Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

way --- 5

11 Ways to Forget Your Ex-boyfriend [way---5]

Pagkatapos nung gabing yun na tinakbuhan ko lang si Allen pati na rin si Trey, hindi na ulit ako nakipagkita kay Trey. Hinabol nya kasi ako eh.

Flashback

"Wait lang Sena!" nung mahabol nya ako hinawakan nya ako sa braso para hindi na ako makatakbo, sinubukan kong alisin yung kamay nya pero hindi ko nakayang tanggalin ito. Nawalan na ako ng lakas at napaluhod na lang habang hawak nya pa ring ang braso ko, nagtuloy tuloy ng bumagsak ang luha ko.

"Bakit?! Bakit mo ako pinigilan? Ayan tuloy napaiyak ako! Kung hinayaan mo na lang sana akong tumakbo edi sana hindi ako napaiyak! Nung tumatakbo ako hindi ako naiiyak! Alam mo bang pag tumigil ako sa pagtakbo maiiyak lang ako? Ayoko ng umiyak!"

Binitawan nya na ang pagkakahawak nya sa braso  ko, "Sige, tumakbo ka na ulit. Sa tingin mo ba, habambuhay ka na lang tatakbo? Walang masamang umiyak, tandaan mo hindi ka pedeng tumakbo habambuhay. In the end, ikaw lang ang mapapagod sa katatakbo. Pag may humahabol sayo, sana man lang bigyan mo ng chance na pigilan kang tumakbo."

Tumalikod sya nun, nilagay nya yung mga kamay nya sa bulsa nya, "Sige, tumakbo ka na ulit. Hindi na kita hahabulin at pipigilan."

Iniwan nya na ako pagkatapos. Hindi ko alam pero sa mga sinabi nya, mas lalo akong naiyak. Hindi ko na nagawang tumakbo, naiwan ako dun na nakaluhod pa rin. Mukha akong tanga... 

Pag nasa school kami, sinusubukan kong umiwas sa kanya, mukhang ganun din sya dahil hindi talaga kami nagkikita since then. mag-tu-two weeks na nga ang nakakalipas eh. Hindi nya na rin ako tinetext tapos pag nasa taekwando club naman, sobrang formal nya sakin na para bang hindi nya ako kilala. Pag nagsasalubong kami sa corridors, hindi nya rin ako ginigreet. Parehas kaming umiiwas sa isa't isa. Ano bang ginawa ko? At bakit ba ako affected sa hindi nya pag pansin sa akin? Minsan hindi ko na lang talaga magets ang sarili ko... 

#5. Meet new people

Ito yung sumunod na nareceive ko sa locker ko. Minsan naiinis ako sa mysterious sender na 'to, ano ba kasi talaga ang purpose nya? I mean kung gusto nya namang makatulong diba sana nagpapakilala na lang sya sakin? Ang totoo kasi nyan, gusto ko syang makilala at makausap, gusto kong humingi ng advice sa kanya. Gusto ko mas iexplain nya pa 'tong mga letters nya sakin. It's really hard to just rely with these one liners, they are so vague and ambiguous. Like this one, meet new people? In what sense?

Sabi sakin ni Kate, baka daw ang ibig sabihin sa letter ay makipagkilala ako sa bagong mga tao, ibig sabihin nun, makipagsocialize ako sa iba, sa mga taga ibang school or ibang studyante na hindi ko kilala. Sabi rin ni Kate, baka ang ibig sabihin ng sender ng letter ay, makipagdate ako sa taong hindi ko pa kilala which clearly means, blind date.

I don't really approve blind dates,  I just hate talking and going out with strangers. Kaya nga nagkaproblema kami ni Kate eh, ini-insist nya ako na makipagblind date daw dun sa cousin ng friend ng boyfriend nya.

"Ayaw ko nga sabi eh, im not going out with someone I don't know!"

"Dali na Sena! There's no harm in trying naman eh!" kinukulit talaga ako ni Kate sa blind date na yun. Um-oo na kasi sya, sinabi nya na sa boyfriend nya na pumayag na daw ako. Tama ba namang um-oo para at magdesisyon para sakin? Argh. Minsan nakakairita lang talaga 'tong bestfriend ko, masyadong pushy.

"Anong no harm? Eh paano kung rapist yun? Paano kung psychopath yun?"

"Oo mo naman!" medyo nilayo ko yung phone sa tenga ko, sumigaw kasi sya eh.

"OA ka dyan?! There are possibilities nuh! Hindi ka ba tinuruan ng mga parents mo nung bata ka pa na don't talk to strangers?!"

"Ano ba Sena! Super paranoid ka kahit kelan! Masisigurado ko naman sayong safe yun eh tsaka sa public place naman kayo magkikita so maraming tao sa paligid sa inyo, if ever may gawin sya sayong hindi maganda, sumigaw ka lang. Basta wag ka lang sasama sa kanya sa lugar na hindi matao. Ilagay mo lang ako sa speed dials mo para pag natrouble ka, dadating kaagad ako. Dali na Sena, diba tanda mo sabi dun sa letter kelangan mong makipagmeet ng mga bagong tao? Ito na yung chance! Malay mo itong makakablind date mo sya na pala talaga diba?"

Nagbuntong hininga ako at naggive up na sa kakulitan ni Kate, "O sige---"

"Yey!" hindi pa ako tapos magsalita nagcelebrate na agad ang bruha.

"Teka, may conditions!"

"Anong condition naman?"

"Wag mong sasabihin dun sa kung sinuman yung makakablind date ko ang name ko, magimbento ka ng name. Tapos wag mo rin bibigyan ng picture ko, idescribe mo lang yung isusuot ko sa araw na yun."

"Eh? Bakit naman?"

"Para safe ako! Para pag nameet ko dun at sa tingin ko hindi katiwa tiwala or hindi ko type, pede agad akong tumakas by denying to him na ako yung hinahanap nya."

"Ay ganun? O sige na nga, magiimbento na lang ako ng name mo. Pero wala ng atrasan ah?"

"Sure, sure." 

----

Saturday, 2pm sa may mall. Napagusapan na ang isusuot ko ay red shirt na may heart design tapos jeans short at converse shoes na may maliit na body bag na color violet. Pero hindi ang sinuot ko talaga na red shirt ay walang heart design, actually statement shirt na red ang sinuot ko. Iniba ko talaga para kung sakaling makita ko na nga yung makakablind date ko na nakablue pants, at naka green striped shirt at rubber shoes na may wrist band na red na may ALL STAR na nakasulat eh matataguan ko kaagad sya or makakapagdeny kaagad ako sa kanya na ako ang kadate nya kung saka sakaling hindi ko magustuhan. Hindi na kasi ako nagbother na humingi ng picture nya, diba nga hindi naman talaga ako interested sa blind date na 'to?

Napagusapan din na magkikita kami sa may bench sa may tapat ng kodak sa may mall. Nauna ata ako kasi wala namang nakaupo dun sa bench. 

Medyo naiinis na ako kasi late na sya ng 10minutes. Sabi ko sa sarili ko na pag nalate na sya ng 30minutes ay aalis na talaga ako. Hanggang 30minutes lang ako magiintay sa taong yun. Actually ayaw ko talagang magintay pero sabi ni Kate na pag nalate daw kadate ko, magpromise daw ako na magintay kahit 30minutes lang. Wala na akong nagawa kundi um-oo.

Pero sa hindi kalayuan habang nagiintay ako, nabigla na lang ako ng makita ko si Allen. Parang may hinahanap sya sa paligid habang naglalakad sya papunta sa direksyon ko, hindi nya pa ata ako napapansin dahil palinga linga nga sya sa paligid na wari mo'y may hinahanap. 

Nung tumingin na sya sa direksyon ko, nabigla sya pero hindi sya kumaway sakin or nginitian ako, nagdire-diretso lang sya sa paglalakad papunta sa direksyon ko. Umupo sya sa bench kung saan ako nakaupo pero may malaking space between samin, sa kabilang dulo kasi sya umupo.

"Hi." nabigla ako ng marinig kong sabihin nya yun pagkaupo nya. Hindi pa nga ako sumagot agad, akala ko kasi hindi ako.

"Ako ba kausap mo?" hindi ako lumilingon sa kanya.

"Yeah..." yun lang yung sinabi nya. Hindi na naman ako nakaimik pagkatapos nun. Nagkaroon ng katahimikan samin. Gusto ko na sanang umalis at wag ng intayin yung kablind date ko kaso nga nagpromise ako kay Kate, sabi nya magagalit sya pag hindi ako tumupad sa usapan. 20minutes na lang naman akong magiintay, hindi naman siguro magtatagal si Allen dito diba? Baka may inaantay lang sya, baka si Lala... Ewan ko. Basta hindi dapat ako magpa-affect sa presence nya. 

"Weird." nabigla nanaman ako ng magsalita sya pero hindi ako umimik baka kasi hindi naman ako kausap nya, baka kinakausap nya lang sarili nya.

"Alam mo ba, katulad ng suot mo yung pinapahanap sakin?"

Napatingin ako sa kanya this time, nagtataka yung mukha ko, "What?"

"Ah wala," tumawa lang sya habang umiiling na nakatingin sa semento, "Malabo, unless Sarah ang name mo."

"S-sarah?" ewan ko kung tama ba ang naririnig ko pero ang alam ko, Sarah ang binigay na name ni Kate sa kablind date ko.

"Hindi naman heart ang design ng shirt mo eh," bigla nyang winave yung kamay nya, "Ah wala, wala. Nevermind."

Sarah? Tapos heart na design? Hindi naman sya ang kablind date ko right? Kahit pa andito rin sya sa same spot at the same time. Hindi naman James ang name nya, yun kasi name ng kablind date ko. Tapos hindi naman sya nakagreen striped shirt, nakablue nga sya eh tapos hindi naman striped! Hindi sya yun, I'm sure.

"Are you waiting for someone?" bakit ba sya tanong ng tanong?

"No, actually paalis na ako. Sige ah, bye." tumayo na ako nun, meron akong hindi magandang pakiramdam sa nangyayari eh kaya napagdesiyunan ko ng umalis.

"Sige, bye." naglalakad na ako palayo ng bigla ko syang maringi magsalita, may kausap ata sya sa telepono, "Hello James?"

James? James ang pangalan ng kausap nya sa phone?

"Yeah. wala pa rin eh. 15minutes na ngang late eh. Sigurado ka bang sisipot 'tong Sarah na 'to? May number ka ba ng kablind date mo? Ah sige, isend mo sakin, ge bye tatawagan ko pagkareceive ko ng number."

Binaba nya yung phone tapos maya lang ng konti, narinig kong tumunog yung phone nya, may nagtext sa kanya, nareceive nya na ata yung number. Ako naman, binilisan ko na talaga ang paglalakad ko, sobrang kinakabahan ako. Parang nagegets ko na hindi yung situation.

*say ok by vanessa hudgens*

♪♪ You are fine, you are sweet
Fine, I'm still a bit naive with my heart
When you're close, I don't breathe
I can't find the words to speak and I feel sparks

But I don't wanna be into you
If you're not looking for true love
No, I don't wanna start seeing you
If I can't be your only one, so tell me ♪♪

Bigla na lang tumunog yung cellphone ko mula sa bulsa ko, kinuha ko 'to at pinagmasdan ang screen. Unknown number ang tumatawag.

♪♪ When it's not alright, when it's not ok

Will you try to make me feel better?
Will you say alright? Will you say ok?
Will you stick with me through whatever
Or run away? ♪♪

Mula sa likod ko may narinig ako, "Sarah? Sena?"

Hindi pede 'to. Hindi sya ang kablind date ko, hindi ang ex-boyfriend ko. Sabi ko na nga ba, hindi magandang idea 'tong blind date na 'to eh.

--- to be continued

Denny's note: hehe. sorry kung kelangan ko ng putulin dito, may pasok pa po kasi ako bukas eh. Sa susunod ko na lang po icocontinue. Please vote & comment.

I-add nyo rin ako sa facebook ah? [email protected]

or search nyo na lang ang name na: haveyouseenthisgirl stories

Thank you po. Kisses* :3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro