way --- 6.2
11 Ways to Forget your Ex-boyfriend --- 6 [way---6]
Hanggang ngayon sumasakit pa rin ang ulo ko sa kakaisip kung sino ba talaga yung mysterious sender ng letters. Hindi na sana magugulo ng ganto ang isipan ko kung hindi ko lang natanggap ang letter number 6 sa may bulsa ng pants ko na sinuot ko nung araw na pumunta ako sa bar. What the eff?! I mean wala talaga akong matandaan, umm.. konti... pero hindi sapat yung konting natatandaan ko para masolve ko 'tong mystery na 'to.
#6. Entertain suitors.
Pinagmasdan ko ulit yung letter na kanina ko pang hawak, halos gusot gusot na nga eh.
"Ang hirap nyan i-solve, hindi pa man din handwritten. Pa-finger print test kaya natin, anong say mo?"
Sinapak ko(friendly sapak) si Kate, "Gaga. Magpapa-finger print test pa tayo para lang dito? Alam mo ba kung magkano yun? Sira ka talaga."
"Aray naman oh," hinimas himas nya muna yung parteng sinapak ko, "Eh that's the only idea I have. Sige nga, sa tingin mo paano mo masosolve yan?"
"Ewan ko. Pero ayaw kong magpafinger print test! Ang mahal mahal kaya nun unless ii-sponsor mo ako!"
"Mukha mo! Problema mo yan hindi naman akin, bakit ako gagastos."
"Idea mo eh!"
"Wag mo na lang isolve, hayaan mo na lang kung sino yan. Sundin mo na lang sinasabi dyan. I'm sure na balang araw, makikilala mo rin sya or magpapakilala din sya sa'yo. I don't believe na walang balak magpakilala yang taong yan, I know you're important sa taong yan kaya ginagawa nya yang mga yan... at alam mo ba?"
Bigla sya nagseryoso, "Sigurado ako kilala mo yang taong yan."
"Ha?!" hindi ko inexpect yun pero now that Kate had mentioned about it... maaari nga, that's not even impossible.
"That person might be someone who's always watching you."
"Talaga? Sino kaya sya..."
"Baka stalker mo! HAHAHA!"
"Sasapakin ulit kita, ang ewan mo talaga."
"Hala ka Sena, magingat ka sa gabi baka sinusundan ka nun hanggang sa bahay. awooo." para talagang tanga 'tong bestfriend ko, tinatakot pa ako. Mamaya seryoso tapos tignan mo ngayon, parang ewan. Ewan ko ba bakit nagkabestfriend akong may toyo sa utak. Kaya nga I don't believe sa kasabihang, birds of the same feathers flock together 'coz we're absolutely not with the same feathers! >.<
"Ewan ko na nga sayo," tumayo na ako, "Pupunta na ako sa taekwando club."
Nagrest lang muna kasi kami sa may canteen after class kasi meron pa namang ilang minutes bago magstart yung mga clubs na sinalihan namin.
"Ayiie. Pupuntahan mo dyowa mo?"
"Ha? Anong dyowa ka dyan?" ang bakla talaga ng mga terms nitong bestfriend ko.
"Asus. Deny ka pa, if I know kayo na ni Trey."
"WHAT?! Okay ka lang? Hindi kaya." bigla akong nalungkot, "Ni hindi nga ako pinapansin eh..."
"Crush mo nuh?" biglang lumapit si Kate sa mukha ko kaya napaurong naman ako.
Nilagay ko lang yung kamay ko sa mukha nya at tinulak sya palayo sa mukha ko, "Pumunta ka nga sa club mo."
"Tss. Denying pa eh." hindi ko na lang sya pinansin at umalis na lang.
Crush ko nga ba? Sige na, hindi ko na idedeny. Gwapo naman si Trey eh, tapos mabait, tapos sweet, tapos... TAPOS NA, AYAW KO NG MAGDESCRIBE. Oo na, sige na hindi ko na idedeny sa sarili ko talaga na crush ko si Trey pero hanggang dun lang. Hindi naman masamang magka-crush diba? Crush lang naman... ata.
"AAHHHH!" inuntog untog ko yung ulo ko sa isang malapit na wall at pagkatapos nagcontinue na rin ako sa paglalakad papuntang club. Para talaga akong tanga kung anu anong pumapasok sa isip ko.
Pagdiretso ko sa club, pumasok na agad ako sa changing room ng mga babae. Habang nagpapalit ako may biglang pumukaw sa attention ko, may narinig akong mga babaeng naguusap.
"Are you going out with our instructor?" tanong nung isang babae dun sa isang girl na naglalagay pa lang ng kanyang taekwando uniform.
"Yeah, he asked me out the yesterday."
"Talaga? Omg. You're one lucky bitch, ang gwapo kaya ni Trey! Tsaka matagal ka na ring nanliligaw dun ah!"
"Nanliligaw?! Hindi ah!"
"Fine, stalking!"
"Gaga! It's what you call following your heart! And see? Nasundan ko na rin ang puso ko and we're already dating."
Halos masamid ako kahit wala naman akong iniinom o kinakain dahil lang dun sa narinig ko. Binagalan ko ang pagbibihis ko para marinig ko pa ang usapan nila.
"But you know what, he's very hot and fast."
"Fast? How so?" O.O
"At our first date, we already kissed." tapos tinuro nung girl yung lips nya.
"There?! Omg."
After that, after ng mga narinig ko, ewan ko nakaramdam ako ng inis. I felt that somehow someone betrayed me. Ewan ko. Basta, binilisan at tinapos ko na ang pagbibihis ko at dire-diretso ng lumabas ng changing room, nadanggil ko pa nga sila eh, nakaharang masyado sa daan eh.
"Ouch, ano ba."
"Sorry ha, ang liit kasi nung daan." narinig ko pang nainis sila sakin after kong sabihin yun pero hindi ko na sila pinansin at dire diretso na sa paglabas.
Nung nagsimula na ang practice at andun na si Trey, hindi nya rin ako pinapansin katulad ng dati nyang ginagawa. So wala na syang pakelam sakin dahil meron na syang kadate? Ganon? Well, I'm not bitter. I don't care, walang pansinan, edi wag. Sino ba sya? He's nothing in my life. Hindi ko sya kilala. I just better put myself in the back , sa pinakadulo para malayo sa kanya. Baka kasi masipa ko lang mukha nya pag malapit ako sa kanya eh.
"Okay, we'll be having partner training today. 1 on 1, 'kay? Your partners will be the one on your side."
Lumingon ako sa kanan ko pero nakita ko may partner na sya, pag tingin ko naman sa kaliwa ko ay wala ng tao. Ayy ganun? Oo nga pala nasa dulo ako and were in an odd number so.. wala akong partner? Oh well. I'd practice by myself.
"Instructor, wala syang partner!" biglang sumigaw yung katabi ko at tinuro ako. Sisipain ko 'tong katabi ko eh, sinabi pa. Hindi na nga napansin, sinabi pa! Argh.
"Oh," ayan napansin tuloy ako ni Trey, "Oo nga pala, odd numbers tayo ngayon. Guess, there's no choice."
Bigla syang lumapit papunta sakin sa dulo, "I'll be your partner today."
Great. OH GREAT. Geez.
"Ok," nagpilit na ngiti lang ako.
"Okay, we'll have a 1 on 1 match and since you're a white belter, I'll not give any attacks. I'll only go on defense."
"Okay whatever, let's start." hindi pa sya nakakaready ay sumipa na agad ako pero nakailag sya.
"Woah, wait. Hindi ko pa sinasabi ang go---" hindi ko na sya pinatapos magsalita at sumuntok naman ako.
"Wait, wait." ilag lang sya ng ilag habang umaatake ako.
Naiinis ako sa kanya. Ewan ko kung bakit. Sobrang laki ng inis ko sa kanya ngayon na gusto ko syang bugbugin. Wala akong pakelam kahit labas na sa rules ng 1 on 1 ang ginagawa ko, basta sinusuntok at sinisipa ko lang sya. Nakakainis lang kasi lagi syang nakakailag.
"Wait Sena, t-teka!" hindi ko sya pinapakinggan, lahat ng tinuro nya sa club na 'to ay gagawin ko sa kanya.
"Sena, tama na!" nabigla ako pagsuntok ko sa kanya ay nahawakan nya yung kamay ko at bigla akong iniikot kaya naman ako ay nakatalikod sa kanya habang hawak nya yung kamay ko.
"Aray ko! Yung braso ko bitiwan mo! Ano ba!" pero hindi nya binibitiwan ang kamay ko.
"Ano ba problema mo? Hindi ka nakikinig kanina. Una, sinuway mo yung rules ng pagmamatch sa taekwando, hindi ka nagbow at basta ka na lang nanugod. Pangalawa, dire-diretso ko sa pagsugod na para bang punching bag ang tingin mo sakin." tumigil ang lahat at tumahimik, lahat sila nakatingin samin, "Pangatlo, bakit ka umiiyak?"
Hindi ko namalayang naiyak na pala ako, pinunasan ko yung luha ko gamit yung free hand ko.
"Hindi ako umiiyak, bitawan mo nga kamay ko." sinubukan kong tanggalin ang kamay ko pero hindi nya binibitawan.
"Sena... anong problema?" mukhang worried sya pero ayaw kong magpadeceive sa mukha nyang yun.
"Wala ka ng pakelam dun kaya pede ba bitawan mo kamay ko!" hinila ko ng malakas ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya, medyo masakit yun pero nagawa ko namang makaalis sa hawak nya at umalis na ako sa practice hall. Nagdiretso agad ako sa changing room at nagpalit agad dun habang dire diretso ang pagtulo ng luha ko.
"Para akong tanga! Bakit ba ako naiyak, ano ba! Tumigil nga kayo!" pinagsasabihan ko yung mga luha ko habang harsh na pinupunasan ko sila. Ayaw nilang tumigl eh kahit pinagsabihan ko na. May sariling kusa ang mga luha ko, nakakainis, ayaw nilang sumunod sakin.
Inayos ko na mga gamit ko at lumabas na ng changing room pero paglabas ko nabigla ako na nandun si Trey sa tapat ng pinto. Nakaharang sya kaya naman hindi ako makalabas.
"Makikiraan." nakatungo lang ako.
"Anong problema Sena? Bakit ka umiiyak kanina?"
"Makikiraan po." hindi ko inaangat ang ulo ko.
Hindi sya kumibo sa pagkakatayo nya kaya naman tinulak ko sya, "Makikiraan!"
Pero ni hindi ko sya nagawang mapaalis sa daan, he was just too strong that he didn't budge when I pushed him. Tinulak ko sya ng tinulak habang nakatungo kaya bigla nyang hinawakan ang dalwang kamay ko, "Sena, sabihin mo sakin? Anong meron?"
"Pakelam mo ba?!"
"Wag kang ganyan Sena." seryoso nyang sabi.
"Ako?! Wag akong alin? Alam mo, bitawan mo na lang ako at uuwi na ako samin."
"Si Allen nanaman ba?" sa pagkasabi nyang yun mas lalo akong nainis.
"Hindi!" sa sinigaw kong yun sa kanya, nabigla sya, he wasn't expecting my answer neither did I.
"H-ha? Eh ano... sino... paano?"
"Pede wag mo akong tanungin? Pede wag kang mag-alala? Pede wag kang ganyan? Pede layuan mo ako."
"Ha? Sena? Ano pinagsasabi mo?"
"Ewan ko rin sayo, hindi mo ako pinapansin dati pagkatapos nung nangyari sa mall tapos ngayon umaakto ka ng ganyan? Alam mo, ako ang walang problema eh, ikaw may problema. Saka wag kang umaktong ganyan, baka kung anong isipin nila satin. Baka kung anong isipin ng girlfriend mo satin..."
"Girlfriend? Sino?"
"Aba malay ko sayo! Sino ba kadate at hinalikan mo kahapon?! Pede ba, bitiwan mo na lang ako, pag nakita ka pa ng girlfriend mong hawak ang kamay ko baka magalit pa sakin yun. Ayoko ng gulo." hinihila ko talaga yung kamay ko sa pagkakahawak nya pero no match talaga ako sa isang black belter.
"Date? I was sick yesterday, pakiramdaman mo pa oh," bigla nyang nilagay ang kamay ko sa noo nya, mainit ng konti, "May sinat pa nga ako oh! Sa tingin mo makikipagdate ako ng may lagnat? Hindi naman ako abnoy noh."
"Pero.. narinig ko kanina sa changing room na..."
Hindi nya ako pinatapos, "Sino nagsabi? Yung babae bang hanggang balikat ang buhok, tapos may taling dito sa may malapit sa labi? Yung nasa club natin?"
Tumango ako, "Sus, si Maika yun. Wag kang magpapaniwala dun, obsess yun sakin. Laging gumagawa ng mga kung anu anong chismis yun tungkol samin kahit hindi totoo. Kaya nga lang sumali sa club yun kasi sinusundan nya ako. Wag kang magpapaniwala dun."
"Ah ganun ba," ewan ko feeling ko bigla akong nakahinga ng maluwag.
Binitawan nya na yung hawak nya sa kamay ko at bigla syang ngumiti, "Were you jealous?"
Namula ata ako sa sinabi nya, "H-ha? Anong jealous? Hindi ah!"
He laughed at me, mukha atang obvious yung pagsasalita ko, parang natatarantang indenial.
"You were jealous! That's what's going on!"
"I am not!" kinagat ko yung labi ko dahil naiinis ako na naeembarrass.
"Yes you are. Admit it, you like me too right?"
"Ewan ko sayo! Padaan na lang!" tinutulak ko pa rin sya kasi nakaharang talaga sya sa daan.
"Sure, my princess." umisod sya sa daan ng nakangiti.
Dumaan na ako at sinigawan sya, "Don't call me princess!"
"Whatever you say, honey."
"Not even honey! Don't baptize me with such names!"
"Okay Sena," tumatawa pa rin sya, nagdire diretso na lang ako sa paglalakad, ayaw kong lingunin sya kasi namumula ata ako sa hiya na ewan, "Ingat ka sa pag-uwi ah. Nga pala, catch!"
*boink*
Bigla akong napatigil sa paglalakad kasi mula sa likod ng ulo ko may naramdaman akong dumanggil pero hindi malakas, super light nga lang eh. Paglingon ko, wala na si Trey sa likod ko.
Hindi ko alam kung anong dumanggil sa likod ng ulo ko pero nung pagtungo ko, nakita ko sa sahig ang isang paper airplane.
Dinampot ko 'to thinking that it was the one na dumanggil sa likod ng ulo ko, nakita ko sa wings ng paper airplane na may nakasulat...
"Open" says at the left wing and "this" at the right wing. So I opened it to see what surprise there might be...
You've got me head over heels for you. Can I court you? - Trey
If I say "no", that'll be very stupid of me right?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro