanta diyan,ha?

Dino: Ayaw ko. Sasagutin mo na ba ako?

Mina: Hmm...

Dino: Hala,Mina. Please,sagutin mo na ako.

Mina: hmm,pag-iisipan ko pa...

Dino: Hala,sana oo.

Mina: Wag ka na ngang maingay.

Dino: Hala,sige. Tatahimik na po ako.

Mina: Una, ano naman ang sumagi sa isip mo at naisipan mong ligawan ako?

Dino: Kasi mahal kita. Yun lang yun.

Mina: ... eh since when mo pa ako nagustuhan?

Dino: Gusto na kita simula nung makilala kita. Hindi ka naman kasi mahirap na magustuhan eh.

Mina: Last na talaga 'to. Sure k aba na hindi mo ako niloloko? Baka naman joke time lang ang lahat na ito?

Dino: Mukha ba akong nagloloko? Totoo 'to,Mina. Totoo ang pagmamahal na pinapakita ko sa'yo ngayon. Mina, hindi ang totoong Dino ang nakikita mo ngayon. Ibang Dino 'to. Hindi mo pa rin ba ako sasagutin?

Mina: Kase naman eh...

Dino: Bilis na,Mina. Naiinip na ako.

Mina: Wait lang kase!

Dino: Please...

Mina: ...

Dino: Sana oo... sana oo...

Mina: Hayst...

Dino: Huy,ano na? Pinapakaba mo naman ako Mina eh...

Mina: Oo. Oo na.

Dino: Ha,anong sabi mo Mina? Pakiulit nga?

Mina: OO NA, DINO ALFARO. TINATANGGAP KO NA ANG PANLILIGAW MO.

Dino: *speechless* ASDFGHJKL MINA,TALAGA? TALAGA?! SALAMAT,MINA! SALAMAT! PANGAKO, TATRATUHIN KITA NG MAAYOS BILANG GIRLFRIEND KO. PANGAKO IYAN!

Mina: Pangako yan,ah?

(narrating) So,yun nga po. Sinagot ko po si Dino. Masasabi ko naman po na naging masaya po kaming dalawa sa relasyon po namin. Ang perfect nga po ng relasyon namin eh no worries, no problems. Pero noong makalipas nap o ang anim na buwan, nagkaroon po kami ng away. Nag-away po kami sa kwarto ko.

Mina: Dino,iiwanan mo na ako? *sobs*

Dino: Mina, tayo pa rin naman kahit umalis ako eh. Pupunta lang ako ng Korea para tuparin ang pangarap ko.

Mina: Pero hindi ba pwedeng ditto mo na lang tuparin ang pangarap mo nay an?

Dino: Mina,doon na ako papaaralin nina Mama at Papa pag nakagraduate na tayo ng fourth year college. Pwede pa naman tayong mag-usap kahit nasa Korea na 'ko eh. Kaya nga may skype, 'di ba?

Mina: Pero ayokong magkaroon ng long-distance relationship! Ano ba kasi yang pangarap mo at kailangan sa Korea mo pa tuparin ha?! Please,Dino. Wag ka nang umalis.

Dino: Mina, please, pagbigyan mo na ako sa gusto ko. Binigay ko naman lahat ng gusto mo noong mga nakaraang araw,di ba? Kaya ito naman ang panahon para pagbigyan mo ako sa gusto ko,Mina. Kahit sa ganitong simpleng paraan lang,Mina, mapapangiti mo na ako ng todo.

Mina: Dino...

Dino: Mina, kahit masakit para sa akin na iwanan ka dito sa Pilipinas eh kailangan kong gawin.

Mina: Pumili ka nga,Dino... Ako o 'yang pangarap mo?!

Dino: Mina naman eh...

Mina: Huhuhu... balewala lang pala ang mga signs na hiniling ko. Iiwanan mo rin pala ako. Katulad ka rin pala ng ibang mga lalaki na basta-basta na lang iiwan ang kanilang babae.

Dino: Teka,teka nga, Mina. Anong sinabi mo? Sign? SIGN BA KAMO?!

Mina: Uhm...

Dino: Sabihin mo nga,Mina! Kaya mo lang ba ako minahal nang dahil lang sa sign-sign na iyan?!

Mina: Hindi naman sa ganun,Dino...

Dino: Tsk,minahal mo lang pala ako sa sign-sign na yan. Ha,ano naman feeling Mina? Masaya ba? Ha, siguro kilig na kilig ka sa tuwing nangyayari ang lahat ng sign na hinihiling mo,ano? Akala ko pa naman, mahal mo talaga ako Mina.

Mina: Wag ka naman maging ganyan,Dino...

Dino: Ganun naman talaga,diba?

Mina: Dino...

Dino: Hindi pa ba sapat ang mga ginawa ko para malaman kong mahal talaga kita,Mina?! Mina,minahal kita hindi dahil sa nagagawa ko lahat ang mga sign na hinihiling mo pero dahil mahal talaga kita. Ganun yun,Mina!

Mina: Pero yun lang ang tanging paraan para malaman ko kung mahal mob a ako o hindi!

Dino: Isang kabaliwan,Mina! Isang malaking kabaliwan!

Mina: Eh di ako na ang mali! Ako na! Isang kabaliwan ang ginawa ko! Isa akong baliw para maniwala sa mga signs! Oh,ano? Masaya ka na ba,Dino?!

Dino: Mina,tumigil na tayo...

Mina: Ayoko na,Dino... Ayoko na.

Dino: Mina...

Mina: Nahihirapan na ako magmahal. Nahihirapan na ako masaktan. Mas maigi kung cool off muna tayo.

Dino: Mina...

Mina: Umalis ka na,Dino. Paalam na lang sa iyo. Mag-ingat ka sa Korea at sana...sana... matupad mo ang pangarap mo ngayong cool-off na tayo.

Dino: Mina...

Mina: Umalis ka na.

Dino: Sige... kung iyan ang gusto mo,Mina. Basta lagi mong tandaan na mahal na mahal kita,Mina. Ikaw lang. Ikaw lang talaga ang para sa akin. Babalik ako kaagad para sa iyo.

SFX: /door closed/

Mina: (narrating) Doon kop o narealize na wala po pala talagang perfect relationship. Lahat po pala ng may relasyon ay nag-aaway.

So yun po... kinabukasan po nun, lumipad na si Dino papuntang Korea. Ang sakit,Fafa Randz. Mas pinili niya ang tuparin ang pangarap niya kaysa sa akin. Ang saklap,Fafa Randz eh. Tapos alam mop o yung pakiramdam na sabi niya babalik raw siya agad pero anong petsa na. 2015 na ngayon! Limang taon na ang nakakalipas,Fafa Randz! Nagpapakadalubhasa na nga ako sa pag-aaral ng psychology para kahit naman papaano ay madivert ang atensyon ko sa mas worth na pag-aksayan ng oras pero bakit ganun,Fafa Randz? Parang hanggang ngayon...umaasa pa rin ako na babalik siya? Siguro,mahal ko pa nga siya. Ganito ba ang true love, Fafa Randz? Pag mahal mob a talaga ang isang tao, handa kang maghintay para sa kanya? Siguro ganun nga yun. Shems, naiiyak na ako sa kadramahan ko. Sorry po kung ang drama ko ngayon.

Fafa Randz: *sobs* *sobs* Sorry,Mina. Naiiyak lang talaga ako sa iyong kwento.

Mina: Huhuhu.

Fafa Randz: Mina... ilang taon ka na?

Mina: 21 po.

Fafa Randz: Dahil nagandahan ako sa iyong kwento, interesado ka bang tulungan kita? Kalimutan mo na si Dino dahil baka hindi na siya bumalik. Ganito na lang, ise-set-up kita sa isang blind date para naman makamove-on ka na sa Dinong yan. Ok lang ba sayo?

Mina: Fafa Randz,sure po ba kayo diyan?

Fafa Randz: Oo naman.

Mina: OMG,thank you po talaga Fafa Randz! I love you nap o talaga!

Fafa Randz: Sure hahaha.

Mga kalabers, ayan na po ang ating kwento ngayong gabi. Pagpasensyahan niyo nap o ako kung ganito po ang boses ko ngayon. Sadyang naiiyak lang po talaga ako sa kwento ni Mina. Oh siya, kailangan ko na pong magpaalam. Eto po ang Mga Lab Letters Para Sa Kanya with Fafa Randz... and will be signing off now.

SFX: *off button*

*blind date*

Fafa Randz: Ang tagal naman nung Mina nay un.

Mina: Fafa Randz, ikaw po bay an?

Fafa Randz: Ha? Oo,ako nga.

Mina: Eh bakit naman po kayo nakaface mask?

Fafa Randz: Eh kasi,alam mo na...sikat ako. Baka pagkaguluhan ako ng mga girls eh. Nako, pag nagkataon, tsk,mahirap na.

Mina: Ah hahaha. Tara,fafa Randz,pasok na tayo.

Fafa Randz: SIge.

SFX *wind chime*

Fafa Randz: Pumunta ka na roon,andoon yung kablind date mo.

Hoshi: Hello,Fafa Randz. Ayan na ba yung kablind date ko?

Fafa Randz: Oo,Hoshi. Siya si Mina Alimuin,isang psychology student sa De La Salle University - Manila.

Hoshi: Hello,Mina. Ang ganda mo naman pala sa personal. Ako nga pala si Hoshi Alcantara. Business Management student sa University of the Philippines - Manila.

Mina: Huwaaaaaaaat?! Hoshi? Hoshi Alcantara? OMG,Hoshi! Naaalala mo pa ba ako? Ako yung kaklase mo noon na crush na crush ka! OMG!

Hoshi: Teka,parang natatandaan na nga kita...wait,oo nga! Natatandaan na kita! Ikaw nga si Mina na crush na crush ako dati! Tsk,what a small world nga naman!

Mina: OMG!

Hoshi: Tara, order na tayo.

WAITER! WAITER!

Waiter: Yes,Sir and Maam? Ano pong order niyo?

Hoshi: Uhm, one caramel macchiato, one café latte and...

Mina: One iced coffee will do.

Hoshi: ..and one iced coffee.

Waiter: One caramel macchiato, one café latte and one iced coffee,sir?

HoshI: Yes.

Waiter: Okay,sir and maam. Please wait for your order.

Hoshi: Ok.

So kamusta ka naman ngayon,Mina?

Mina: Uhm... ok lang naman. Ikaw?

Hoshi: Heto,pogi pa rin hahaha.

Narrator: Nagpatuloy lang sa pagkwento sina Mina at Hoshi. Nagsisimula na tuloy maging hindi komportable si Fafa Randz kaya naman ininom na lang niya ang kanyang kape sa labas ng coffee shop. Hindi niya alam kung tama ba ang kanyang ginawa. Para bang may konti siyang pagsisi na nag-offer siya na tulungan si Mina na kalimutan na si Dino. Naisip niya na parang mas bagay si Dino para kay Mina kaysa kay Hoshi.

Hindi niya napansin na sumunod pala sa kanya si Hoshi. Napansin niya lang nang kalabitin siya nito.

Hoshi: Salamat Fafa Randz.

Fafa Randz: Sus,yun lang ba? Nako,walang anuman. Huy,alis na ko Hoshi ah. Enjoyin niyo na lang ang date ni Mina ah.

Hoshi: Sure ka,fafa Randz?

Fafa Randz: Oo eh. Hectic masyado ang schedule ko eh. Basta ah, tratuhin mo nang maayos si Mina. Baka bukas mabalitaan ko na lang na... na... na ano...

Hoshi: Na ano,Fafa Randz?

Fafa Randz: Na ano... baka mabalitaan ko na lang bukas na kasal na pala kayo. Hahaha.

Hoshi: Hala, baka nga Fafa Randz.

Fafa Randz: Osya sige na. Una na ako ah.

Hoshi: Sige po. Bye!

Narrator: Makalipas ang tatlong taon ay ikinasal na sina Mina at Hoshi. Hindi katulad noon ay nagka-progress naman ang love story ng MiShi. Samantalang si Fafa Randz naman ay masaya para sa kanilang dalawa kahit na may kakaunting kalungkutan na bumubuo sa kanya.

Alam niyo kung bakit?

Dahil si Fafa Randz ay si Dino rin. Iisang tao lang si Dino at Fafa Randz.

Noong nakarating si Dino sa Korea ay si Mina agad ang nasa isip niya. Nag-aalala siya nab aka siya ay kalimutan nito. Nag-aalala siya na sa oras na umalis siya ay makahanap ng bagong iibigin si Mina. Pero malaki naman ang kanyang tiwala kay Mina kaya hindi na siya nag-alala rito. Lumipas ang limang taon na hindi man lang sila nakapag-Skype kahit isang beses man lang. Actually 2014 umuwi rito si Dino dahil nabigo siya na tuparin ang kanyang pangarap kaya binalak niya na ipagpatuloy na lang ang kanyang pag-aaral rito sa Pilipinas. Hindi na lang siya nakipagkita kay Mina dahil hindi niya alam kung paano haharapin si Mina matapos niyang iwanan ito. Hindi ginusto ni Dino ang maging radio DJ pero kinuha siya ng isang scouting manager ng Radio FM 143.1. Pumayag na lamang si Dino dahil naisip niya na makakatulong ito sa kagustuhan niyang makalimutan na si Mina.

Hindi naging madali para kay Dino na kalimutan si Dino. Buti na lang at nakatulong ang kanyang programa sa kanyang pagmo-move on. Akala niya, makakamove-on na siya kay Mina pero hindi pa pala dahil sa napiling magkwekwento sa kanyang programa na ang pangalan ay Mina. Noong una ay iniisip niya nab aka si Mina ito pero ipinilit niya na hindi siya ito pero noong malaman niya ang kwento, alam na niyang si Mina ito. Si Mina na kanyang minahal. Kaya hindi siya nagdalawang-isip na tulungan na lamang si Mina na kalimutan na si Dino - na kalimutan na lamang siya sa pamamagitan ng pages-set-up ng blind date. Akala niya wala na siyang nararamdaman para rito pero noong malaman niya na si Hoshi ang kablind-date ni Mina ay nakaramdam siya ng selos. Iniisip niya na dapat ay siya ang nasa pwesto ngayon ni Hoshi. Makasarili man ang dating pero gusto niya ay siya lang ang nakakapagpasaya kay Mina. Gusto niya gawin kay Mina ang hindi niya nagawa noon bilang boyfriend niya pero huli na ang lahat. Ikinasal na sina Mina at Hoshi at wala na siyang magagawa doon. Hihintayin na lamang niya ang tamang panahon upang makilala niya ang nakatadhana para sa kanya.

Hindi siya pumunta sa kasal nina Mina at Hoshi dahil hindi naman siya manhid. Hindi niya kayang pumunta doon para saktan ang kanyang sarili. Mahal niya pa rin si Mina at kung doon sasaya si Mina ay magiging masaya na rin siya para kay Mina, pati na rink ay Hoshi. Ganun naman talaga, diba? Kung mahal mo talaga ang isang tao, magiging masaya ka na lang rin sa ikasasaya niya. At tsaka isa pa, masaya si Dino para kay Mina dahil natupad ang long-time wish ni Mina na maging asawa niya ang kanyang long-time crush.

At ngayong gabi ay nakatulog na siya dahil sa kanyang kakaiyak.

Lumipas ang siyam na buwan at ok naman ang naging takbo ni Dino pero hindi kina Mina at Hoshi. Namatay si Hoshi dahil sa isang random murder. Labis na ikinalungkot iyon ni Mina at katulad ng nangyari sa kanyang ate ay nadepressed siya. Mabuti na lamang at andoon si Dino para pagaanin ang loob ni Mina pati na rin ang isang taon na anak nito na si Ichi. Simula noon ay natulog na si Dino sa bahay nina Mina pero magkahiwalay sila ng kwarto ni Mina. Ngayon ay nananaginip na siya pero nagulat na lamang si Dino nang biglang lumabas sa panagip niya si Hoshi.

Hoshi: FAFA RANDZ!

Dino: Hoshi,anong ginagawa mo sa panaginip ko?!

Hoshi: Kase...

Dino: Kase ano?

Hoshi: Fafa Randz, bakit hindi mo sinabi na ikaw pala si Dino?! Ayan tuloy, napagpaselos pa kita.

Dino: Ha? So alam mo na? Eh kase... ikaw naman talaga ang mahal ni Mina,diba? Kaya ok lang naman sa akin eh. Ok lang talaga.

Hoshi: Kahit pilitin mong ideny Dino, alam kong mahal mo pa rin si Mina at nagkakamali ka sa iniisip mo,Dino. Ikaw pa rin ang mahal ni Mina. Minsan nga, naiisip ko na naging rebound lang ako ni Mina.

Dino: Ano? Mahal pa rin ako ni Mina?

Hoshi: Oo, gabi-gabi nga niya sinasabi sakin ang mga naging alaala niyong dalawa eh. Malakas pa rin ang tama niya sa iyo,Dino.

Dino: Ganun ba?

Hoshi: Dino, gusto ko na pakasalan mo si Mina. Please,hiling ko sa iyo yan.

Dino: ANO? Pero kasal na siya sayo. Hindi na pwede iyon.

Hoshi: Dino,please. At wala namang nakasaad sa batas na hindi na pwede magpakasal ang kasal na, hindi ba? Dino, pakasalan mo si Mina ah. Hindi ko naman sasabihin sa iyo to dahil gusto ko lang pero dahil alam kong mahal mo pa rin si Mina. Huwag kang mag-alala, hindi ako magagalit. Magiging masaya ako para sa inyo ni Mina. Tiyak ako na magiging masaya si Mina pag nalaman niya na ikaw si Dino. Promise.

Dino: Pero...

Hoshi: Dino,aakyat na ako sa langit. Paalam. Pakisabi kay Mina at Ichi na mahal na mahal na mahal ko sila. Palagi ko kamo silang papanuorin mula sa itaas. Sundin mo ang sinabi ko sayo ah? Paalam.

Narrator: At tuluyan nang nawala si Hoshi sa kanyang panaginip.

Dahil sa sinabi ni Hoshi ay namotivate si Dino na ipakita ang kanyang pagmamahal kay Mina. Lagi na niyang inaalagaan si Mina. Nakikipaglaro rin siya lagi kay Ichi. Ginagampanan ni Dino ang role ng pagiging tatay. Dahil doon ay unti-unti nang bumabalik sa kanyang sarili si Mina.

Mabilis na lumipas ang mga araw at araw na kung saan magpo-propose na si Dino kay Mina. Kinakabahan man pero aaminin naman niya na naeexcite siya sa magiging sagot ni Mina. Inimbitahan niya ito na magdate sila sa dati nilang eskwelahan noong fourth year high school sila. Hindi pa rin alam ni Mina na si Fafa Randz ay si Dino.

Pinaupo ni Dino si Mina sa waiting shed kung saan nangyari ang first sign.

Mina: Alam mo,Fafa Randz? Dito nangyari yung first sign! Dito ako binigyan ni Dino ng ice candy.

Fafa Randz/Dino: Talaga?

Mina: Oo,Fafa Randz.

Fafa Randz/ Dino: Sige,saglit lang. May kukuhanin lang ako.

Mina: Fafa Randz...

Narrator: Umalis saglit si Dino para kuhanin ang kaniyang kukunin samantalang si Mina naman ay gulong-gulo sa kakaibang kinikilos ni Fafa Randz. Para bang naaalala niya si Dino kay Fafa Randz ngayong araw. Nang makuha nan i Dino ang kanyang kinuha ay binigay niya agad ito kay Mina.

Mina: Para saan naman 'tong ice candy,Fafa Randz?

Fafa Randz/Dino: Kainin mo.

Mina: Salamat,Fafa Randz.

Fafa Randz/Dino: Walang anuman.

Mina: Ang cool mo,Fafa Randz! Ganito rin yung flavor ng ice candy na binigay sa akin ni Dino noon eh,cola-flavored!

Fafa Randz/Dino: Talaga?

Mina: Opo. Nakakalungkot nga lang at hindi na talaga siya bumalik. Siguro panahon na nga Fafa Randz na kalimutan ko siya.

Narrator: Nagulat na lamang si Mina nang biglang lumuhod sa kanyang harapan si Fafa Randz habang nakain siya ng ice candy.

Fafa Randz/Dino: Mina,will you please marry me?

Mina: Hala,Fafa Randz? SERIOUSLY?!

Fafa Randz/Dino: Seryoso ako sa ginagawa ko,Mina.

Mina: Ah... eh...

Fafa Randz/Dino: Mina....ako 'to. Ako si Dino.

Mina: Dino? Fafa Randz, nagjo-joke ka lang diba?

Fafa Randz/Dino: Hindi ako nagjojoke,Mina.

Mina: Dino... *sobs*

Fafa Randz/Dino: Wag ka nang umiyak. Andito na nga ako sa harap mo oh.

Mina: Dino... ikaw nga yan. Ikaw nga. Wa-wala ka ng salamin...

Fafa Randz/Dino: Oo,tinanggal ko na. Mina,sorry kung matagal akong nawala sa tabi mo.

Mina: Dino...

Fafa Randz/Dino: Mina,will you marry me?

Mina: Dino... ang sama mo! Napakasama mong lalaki! Katulad ka lang ng ibang lalaki diyan na mang-iiwan! Ang sama mo dahil iniwan mo na lang ako basta sa ere! Masakit,Dino! Masakit! Eto ang para sa kasamaan mo..

*suntok* Eto pa para sa pagtatago mo sa akin ng sikreto na ikaw at si Fafa Randz ay iisa lang... *suntok* AT isa pa dahil pinaasa mo ako na babalik ka pa. *suntok*

Pero... eto pa para sayo dahil bumalik ka. *kiss* *kiss* *kiss*

Dino: Mina...

Mina: Dino,yes. Yes! I am willing to be your wife!

Dino: YES! YES! YES! YES! YES!

Mina: Pero...asan yung engagement ring?

Dino: Ay? Hala?

Mina: DINO! WAG MONG SABIHIN NA WALA TAYONG ENGAGEMENT RING!!!!!

Dino: Hala,sorry na. Teka eto na lang.

Narrator: Nagtanggal si Dino ng isang sintas sa kanyang sapatos at saka ito itinali sa daliri ni Mina.

Dino: Ayan,ayan muna ang pansamantalang engagement ring naten ah?

Narrator: Iyon ang naging pinakamasayang araw para kay Dino, pati na rin kay Mina,

Makalipas ang isang taon...

Naging ok ang naging takbo ng buhay nina Mina at Dino. Bumalik na rin sa bahay ang ate ni Mina na may kasamang bagong pamilya. Nagpakasal si Dino at Mina. Nagkaanak sila at ipinangalan nila itong Yumi.

Ngayon naman ay nasa puntod sila ngayon ni Hoshi.

Dino: Hello,Hoshi.Andito kami nina Ichi,Yumi at Mina oh.

Mina: Oo nga. Kamusta ka naman diyan?

Dino: Masaya ka na ba at sinunod ko ang hiling mo?

Salamat nga pala Hoshi at binigyan mo ako ng tyansa na makasama si Mina. Dahil sayo, nalaman nan i Mina na ako si Dino.

Mina: Haha, oo nga,

By the way, bakit nga pala Fafa Randz ang pangalan mo sa Radio FM 143.1 kung Dino naman talaga ang pangalan mo?

Dino: Mina, hindi mo na ba naaalala na ang pangalan ko talaga ay Dino Randell Alfaro? SInabi ko lan na wag mo akong tawagin na ganun dahil ayoko lang.

Mina: Ahh,oo nga!

Dino: Mahal na mahal kita,Mina.

Mina: Tsk,mahal na mahal rin kita Dino.

(narrating) Sabi nila... love is the most wonderful gift to have, yet the hardest to keep, and the most painful to lose. Totoo naman 'to diba? Pero naniniwala ako na handa kang masaktan para lang sa taong mahal mo.

Dino: Sabi naman nila, love inspires magic between two people and does not disappear even when they've forgotten about it. Napatunayan naming ni Mina na totoo 'to dahil kahit na nagkalayo na kami at lahat-lahat, kami pa rin ang sa huli.

Mina: Siguro,hindi naman masama ang umasa na mahal ka rin ng isang tao dahil minsan, mahal ka rin niya kaso torpe. Ganoon yun eh.

Dino: Maraming nagsasabi sa panahon ngayon na walang forever at forever alone na lang sila hanggang paglaki. Nagkakamali kayo dahil hindi niyo matatakasan ang tadhana. Kung iyon ang itinadhana sa ;yo ay kailangan mo na lang ito tanggapin dahil wala ka ng magagawa kundi tanggapin na lang iyon.

Mina: Akala ko, hindi na ulit ako makakaramdam na tunay ng pag-ibig dahil una ay hindi napansin ni Hoshi ang pagmamahal ko sa kanya samantalang iniwanan naman ako ni Dino pero sinong mag-aakala na itong dalawang nakaraan ko ay mamahalin ulit ako sa kasalukuyan?

Dino: Ako ang kanyang nakaraan, ako rin ang kanyang kasalukuyan at ako rin ang kanyang hinaharap. Marami man kaming napagdaanan na mga pasubok ay handa naman namin na lampasan iyon.

Mina: Mahal kita. Dino Randell Alfaro.

Dino: Mahal na mahal rin kita, Mina Alimuin. To the back and front of the moon.

*END*

ErrorMeBB



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: