Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

way---3

Way --- 3

“Sure ka ba dyan?” natatawang nag-aalangang tanong sakin ni Kate habang nagfifill up ako ng form sa taekwando club.

“Oo, diba nga nabasa mo naman yung nakasulat dun sa 3rd letter? Diba ang sabi do something new daw! Eto, new ‘to! I’m joining a new club at alam mo namang never kong natry magtaekwando diba? I think this would be cool!”

“I think this would be a disaster! You can’t even open a cap of a bottled ketchup what more kung makikipagbugbugan ka pa dyan sa mga taekwando students! Baka mabalian ka lang!” tawa pa rin sya ng tawa.

Tinignan ko sya ng masama at sarcastic na sinabi, “Napakasupportive mong kaibigan.”

Mamamatay na ata sa kakatawa si Kate, “Eh kasi naman bakit hindi ka na lang sumali sa club ko? Dun ka na lang sa club ko.”

“Heh. Mas prefer ko pang mabalian ng buto sa taekwando kesa magsayaw! Alam mo namang balu-baluktot ang paa ko! Mas mamamatay pa ako sa pagsasayaw kesa sa pagta-taekwando!”

“Sige na nga, bahala ka. Basta paalala lang, ilagay mo na sa speed dials mo ang 911.”

“Heh! Umalis ka na nga dito! Dumiretso ka na sa club mo, tignan mo nga kung anong oras na. Iniintay ka na ng mga club members mo!”

“Antaray neto, ikaw na nga ‘tong nagpasama sakin ikaw pa nagpapalayas sakin. Sige na nga, babye na! Goodluck, sabihin mo lang sakin kung anong hospital room ka pagkatapos ah?”

Sinipa ko sya sa paa pero nakailag sya, “Woah! Wag kang magpractice sakin ng taekwando!”

“Che!” tumawa lang sya at nagwave na at umalis na.

Nung matapos na ako magfill up, binigay ko na dun sa organizer sa may pinto.

“Here.”

“Thank you, pede ka ng magstart. Ito yung uniform mo,” inabot nya sakin ang plastic ng uniform nung pang-taekwando, “You can pay it until 27. Yung changing room, andun sa may bandang kanan.”

Tinignan ko yung tinuro nya, “Ah okay, thank you. Pagkatapos nun didiretso na ako dun sa may practice hall right? Dun sa may gitna?”

Tumango sya at ngumiti, “Ah oo, medyo malelate lang yung instructor nyo since late matatapos yung klase nya ngayon. Pero maya maya, dadating na yun so marami ka pang time para makapagpalit sa uniform mo.”

“Ah, student din yung instructor namin?”

“Yep, black belter sya pero yung white belters lang tinuturuan nya. Ito lang yung naisip ng club na paraan para makatipid sa budget. Mahal kasi kung kukuha pa kami ng instructor. Isa lang talaga ang tunay na teacher ng taekwando dito pero yung mga high belters na talaga tinuturuan nya at every Tuesday lang napunta. Anyway, magaling naman yung instructor nyo kahit student sya. Siguradong matututo kayo.”

"Oh ganun ba, o sige magpapalit na ako." nagdiretso na ako sa changing room at pagkatapos pumunta na ako dun sa gitna, sa may practice hall. Nag-hi at nginitian ko lang yung mga tao dun na mga white belters. 

"Ah may bago? That's good." naririnig ko ng parating yung instructor namin, "Hi everyone! May bago daw tayong member! Andito ba sya?"

Nabigla ako nung makita ko kung sino ang instructor namin, "Sena! Ikaw pala! Nice to see you here!"

"Ikaw ang instructor ng white belters?!" napanganga na lang ako ng makita ko si Trey na naka-taekwando uniform at nakablack belt. Unbelievable.

"Yep," nagwink sya sakin, "Don't worry I'm always gentle with cute students."

I can't believe him. Really.

Pero wala na nga akong magagawa, naging instructor ko na sya eh, sumali na ako dito at wala ng atrasan. Nakakainis lang kasi sa kanya, simula nung nakuha nya yung number ko sa hindi ko malaman kung kanino, tinext nya na ako ng text, nagtatry nga rin syang tumawag eh. He's like a stalker! Pero hindi ko na lang sinasagot yung texts&calls nya. Tapos tinatry ko ring iwasan syang makasalubong sa corridors. Sabi nga sakin ni Kate, kung ginayuma ko daw ba. Asa pa naman.

Pero buti na lang pag oras ng practice, hindi sya nangungulit, seryoso nga sya pag nagtuturo eh. Para talaga syang teacher pero nung matapos yung practice at nakapagpalit na ako, nakita ko syang nagiintay sa tabi ng changing room. Nakapagpalit na sya, nakasabit na yung bagpack nya, medyo basa pa yung buhok nya dahil siguro sa pawis at nakasandal sya sa may pader dun habang nakapamulsa.

"Ang tagal mo ah."

"Hinintay mo ako?"

"Yup," naglalakad na ako nun pero sinusundan ko sya, "hatid na kita sa inyo."

"Ha? Ano ka sinuswerte? Ayoko. Kaya kong umuwi mag-isa saka kasabay ko bestfriend ko eh. Infact, ayan na sya oh." nakita ko kasing papalapit samin si Kate, tapos na rin siguro yung practice ng club nya.

"Sena, boyfriend mo?" tanong agad ni Kate pagkakita kay Trey.

"Ah yes," lumapit si Trey kay Kate at inabot ang kamay nya, "I'm Trey nga pala, boyfriend ni Sena."

"Ah, nice meeting you. Ingatan mo bestfriend ko ha." inabot naman ni Kate ang kamay ni Trey at nakipagshake hands.

"T-teka!" pinagbitaw ko ang mga kamay nila, "Sira ulo ka ba? Boyfriend? Mukha mo! Kapal neto. Kate, hindi ko boyfriend yan, wag kang maniniwala sa mga pinagsasabi nya."

"But he's not that bad, pede ng boyfriend, bakit ayaw mo?"

"Look oh, payag bestfriend mo. Alam mo kasi bagay tayo," bigla nya akong inakbayan at natawa lang si Kate. Argh, ang taas naman ng confidence nitong Trey na 'to sa sarili nya.

"Ano ba," tinanggal ko ang kamay nya sa balikat ko, "Layuan mo nga ako. Tara na nga Kate, uwi na tayo."

"Ah oo nga pala Sena, hindi ako makakasabay. Dadaan pa kasi ako sa bahay ng boyfriend ko, kita na lang tayo bukas ah. Sige, babye!"

Hindi pa ako nakakaimik ay tumalikod na si Kate at umalis na. Iniwan nya ako kasama itong Trey na 'to.

"Paano ba yan, wala kang kasabay sa paguwi? Ihahatid na kasi kita hanggang sa inyo."

"Marunong akong umuwi mag-isa noh, tingin mo sakin 4yrs old?"

"Oo."

"Aba!" talagang tingin nya sakin 4yrs old?!

"Mukha ka kasing baby, baby ko!" anakng! Bumabanat pa 'tong manong na 'to.

"Ewan ko nga sayo, aalis na ako. Wag kang susunod." naglakad na ako pero napansin kong naglalakad din sya sa tabi ko, "Diba sabi ko wag kang sumunod?!"

"Eh paano kung parehas tayo ng daan? Bawal na ba akong dumaan sa daan mo?"

"Atleast, wag kang tumabi sakin sa paglalakad. Kung gusto mo mauna kang maglakad o kaya mahuli ka! Hindi yung nasa tabi kita!"

"Eh gusto ko maglakad ng ganto eh. Parehas kasi tayo ng bilis sa paglalakad kaya nagsasabay tuloy tayo."

"Argh! Ewan ko sayo!" wala na akong nagawa kundi hayaan na lang syang maglakad sa tabi ko. In the end din naman kasi, kahit anong gawin ko, ipagpipilitan nya lang ang gusto nya. I just better save my energy from arguing.

"Bakit hindi mo sinasagot mga texts at calls ko?"

"At sino namang maysabi sayo na pede mong kunin number ko ha? Atsaka sang lupalop mo nakuha number ko?!"

"Edi kay toot."

"Ha?"

"Kay Toot, kay Allen."

"Ha?!"

"Ang bingi eh, kay Toot nga!"

"Ahh." yun na lang yung nasabi ko pero ang totoo, nalungkot ako. Kung tutuusin nakakatuwa na meron pa si Allen ng number ko pero nakakalungkot kasi, pinamimigay nya na lang yung number ko. Binubugaw na lang pala ako ngayon, how nice... :|

"Oh bakit parang natahimik ka ata?"

"Tahimik naman talaga ako eh. Wag mo nga akong kausapin."

"Antaray mo talaga. Oo nga pala, magka-anu ano kayo ni allen? Este ni toot? Bakit ba toot ang tawag mo dun?"

"Magkakilala lang kami nun," magkakilala? Actually, mag-ex eh. "Wala ka ng pakelam dun."

"Dali na, gusto kong malaman kung bakit toot ang tawag mo sa kanya. Naku-curious ako eh."

"Sabi ko wala ka ng pakelam dun."

"Ayy. Sige itatanong ko na lang bukas kay Allen kung ayaw mong sabihin."

"WAG!" nabigla sya sa pagsigaw ko, yumuko na lang ako, "wag mong sasabihin kay Allen, wag kang magbabanggit ng kahit ano sa kanya na tungkol sakin."

"Eh?"

"Ex boyfriend ko si Allen, masaya ka na? Ayan manahimik ka na. Wag ka ng magsalita ng kahit ano lalo na pag tungkol sa kanya."

Tumahimik nga sya pagkasabi ko nun. Pero hindi rin nagtagal umimik ulit sya, "Kaya ka siguro umiiyak nun."

This time, napatingin ako sa kanya pero nakatingin lang sya sa daan nun, "Ha? Anong sinabi mo?"

"Iyo 'to diba?" bigla syang may nilabas na panyo sa bulsa nya, "Panyo mo 'to diba?"

Tinignan at inabot ko yung panyo, "Akin 'to ah, paano napunta sayo?"

Tanda ko yung panyong yun, yun pa yung niregalo sakin ni Allen nung monthsary namin. Nakasulat pa nga dun yung initials namin, A&S. Ayun yung panyong gamit ko nung araw na nagbreak kami.

"Napulot ko pagkatapos mong umiyak nun. Nilagay mo sa bulsa mo pero nalaglag sya, pinulot ko 'to pagkaalis mo."

"Anong sinasabi mo?"

"Diba umiiyak ka nun sa may playground? Gusto sana kitang lapitan nun kaso hindi naman kita kilala kaya baka magalit ka sakin pag nilapitan kita, pinanuod lang kita nun kahit gusto kitang i-comfort. At yun nga, nung matapos ka ng umiyak, itatago mo na sana 'tong panyong 'to sa bulsa ng palda mo kaso nalaglag kaya pinulot ko. Balak ko sanang ibalik sayo kaso sa tuwing nakikita kita sa school, wala akong lakas ng loob kausapin ka at ibigay 'to sayo since hindi naman tayo magkakilala nun."

Naiiyak na ako habang hawak ko yung panyo, naaalala ko nanaman kasi yung araw na nagbreak kami ni Allen. Yung araw na sinabi nya saking, ayaw nya na at tigilan nanamin yung kung anong meron kami. Ang sakit nun sakin kasi biglaan, ni hindi man lang muna sya nagparamdam. Hindi ako ready nun kaya nga hanggang ngayon hindi pa rin ako makamove on. Mahal na mahal ko si Allen kahit hanggang ngayon.

Tulo na ng tulo yung luha ko, wala na akong pakelam kahit may isang Trey sa harap ko, basta umiiyak lang ako habang naglalakad. Ipampapahid ko na sana yung panyo sa luha ko kaso bigla nyang inagaw 'to sakin.

"Ano ba!"

"Wag sa panyong 'to," bigla nya akong inabutan ng panyo nya, "Dito ka umiyak sa panyo ko."

Ginawa ko nga yung sinabi nya. Tumigil kami sa isang bench malapit dun, umiyak ako ng umiyak. Tahimik lang sya sa tabi at ako hindi din ako naimik. Iyak ko lang ang maririnig at ang ingay ng mga dumadaang sasakyan. Wala na nga rin akong pakelam kung may mga dumadaang taong nakakakita sakin. 

"Mahal ko sya, mahal na mahal ko." kinakausap ko ang sarili ko habang naiyak. 

"Sige, iiyak mo lang." sa pagsabi nya nun, lumakas pa lalo ang iyak ko. Ang sakit, ang sakit sakit at ang sikip sikip ng dibdib ko pero pagkatapos kong umiyak, medyo lumawag at gumaan na yung pakiramdam ko. I needed that cry, makes me feel a little better.

"Okay ka na?" tumayo na kami nun.

"Ah oo, inaantok na ako." ewan ko, sa tuwing matatapos akong umiyak, nakakaramdam ako ng sobrang antok, "Uuwi na ako. Wag ka ng sumabay sakin please, I need to be alone right now. Ibibigay ko na lang 'tong panyo mo bukas."

"Sure. You can keep the handkerchief." tumalikod na sya sakin at naglakad palayo habang nakaway at nakapamulsa ang isang kamay.

Pinagmasdan ko lang saglit ang likod nya at tumalikod na rin pagkatapos para umuwi na.

I really need something to keep me busy. Bukas, I'll join cooking club, art club at media club. I need more than one clubs right now. I have to keep myself occupied with other things because if not, I'll be haunted w/ Allen's memories. It scares me just to think of it.

Hindi pa ako nakakarating sa bahay, nakatanggap ako ng text mula kay Trey.

From: +63**************

Smile. - Trey

After reading it, I actually felt like smiling. Ewan ko, his text sounded like a command so I did it. 

----

"Sana meron." I know kahit 2days pa lang ang nakakaraan, I'm already hoping na sana may laman ang locker ko ng letter mula sa mysterious sender. Pero hindi nga ako nabigo, dahil pagkabukas ko may nalaglag ulit na papel. Buti na lang, napabilis ang sumunod nyang letter, excited kasi ako sa mga ways na nakasulat sa papel nya. Feeling ko binibigyan ako ng pag-asa nitong nagbibigay sakin ng sulat, binibigyan nya ako ng pag-asa na malimutan si Allen at makamove on na.

#4. Induge yourself.

It sounded simple but I think it's a nice idea. It's been a while since I last went shopping.

Pagkatapos kong mabasa yung letter, tinago ko ito sa bag ko at nagsalita sa malakas na boses, "Kung andito ka man sa paligid, salamat ah."

*TUGSH*

May narinig akong nalaglag na mga gamit. Pagtingin ko sa may kanan ko sa may hindi kalayuang locker..

"Ayos ka lang?" Si Allen, tinutulungan nya yung isang babae dun na naglaglagan ang mga libro,

"Sa susunod kasi magiingat ka, babe."

Denny's note: hi! ito na yung way 3! weee! comment at vote kayo ah? Pleaaase? Hindi na tayo bati pag hindi nyo 'to binasa. :|

joke lang! XD

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro