way --- 4
Way --- 4
"Kung andito ka man sa paligid, salamat ah."
*TUGSH*
May narinig akong naglalaglagan na gamit sa kanang bahagi ng corridor sa may hindi kalayuang locker. Nakita ko ang isang babae dun na sinisimot ang mga gamit nya habang tinutulungan sya ng isang lalaki.
"Ayos ka lang?" patuloy sa pagpulot yung lalaki sa gamit nung babae, "Sa susunod kasi mag-iingat ka, babe."
Ang sweet nilang tignan noh? Oo nga pala, yung babae maganda...
At yung lalaki, ex-boyfriend ko.
Tanda ko nung nakipagbreak sakin si Allen dati, tinanong ko sya kung bakit gusto nya ng itigil yung relationship namin, isa lang sinagot nya sakin.
"May iba na kasi akong gusto."
Ngayon, sa nakita ko at sa narinig ko, gets ko na yung sinabi nya dati. Babe pala ha? Maganda sya, bagay sila.
"Okay lang ako," sabi nung babae habang tumatayo na sila kasi napulot na nila yung mga gamit nito, inilagay nya lang ito sa loob ng locker nya at sinarhan na ito, "Tara na, babe."
"Sige, tara na." nakita kong umakbay pa si Allen dun sa babae at nagsimula na silang maglakad pero pagharap nila sakin, alam ko nakita ako ni Allen. Alam kong nagsalubong yung mga mata namin... alam ko, hindi ako bulag ni duling.
Pero inalis nya rin ang tingin nya at masaya syang nakipagusap sa girlfriend nya habang nakaakbay sya dito at naglalakad na sila paalis, sa direksyon ko ang labasan sa corridor kaya nadaanan nila ako.
"Bakit?" narinig kong tanong ni Allen.
"Eh kasi sabi ng pinsan ko ganun daw yun! Ang kulit nuh? hahaha!"
"Ang kulit nga! haha!" tumatawa sila, mukhang ang saya ng pinaguusapan nila.
Dumaan sila sakin, ah hindi pala, hindi sila dumaan sakin, nilagpasan pala nila ako. Bakit, anong sa tingin ko, titigil sila? Titigil si Allen? Bakit naman? Anong meron para tumigil sya sa harap ko? Ah, wala nga pala. Hindi nga pala kami magkakilala.
Pero nung dumaan sila sa tabi ko at naririnig ko yung masaya nilang tawanan, naiinggit ako. Nagseselos ako. Ganun ba kami dati ni Allen? Hindi siguro, hindi kami bagay eh. Sila, bagay sila. Bagay na bagay sila.
"Sana masaya sila sa isa't isa." naibulong ko na lang sa sarili ko yun habang pinapahid ko yung luha kong tumutulo sa mga mata ko.
----
"Hindi mo ba talaga ako masasamahan, Kate?"
"Pasensya na talaga, Sena. May tatapusin pa kasi akong project eh bukas na talaga yung deadline. Sorry talaga ah, babawi na lang ako bukas."
"O sige na nga, bukas na lang. Bye." ini-end ko na yung call at pinagpatuloy ko na lang magswing ng mahina. Nasa school pa rin ako kahit 6pm na, nandito ako sa may playground, wala na masyadong mga tao, mga umuwi na. Yung mga may practices, clubs at meetings na lang ang natira sa school. Wala naman akong practice ng taekwando sa araw na 'to pero pinrefer ko talaga magstay muna sa school. Wala pa kasi akong ganang umuwi. Ansama pa rin kasi ng pakiramdam ko, gusto ko sanang maggala sa kung saan kaso wala akong kasama, si Kate sana kaso busy sya.
Ang loner ko. Ang lungkot tuloy.
Pag gantong tahimik, pag gantong nagiisa ako... lahat naiisip ko. Lahat naalala ko... lahat.
Naramdaman kong may tumulong luho, feeling ko magdidiretso nanaman ang luha ko pero hindi natuloy dahil nadistract ako ng isang music...
Click here to hear the music:
♪♪ yuuuuuuh~~
tententen~~♪♪
Familiar sakin yung music, ang alam ko yun yung intro ng Crank That ng SouljaBoy.
~~♪♪ Soulja Boy Off In This Hoe
Watch me Crank And
Watch me Roll
Watch me Crank Dat Soulja Boy
Then Super Man Dat Hoe
Now, Watch me Yua....
(Crank Dat Soulja Boy)
Now, Watch me Yua....
(Crank Dat Soulja Boy)
Now, Watch me Yua....
(Crank Dat Soulja Boy)
Now, Watch me Yua....
(Crank Dat Soulja Boy) ~~♪♪
"OMG!" nabigla na lang ako ng lumabas si Trey na may hawak na phone sa left hand habang nagsasayaw nung step ng Souljaboy kung saan tinatataas taas ang kamay pati isang paa habang nagiistep sa isang side. Mukha syang tangang ewan pero ewan ko, sobrang natatawa ako sa ginagawa nya.
"Yuuuuuu~~♪♪" bigla syang lumapit sakin at hinigit ako patayo sa kamay ko.
"O-oy!"
"Yuuuuu~~♪♪ Souljaboy wamiyuuuu~~♪♪" kumakanta kanta pa sya habang sumasayaw, "Dali sabayan mo ako."
"Ha? Ayoko nga, magsayaw ka magisa mo. Mukha kang tanga! HAHA! Bakit ka ba nagsasayaw out of the blue?"
"Yuuuu~~♪♪" hinawakan nya yung kamay ko at itinaas nya 'to at ginalaw galaw para sumayaw ako, "Souljagirl, sayaw naman dyan! Yuuuuu~~♪♪ wamiwamiyuuu~~♪♪"
"HAHAHA! ANO BA!" pero kahit mukhang nagpoprotesta ako sa kanya eh natatawa na lang ako at in the end nakisayaw rin ako sa kanya. "Wami wami yuuuu~~♪♪"
Mukha kaming mga tanga dun na nagsasayaw, nakanta at nagtatawanan. Buti nga wala pang nadaan na kahit sino dun eh kundi nakakahiya talaga kami. Nung matapos yung kanta, halos hapong hapo kaming tumatawa pagkaupo sa swing.
"Grabe, nakakapagod yun ah! hahaha!" habol habol ko pa rin ang hininga ko habang tawa ng tawa.
"Oo nga eh, pero ang saya nuh?" kahit sya, habang nasa tabing swing ko, tawa pa rin sya ng tawa.
"Oo! Sobra! Para tayong mga baliw! haha!"
"Ikaw lang! hahaha!"
Pinalo ko sya sa braso pero mahina lang at pabiro, "Napaka! Ikaw kaya! Ikaw dyan biglang susulpot at sasayaw out of the blue eh!"
"Nakita kasi kita dyan, nagsesenti eh! Mukha kang emongoloid, hindi bagay! haha!"
"Mas mongoloid ka! hahaha! Pero thank you ha, nagenjoy ako sa kabilawang yun! Pero jusme naman, makaluma ka naman masyado. Souljaboy pa yang nasa cellphone mo? 2000 something pa yan ah? Lumang luma na yang kanta mo eh."
"Sorry naman! Nagagandahan ako dito eh. Wait," yumuko sya tapos may pinulot na piraso ng papel dun sa ilalim ng swing, "Iyo ata 'to, nalaglag pag upo natin."
Inabot ko yun at tinignan kung ano, "ah eto ba. Thank you, buti nakita mo agad. Ayoko kasi mawala 'tong mga 'to."
"Ano ba yan?"
"Ah eto? Letter. Alam mo kasi, may isang someone na nagdadala sakin ng letters. Sabi nya tutulungan nya akong makalimutan ang ex boyfriend ko and since then, nagpapadala na sya ng letters telling me ways to forget my ex."
"Weh? Sino naman yan? Saka effective ba?"
"Ewan ko kung sino pero oo nuh! Effective!"
"Talaga lang ha? Bakit nakalimutan mo na ba si toot?"
"Medyo..." mahina kong sagot.
"Pag tinanong mo na pala pag nakalimutan mo ang isang tao, pede na palang isagot ang medyo? Ano naman kaya yun? Medyo nakalimutan mo na? Meron bang ganun? Medyo nakalimutan?"
"Ewan ko sayo. Basta ako naniniwala ako sa mga letters na 'to, sabi nya may 11ways sya eh. Ito pa lang yung 3rd eh at kung susunurin ko siguro 'tong mga 'to at nakaabot ako hanggang sa huling letter, I'm sure I'll completely get over him."
"Oh. Eh ano bang nakalagay dyan sa letter?"
Pinakita ko sa kanya, "Indulge yourself."
"Ha? Induge yourself? Nakakanosebleed naman yan, wala bang tagalog translation?"
"Sira ka talaga! Ang ibig sabihin nyan--"
"Alam ko, alam ko! Joke lang naman noh syempre nagets ko. So in what or how will you indulge yourself naman?"
"Hmm. Alam mo, right timing ka. Pede mo akong samahan? Shopping tayo."
-----
As expected, pumayag nga si Trey na samahan ako sa pagshoshopping though I think shopping is not his thing, obviously. He's a guy afterall.
"Maganda ba?" pangseventy whatever na tanong ko na ata sa kanya ang gantong tanong eh, kanina pa kasi kami pasok ng pasok ng mga dress shops at kanina pa ako nagtatanong if maganda ba yung damit or bagay ba. I think nagsasawa na nga ata sya sa katatanong ko eh.
"Maganda ka." yun na nga lang yung sinasagot nya kaya bumuntong hininga na lang ako.
"Sige na nga, tama na sa mga dresses. Samahan mo naman ako sa parlor."
"Eh?"
"Gusto ko sana magpagupit ng buhok."
"Ganun ba? O sige sabay na tayo."
"Ha?"
"Balak ko sanang magpagupit na din eh since humahaba na rin yung buhok ko," hinawakan nya pa yung dulo ng buhok nya to check it, "pero sa sabado pa dapat pero it doesn't make difference naman eh so sabay na tayo magpagupit. Saan ka ba nagpapagupit?"
"I prefer Ricky Reyes."
"O sige, halika na." hinigit nya na yung kamay ko. Actually, I really feel awkward when he takes my hand and we walk with intertwined hands. A part of me wants to take it away and another wants me to let it like that, I just don't understand myself right now.
"Hi maam, hi sir!" ginreet kami nung bakla dun sa may parlor, "Papagupit?"
"Yeah, kaming dalwa." sabi ni Trey na hindi pa ring binibitawan yung kamay ko.
"Hali po kayo dito." ini-lead kami nung bakla sa magkatabing vacant seat. Tinanggal ko na yung kamay ko sa pagkakahawak ni Trey since kelangan nanamin umupo dun sa magkatabing vacant seat. Maya maya lang may dumating ng dalwang parloristang maggugupit samin. Parehas naman silang babae, yung baklang sumalubong samin sa entrance kanina eh bumalik na ulit sa entrance dun at nagbasa ng magazines.
"Anong gusto mong hairstyle, hija?" tinatanong ako nung maggugupit sakin, narinig ko rin na tinatanong rin si Trey nung maggugupit sa kanya.
Bigla nya akong tinawag, "Sena,"
"Oh?" lumingon naman ako sa kanya.
"Wag mo masyadong gugupitan buhok mo, yung mga hanggang dito lang," tinuro nya yung balikat nya, "Tapos magpabangs ka," nilagay nya naman yung kamay nya sa tapat ng noo nya para magsign ng bangs, "bagay sayo."
"Ikaw, magpakalbo ka ah? Bagay sayo."
Tumawa lang sya dun sa sinabi ko pero bago sya umayos ng upo, "Bast ha? Wag mo masyadong iiklian at magpabangs ka."
Tapos nun, kinausap nya na yung maggugupit sa kanya at nagbasa na sya ng magazine. Ako naman,sa hindi ko magets na dahilan, sinunod ko naman yung sinabi nya. Nagpabawas lang ako ng mga 1and a half inches tapos nagpabangs ako.
Nauna syang natapos since mas matagal shampoohin, patuyuin at kung anu ano pang etchos ang ginawa sa buhok ko since mahaba nga at ganun talaga pag sa babae. Samantalang sa kanya, madali lang shampoohin tapos madali lang matayo at konting gupit lang ang ginawa sa kanya eh tapos na sya.
"Oh ayan, tapos na maam." tinignan ko yung buhok ko sa salamin sa harap ko, hinawak hawakan ko pa nga yung bangs ko sa harapan ko eh. Nakakapanibago kasi eh.
"Diba sabi ko sayo bagay?"
"Oo nga noh." tatayo na sana ako nun kaso pinigilan nya ako.
"Wait lang, hindi pa tayo tapos."
"Ha?" nakita kong umupo ulit sya dun sa pinaggupitan nya kanina na sa tabi ko lang.
"Pakulay tayo ng buhok!" nagwink sya sakin.
"Ha? Baliw ka ba? Ayaw ko nga saka wala na akong pambayad nuh!"
"Naman 'to oh, wag kang kj. Light brown lang naman eh, hindi naman halata saka libre ko naman eh. Daliiiii na!"
Umayaw man ako ng umayaw, sa huli wala na akong nagawa. Sobrang mapilit nya kasi eh.
Ang daldal nya habang nakaupo kami dun, andami dami nyang kinukwento. Yung mga nangyari sa school nya, sa bahay nya, sa kapitbahay nila, sa friends nya, sa barkada nya, sa tambay sa kanto nila, sa aso nya kahit nga sa bituki sa kisame nila. Ewan ko, hindi sya nauubusan ng kwento. Pero kahit medyo naeewan ako sa madaldal at makulit nyang attitude, ang totoo nyan, natutuwa ako sa kanya kasi sa ngayon, gumagaan yung pakiramdam ko. Nawawala sa isip ko yung mga sakit na kanina lang eh nararamdaman ko, hindi ko naiisip yung taong yun. Nakakatulong ang presence ni Trey ngayon. Nageenjoy ako.
Nung matapos kaming magpakulay, nagbayad na kami sa counter pero syempre sya nung nagbayad sa pagpapakulay ng buhok ko dahil sya naman nagpumilit nun eh.
"Wow, parehas kayo ng kulay ng buhok. Alam nyo ba, bagay kayo?" kinikilig yung baklang nasa counter habang nagbabayad kami.
Umakbay naman sakin si Trey, "Bagay kami nuh?"
"Yes sir, super bagay."
Inalis ko yung kamay ni Trey, "Hindi kami bagay, tao kami."
"Ayy, bakit ata ang sungit ng girlfriend nyo sir?"
"Meron eh," pabulong na sabi ni Trey habang nakatakip yung kamay nya sa bibig nya, bulong na sinasadya nyang marinig ko.
"Mukha mo." nung makuha ko na yung sukli ko, lumabas na ako ng parlor at iniwan sya. Sinundan naman nya ako.
Pagkatapos nun, nagshopping ulit kami sa mga damitan, sapatos at bags. Marami rami rin akong napamili at lahat yun, sya yung nagdadala. Hindi ko sya pinilit dalhin yun, sya yung nagvolunteer magdala lahat ng bags.
Nung nasa isang store kami, may pinakitang damit sakin si Trey, "Bilhin natin 'to!"
Nung tinignan ko yung shirt, nakita ko couple shirt sya. Sa guy shirt may malaking heart na design sa unahan tapos may arrow na nakaturo sa left tapos yung sa girl shirt, may malaking heart din na design tapos may arrow din pero nakaturo sa right.
"Ayoko."
"Pleeeaaaase? Ako magbabayad. Dali na, t-shirt lang naman sya diba? Pleaaase na."
"Ayaw."
"Please naman oh? Suot lang natin sya ngayon. Let's say, bayad mo na 'to sakin."
"Ha? Bayad? Kelan ako nagkautang sayo."
"Hindi naman sa utang," he scratches his head, "Yun bang sinamahan kita ngayon, atleast for an exchange, payagan mo akong bilhin 'to tapos isusuot natin sya ngayon?"
"Ayoko." plain na sagot ko.
"Please nanaman oh?" super nagmamakaawa na sya nun pero matigas pa rin ako at hinindian ko pa rin sya at tumalikod na para tumingin sa ibang dress.
Pero nung sumilip ako sa kanya, nakita ko malungkot nyang binabalik yung t-shirts sa pinagkuhanan nya kanina. Malungkot talaga sya. I felt bad tuloy, I mean diba pinapasaya nya naman ako ngayon sa araw na 'to? Kanina sobrang lungkot ko at kung hindi sya dumating kanina baka nagkatotal breakdown na ako. Sinamahan nya ako at tinulungan nya akong ma-enjoy yung araw ko ngayon tapos look what I'm doing, mukhang sinisira ko yung araw nya kasi malungkot sya. He was just asking a little favor pero tinanggihan ko, I really feel bad about it...
"Tara na, bilhin na nga natin," in the end, hindi ko talaga sya natiis at nilapitan ko sya at kinuha sa pagkakasabit yung dalwang shirt at hinigit sya sa may counter, "ikaw magbayad ah, wala ako pera."
Tinignan nya lang ako at tinitigan, "Oh? Bibilhin mo ba o hindi? Pag hindi ibabalik ko na."
Aktong ibabalik ko na sana yung t-shirts pero pinigilan nya ako at ngumit, "A-ah! Hindi! Bibilhin ko sya!"
Nung nabili na nya yun, sinabi nyang magpunta kaagad kamin sa public cr ng mall para magpalit sa shirts na yun. Tuwang tuwa sya nung makita nyang suot ko yun, sabi nya magpapicture daw kami dun sa may booth.
"Dali, pili ka ng background." excited na sabi nya habang nagpipindot dun sa screen sa may loob ng booth.
"Eto,"
"Wag yan, ang gay. Butterflies? Wag naman."
"Edi ito na lang,"
"Hearts?" binigyan nya ako ng nandidiring tingin.
"Eh anong gusto mo? Wag mo na lang kaya akong tanungin kung ayaw mo ng suggestion ko." ang kulet kasi nya eh, ayaw nya sa mga pinipili ko.
"O sige na nga, ito ng hearts." kinlick nya na yun at sinet na sa 5shots, "Ok, 1,2, 3!"
Yung shots, dire-diretso sya kaya every 3 seconds dapat magpalit kami ng pose.
First pose, nakangiting simple lang.
Second pose, nakadila kaming parehas with rock and roll sign.
Third pose, nakapeace sign ako habang nakapeace sign rin sya pero nakalagay sa taas ng ulo ko, sinusungayan nya ako.
Fourth pose, wacky sya. Nagduling dulingan kami tapos nakatwisted yung tounges namin tapos yung hands namin, basta na lang.
Pero sa fifth shot, hindi ko ineexpect yung pose na nagawa namin. Bigla nya akong kiniss sa cheeks at lumabas agad sa booth para kunin yung shots na lumabas. Naiwan tuloy ako sa loob ng nabigla at hawak hawak yung pisngi ko na hinalikan nya.
"Look! Ang ganda nung mga shots natin!" natauhan lang ako nung narinig kong sumigaw sya mula sa labas, sinampal sampal ko sarili ko at ikinompose ko rin sarili ko at saka lang ako lumabas, nakita ko sya na kina-cut na yung pictures tapos inabot nya sakin yung limang copies," 2copies each ginawa ko, bigay ko sayo yung other copies."
Inabot ko naman yun at tinignan, naiilang talaga ako pag nakikita ko yung fifth picture.
"Wag mong iwawala yan ha, ako ididikit ko likod ng cellphone ko yung fifth photo." tinanggal nya yung fifth photo at dinikit nya nga ito sa likod ng cellphone nya, pinakita nya 'to sakin, "Tadaaa!"
Tumalikod lang ako kasi feeling ko namumula ako or something, ewan ko kung bakit, "tara na nga! Magkaraoke nga tayo! May nakita ako dun eh!"
Sinabi ko lang dahil gusto kong makalimutan yung 5th photo. Nararamdaman ko pa rin kasi yung lips nya sa pisngi ko.
--- Nung nasa karaoke kami, tawa ako ng tawa. Sintunado kasi si Trey eh pero super feeling pa rin. He's actually singing to the top of his voice, buti na lang room by room ang karaoke dito at sound proof, kaya ako lang ang nabibingi sa boses nya. Feeling pa nga sya eh, natutuwa sya pag nakikita nyang 98 or 99 ang binibigay sa kanya ng karaoke tapos sasabihan sya ng karaoke ng "you're awesome!". Kahit sabihin ko sa kanyang ganun lang talaga lahat ng karaoke at may topak ang mga karaoke, ayaw nyang maniwala. Sabi nya, magaling lang daw talaga syang kumanta.
Tumawa na lang ako sa kakulitan nya. At sinabi ko rin sa kanyang, lalabas lang ako para bumili ng makakain sa may counter sa labas.
Paglabas ko, hindi ko inaasahan ang makikita ko. Sa katabing room kasi namin, may kalalabas lang din eh. Dalwa sila at kilala ko sila. Nanlaki lang yung mga mata ko at namutla ako.
Napatingin sila sakin at nakita nila ako, napansin kong nabigla din si Allen. Nakita naman nung babaeng kasama nya na nabigla si Allen at nakatingin ito sakin.
"Babe, d'you know her?" nakayakap yung girl sa bewang ni Allen.
"Ah, y-yeah. Schoolmate natin." schoolmate? That's cool. :|
"Ah really? Hi!" humarap sakin yung girl at ngumiti, "Taga school ka din namin? Ngayon lang kita nakita, anong year mo? Friend ka ba ni Allen? Ako nga pala si Lala, kung friend ka ni Allen sana friend na rin tayo. Gusto ko kasi friend ko rin lahat ng friends ng boyfriend ko."
Nakangiti sya sakin, pure yung ngiti nya at mukhang mabait sya. Maganda sya at mukhang mabait, no wonder iniwan ako ni Allen. She's perfect and I'm way different than her, i'm nothing compared to her.
"A-ah, hehe. Nice meeting you, L-L- Lala." nabubulol pa ako sa pagsasabi ng name nya. Natetense kasi ako eh.
"Sena, nakalimutan mo wallet mo! Paano ka bibili kung wala--" biglang lumabas din si Trey at napatigil sya sa pagsasalita ng makita kung sino ang kausap ko sa labas.
"Ah Trey," sabi ni Allen.
"Ah Allen, ikaw pala."
"Who's he Allen?" tanong ulit ni Lala.
"Classmate ko naman, si Trey."
"Hi Trey! Ako pala si Lala." mabait na pagpapakilala ni Lala. Ang friendly nya, isa siguro 'to sa mga nagustuhan ni Allen sa kanya. Bakit ba sila nasa harapan ko? Bakit ba ang perfect ng babaeng pinalit nya sakin? Bakit wala akong maipintas dito? Nasasaktan ako.
"Ah, hello Lala." ngumiti lang ng pilit si Trey, alam ko naiintindihan ni Trey ang situation kaya para sa kanya awkward din ito. Si Lala lang ang hindi nakakagets.
"You two going out? I'm glad for you guys." did Allen just congratulate me or something? He's glad to see me with another guy. Isn't he jealous or what? Sana man lang, magselos sya kahit konti. Kahit konti lang...
"No, he's just a friend." diretsong sabi ko, hindi ko na rin pinasagot si Trey, "Eh kayo?"
"Yeah, Lala's my girlfriend." diretso nya ring sabi, hindi man lang ata nya iniisip kong masasaktan ako o hindi.
I flinched a bit pero kinontrol ko sarili ko, ngumiti ako at sinabing, "I'm glad for you guys."
"Sige, mauna na kami sa inyo." nilagpasan ko sila at once nakalabas na ako ng karaoke, tumakbo na ako.
Tinatawag ako ni Trey pero hindi ko sya nililingon. I just want to run, run as fast as I can, run to wherever my feet drag me, ran as long as I can.... I just need to run right now because if I stop, I might cry.
This sucks, I always cry.
-----
Denny's note: eeep! midnight na ako natapos dito, nararamdaman ko na ang presence ng eyebag! HAHA. kaya please comment at magvote kayo? Sa ngalan man lang ng eyebags ko. XD
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro