Way --- 7&8&9
This will be 11Ways to Forget your ex-boyfriend's
way---7
way---8
way---9
After this chapter, are you guys ready for the last chapter? Ready na ba kayong malaman kung sino "sya"? Kung sino ang nagbibigay ng letters at tumutulong kay Sena na makamove on sa ex-boyfriend nya? Pede kayong humula sa pagcocomment, ang unang makaka-comment ng tamang sagot, ide-dedicate ko ang last chapter sa kanya. :3
Vote, like & comment.
------------
"He's actually courting you?!!"
"Shh! Will you lower down your voice!" sinabi ko kasi kay Kate yung nangyari yesterday but seesh, para talagang may megaphone sa lalamunan 'tong bestfriend ko.
"Woah. Just woah. Sabi ko na nga ba may future kayong dalawa eh." nakasmirk pa sya.
"Oo na, tama nga yang insticts mo."
"Eh ano sabi mo? Pumayag ka?"
"Hindi."
"WHAT?!" bigla nyang hinila yung kwelyo ng blouse ko, "Baliw ka ba?!!!"
Inalis ko yung pagkakahawak nya sa kwelyo ko, "Pede ba magrelax ka nga. Joke lang yun, syempre pumayag ako. I don't see any reasons to say no. Hindi ako baliw na kagaya mo, syempre I said that he can court me."
"Ayeeee. Ang cute nyo talaga. Mahal mo na sya noh?"
"Hindi... hindi pa..."
"Hindi pa?! ha? Bakit naman?"
"Eh sa hindi pa eh! Crush ko sya, oo. I like him, sige admitted na. Pero mahal? I dont know pa talaga, hindi ko pa masabing mahal ko si Trey. I'm not even over Allen yet."
"Allen nanaman?!"
"Eh ano bang magagawa ko? E sa hindi ako makamove on eh. I still feel bitter about our break up. It's not like my feelings for him will go away that fast, mahirap makalimot."
"Asus. Mahirap makalimot? Eh bakit yung coverage ng test natin para sa next week limot mo na agad?"
"Eh iba naman kasi yun eh! Pag yung nakastuck sa utak mo, madali talagang makalimutan pero yung nakastuck sa puso mo... hindi basta basta yun nakakalimutan. Kung para nga lang bang coverage ng test 'tong nararamdaman ko, edi masaya na sana ako kasi limot ko na agad nararamdaman ko sa kanya."
"Pff. Sasaksakin ko na yang puso mo eh, ang slow slow."
"Brutal ka talaga."
*bzzt. bzzt.*
"May nagtext," kinuha ko yung cellphone ko na nakapatong sa table nung magvibrate sya.
"Sino yan?"
"Si Trey," pagkasabi ko pa lang nun, hinalbot nya na yung cellphone sakin.
"Patingin!"
"Walandyo! Hindi ka naman excited?"
"Eh syempre text ng future boyfriend mo kelangan makita ko!"
"Future boyfriend ka dyan?!"
"Eh sus! Sa haba man ng magiging prusisyon nyo, dun din kayo hahantong!"
"Magtigil ka nga! Ang hilig mo talagang magconclude ng mga bagay bagay!"
"Mas open minded lang kasi talaga ako kesa sayo, anyway basahin na nga natin 'to." binuksan nya yung message at sabay naming binasa yung text ni Trey.
From Trey: "Goodpm princess! Kumain ka na ba? Don't skip your lunch, okay?"
"Ayieee. Ang sweet naman. Princess pala ah?"
"Akin na nga yan at rereplyan ko." hindi ko pinansin ang pangaasar nya at kinuha na yung cellphone ko para replyan si Trey.
"Ayiieee. Rereplyan nya. Kinikilig yan."
"Anuba Kate, tantanan mo nga ako. Nasan ba boyfriend mo? Layuan mo nga ako, yun na lang guluhin mo." pabirong pagtataboy ko kay Kate pero bigla syang sumimangot.
"Boyfriend ko? Hindi mo ba nabalitaan sa tv?"
"Eh? Sa tv? Bakit? Nagartista ba boyfriend mo?"
"Hindi. Ibig kong sabihin, kung hindi mo narinig sa news. Patay na eh."
Nabigla naman ako sa sinabi nya, "ANO?!"
"Oo, patay na. Pinatay ko pati na rin yung mukhang octopus nyang kabit. Chinopchop ko sila, binuhusan ng suka at inihagis ang hiwa hiwalay nilang parte sa manila bay, sa ilog pasig at kanal sa likodbahay namin at sa kung saan saan pang tubig na pedeng pagtapunan."
Sa sinabi kong yun, alam kong hindi talaga patay ang boyfriend nya, it's just her idiomatic expressions w/c means, she's very angry with her boyfriend.
"Ano nanaman ba nangyari? 3rd party?"
"Eh ano pa ba! Wag mo na nga natin pagusapan yun, isa pa, hindi ko na sya boyfriend. Binreak ko sya nung isang araw, magsama sila ng octopus nyang kabit! Move on na ako sa kanya, akala mo kung sino syang gwapo! Grrr." ayan ang bestfriend kong si Kate, pag tungkol sa heartbreaks ibang iba kami nyan, kung ako binubuhos ko sa iyak, sya binubuhos nya sa galit or sa pagkain... Ewan ko ba, pag ako may heartbreak wala akong appetite pero pag sya, parang baboy lang kung kumain kaya naman nadadagdagan ng bilbil eh.
----
After ng taekwando club, inintay ako ni Trey na makapagpalit at nagoffer sya na ihatid ako hanggang sa amin. Pero dinaanan muna namin si Kate sa club nya para isabay sya samin since I know wala syang kasabay ngayon kasi nga break na sila ng boyfriend nya, ayoko namang umuwi sya magisa. Inuna muna naming ihatid sya papunta sa sakayan nya sa jeep sa may kanto ng school.
"Guys, salamat sa paghatid ah. Pero grabe, hirap talaga pag single at walang kasabay sa paglalakad sa daan. Nagmukha akong aso nyo sa likod ay, nakaka-OP kayo halos maging bestfriend ko na yung pader eh." pabirong sabi ni Kate.
"Waa. Sorry bessy, hindi mo naman sinabi agad!"
"Sus, wala yun. Ayoko kayang sirain yung moment nyo kanina."
"Ha? Anong moment?" hindi ko talaga alam yung sinasabi nyang moment, may moment ba kami kanina ni Trey? Weh.
"Ah wala, sige na, sasakay na ako. Thank you ulit guys, ingat kayo ah." sumakay na sya ng jeep, kumaway ako sa kanya at sinabihang mag-ingat din sya.
Kami naman ni Trey, nagtuloy na kaming maglakad papunta sa bahay ko. Habang nasa daan kami, naguusap lang kami ng kung anu ano.
"Sabihin mo lang sakin kung ginugulo ka ni Maika."
"Hindi naman, don't worry."
"Super obsessed kasi sakin yun, natatakot tuloy ako na baka saktan ka nun dahil nililigawan kita." kung maalala nyo, si Maika yung nasa chapter 6.2, yung babaeng obsessed kay Trey at nagimbentong nakipagdate daw sa kanya si Trey at hinalkan sya.
"Don't worry, marunong naman ako ng taekwando. Parehas naman kaming white belter. hehe."
"Hehe. Tama, ikaw pa, madami kang muscles eh kayang kaya mo yun."
"Wah! Anong muscles? Wala ako nun ah!"
"Joke lang nuh! ahaha."
Yung feeling ko ngayon, natutuwa at masaya ako na naglalakad kasabay si Trey. Hindi ko alam kung bakit, but I really have this excited feeling whenever I'm with him. I really like him.
"Umm, sa Sabado..." nakatungo sya nun at parang nahihiyang hindi mapakali habang nakapamulsa sya.
"Yeah? Anong meron sa Sabado?"
"Can ask you for a date sa Enchanted?" bigla nyang nilabas yung dalwang ticket ng enchanted, "Binili ko sila online, I've been planning to ask you out since yesterday pero ngayon lang talaga ako nagkalakas ng loob."
Ngumiti ako sa kanya, "Sure!"
And it's settled, I'm having a date this Saturday.
----
Friday, I received two consecutive letters in my locker. It was way 7 & 8, it actually surprised me kasi dalwang letters, usually kasi isa isa lang ang bigay na letter sakin.
Binasa ko kaagad ito.
#7. Go out on a date.
#8. Have atleast 3hrs call with a guy you dated recently.
Napangiti talaga ako sa #7, tomorrow kasi may date ako kay Trey. Saktong sakto sa way#7. Pero yung way #8, ako ba dapat ang tatawag o si Trey? If si Trey tatawag, sobrang matutuwa ako, ayaw ko kasing magfirst move, nahihiya ako.
----
Saturday. Pumunta si Trey sa bahay namin para sunduin ako, pinakilala ko sya sa parents ko bilang suitor ko. Wala naman problema sa parents ko since disente naman si Trey atsaka ayos lang sa parents ko magaccept ng suitors at magboyfriend basta wag ko lang daw papabayaan ang pag-aaral.
Nag-commute lang kami papuntang enchanted. Nagbus lang kami since wala naman kaming kotse kasi minors pa lang kami. Hindi naman mahaba yung byahe, mga 1hr lang sya ng makarating kami sa enchanted. Excited na excited ako.
Sinakyan namin halos lahat ng pedeng sakyan, parehas kasi kaming walang takot sa rides kahit gaano pa kataas ito.
"Uwaaaa! Kinakabahan ako." nakasakay kasi kami ngayon sa rollercoaster at inaantay na lang na umandar 'to.
"Ahaha. Nako, wala ng urungan 'to ah."
"Alam ko, hindi naman ako uurong eh, kinakabahan lang talaga. First time ko kaya 'to."
"Don't worry, hawak ka lang sa kamay ko." nabigla ako nung inabot nya yung kamay nya sakin, "Wag kang matakot, kung malalaglag man tayo, sabay tayong malalaglag."
Napangiti na lang ako sa kanya at inabot ang kamay nya, saka gumalaw ng dahan dahan yung rollercoaster. Sa biglang baba nito, napasigaw ang mga sakay pati na rin ako.
"UWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" sobrang ingay, anlakas kasi ng sigaw ng mga taong nakasakay, ang bilis kasi nung rollercoaster.
"MAHAL KITA SENA!!!!!" may sinigaw si Trey pero hindi ko narinig dahil nga sa halo halong sigaw ng mga taong nakasakay.
"HA? ANO? MAY SINABI KA BAAAAAAAAAA?"
"SABI KO MAHAL KITAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" hindi na ako nakaimik pagkatapos nun, natameme ako. Kinikilig ako.:"3
Hilong hilo kaming bumaba ng space shuttle/rollercoaster.
"Grabe, ibang klase yun ah!" hawak hawak ko yung dibdib ko habang hinahabol ang hininga.
"Oo nga eh, gusto mo ba ng maiinom?"
"Oo eh, nakakauhaw after ng mahabang sigaw."
"Sige, upo ka lang dyan ah. Bibili lang ako dun sa may stall ng maiinom." iniwan nya na ako sa bench para bumili ng maiinom. Habang nagiintay ako, nagpapalinga linga lang ako sa daan kasi wala akong magawa pero pagtingin ko sa kaliwang bahagi parang nahagip ng mata ko si Allen...
Ewan ko kung imagination ko lang pero tumayo ako sa pagkakaupo ko at sinubukan puntahan ito. Pero pagpunta ko sa pwesto kung saan ko sya nakita eh wala naman sya dun. Baka guni guni ko lamang.
"Uy, bakit ka umalis dun sa bench? Anong meron?" nabigla naman ako ng marinig ko na si Trey sa likod ko na may dalang dalwang pepsi in can.
Inabot ko isa sa pepsi, "Ah wala, parang may nakita lang akong kakilala. Imagination ko lang."
"Baka hilo ka pa sa rollercoaster kaya nakaka-imagine ka! ahaha!"
"Baka nga! ahaha!" siguro nga... imagination ko lang na nakita ko si Allen.
---
All in all, nag-enjoy ako sa date namin. Nakakapagod pero super memorable. May mga pictures kami together tapos binigyan nya ako ng regalo, isang necklace. Tinanong ko sya kung para saan yun, wala namang okasyon. Sabi nya, remembrance daw sa first date namin. After nun, kiniss nya ako sa cheeks. Hindi ako nagalit kasi he deserves a kiss afterall, binigyan nya ako ng isang wonderful date. Sana sya na talaga kasi kung sya na, feeling ko magiging masaya talaga ako.
Inihatid nya na ako sa bahay pagkatapos, mga 7pm na nun ng makauwi kami eh. Pagpasok ko sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto at nagpahinga. Mga 8pm nun, isang oras pa lang ang nakakalipas simula ng maghiwalay kami, narinig kong tumunog ang cellphone ko...
Trey calling...
Napangiti ako at sinagot ang tawag nito.
"Hello Trey!"
"Hello princess! I miss you."
"Waaa. 1hr pa lang nga nakakalipas ng maghiwalay tayo eh. Magkasama na nga tayo maghapon eh."
"Yun nga eh, I just can't get you out of my mind. 1hr pa lang na hindi kita nakikita, sobrang namimiss na kita. Kanina nung pauwi tayo, medyo nalungkot ako, ayoko pa kasing umuwi at humiwalay sayo eh. Kung pede sanang iuwi na lang kita samin, inuwi na kita eh."
"Hindi pede yun nuh!"
"Alam ko pero kung ayaw mong iuwi kita samin, umalis ka na sa isipan ko. Nagtayo ka ba ng tent sa isipan ko? Lagi kang nandito eh, ayaw mong umalis. Shuuupiii nga!"
"Ahaha! Wala akong tinatayong tent dyan sa isipan mo ah! haha!" bumagsak ako sa higaan ko habang hawak ko ang cellphone ko. Kinikilig ako sa mga pinagsasabi nya.
---
Nagusap kami ng nagusap, hindi ko namalayan ang oras. 11.12pm na pala. Maghahating gabi na, tatlong oras at mahigit na kaming naguusap.
"Uy, super late na. Tulog na tayo."
"Wait lang, saglit na lang."
"Pero..."
"Pede bang mangharana?"
"Eh?"
"Kakantahan lang kita tapos nun, baba ko na telepono."
"Umm.. sige na nga."
At nagsimula na nga talaga syang kumanta sa telepono, ang ganda ng boses nya. Sobrang warm na halos makakatulog na ako, ang sarap kasi sa tenga eh.
♪♪~
"There will be no ordinary days for you
If there is someone
Who cares like i do
You got no a reason to be sad anymore
I'm always ready with a smile
With just one glimpse of you
You don't have to search no more
'cause i am someone who will love you
For sure...
So..." ♪♪~
Kinakanta nya yung "If we fall inlove nina Yeng Constantino at Rj jimenez. I didn't know na may talent pala sya sa pagkanta.
♪♪~
"If we fall in love, maybe we'll sing this song as one
If we fall in love, we can write a better song than this
If we fall in love, we will have this melody in our heads
If we fall in love, anywhere with you would be a better place" ♪♪~
If we fall inlove? If I fall inlove?
♪♪~
"You can watch sad movies in a different light, so i'll be right there beside you, huggin' you oh so tight... (oh so tight...)
Has from never felt so cold and empty again, 'cause i will keep on holding on, and won't let go... (never let you go...)
You don't have to search no more, 'cause i am someone who will love you for sure...
So...
If we fall in love, maybe we'll sing this song as one
If we fall in love, we can write a better song than this
If we fall in love, we will have this melody in our heads
If we fall in love, anywhere with you would be a better place" ♪♪~
Could he really be the one? Should I really let go and accept him? Naramdaman ko yung pagtulo ng luha ko, hindi ko alam kung bakit ako naiiyak.. sa lungkot o sa saya? Hindi ko talaga alam, napaka-cry baby ko.
♪♪~
"Feel so good when you're around, one smile from you... (one smile from you...)
One thing that it feels so right...
So...
If we fall in love, maybe we'll sing this song as one
If we fall in love, we can write a better song than this
If we fall in love, we will have this melody in our heads
If we fall in love, anywhere with you would be a better... plaaaace..." ♪♪~
Natapos na syang kumanta pero hindi na ako sumagot ni nagsalita.
"Hello princess? Andyan ka pa ba?"
Hindi ako umiimik, pinipigilan ko ang paglabas ng hikbi ko. Pinupunasan ko ang luha ko gamit ang kamay kong walang hawak.
"Sena?" wala na talaga akong balak magsalita, baka kasi pag nagsalita ako marinig nyang umiiyak ako. Ang weird kasi kung malalaman nya akong umiiyak.
"Tulog ka na sa siguro? Tinulugan mo yung kanta ko... pero okay lang, basta ang mahalaga nahihimbing ka ng tulog sa kantang inialay ko sayo. Sena, sana makalimutan mo na si Allen. Sana wag ka ng umiyak dahil sa kanya... sana mapansin mo na talaga ako. Pangako ko hindi kita sasaktan, mahal na mahal kita Sena. Sige, goodnight."
Nag-end na yung call. Mas lalo akong naiyak sa mga huling kataga nya.
"Sena, sana makalimutan mo na si Allen. Sana wag ka ng umiyak dahil sa kanya... sana mapansin mo na talaga ako. Pangako ko hindi kita sasaktan, mahal na mahal kita Sena."
Sena, sana makalimutan mo na si Allen...
Sena, sana makalimutan mo na si Allen...
Sena, sana makalimutan mo na si Allen...
Sena, sana makalimutan mo na si Allen...
Konti na lang Trey, tulungan mo pa ako ng konti.
------------
Nung monday, pagbukas ko ng locker ko, may nalaglag ulit na letter.
#9. Enjoy his company.
Sunod sunod na dumating yung mga letters hindi katulad ng dati na every week sya dumating, number 9 na... Sabi nung nagsulat nito, may 11ways daw syang ibibigay sakin. Kung may 9 ways na ako edi dalwang ways na lang ang natitira? Ibig bang sabihin nito, malapit ng matapos ang letters? Malapit ko na rin makalimutan si Allen? Sabagay, may pakiramdam ako na nawawala na rin ang nararamdaman ko para kay Allen. Malaki talaga ang naitulong sakin ng mga ways na ito.
Sana pag natapos na lahat ng ways, makilala ko man lang 'tong taong tumutulong sakin. Gusto kong magpasalamat sa kanya, kung hindi siguro dahil sa kanya umiiyak pa rin ako para kay Allen. Kung hindi nya ako tinuruan ng mga ways na ito baka nasasaktan pa rin siguro ako.
Gusto kong makilala ang taong ito...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro