Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Sender of 11 Ways - last chapter

11 Ways to Forget your Ex-boyfriend bids goodbye...

written by HaveYouSeenThisGirL (Denny R.)

"In your life you search and search for the right person for you. Every time you break up with someone you get one step closer to that person. You should look at moving on as getting closer to meeting the one." - Ian Philpot

2weeks ng nanliligaw si Trey, I must admit na unti unti na akong nasasanay sa presence nya na pag wala sya ay hinahanap ko na sya.

Sabi nga sa way#9: Enjoy his company. Kahit siguro hindi nakasulat sa way#9 yun ay gagawin ko pa rin sya. Full of effort kasi talaga sa  panliligaw si Trey at walang oras na hindi ako nageenjoy pag kasama sya. He's very sweet and sincere, he never fails to make me laugh so how can I not enjoy his company, right?

Nawoworried ako sa letters sa lockers ko, 1week na rin kasi nakalipas since huli kong natanggap yung 9th letter. Tapos ngayon na yung last day ng school, bukas bakasyon na which means hindi na ba ako makakatanggap ng letters? Sayang naman, 2 na lang kasi sana tapos hindi ko pa matatanggap diba? Saka ni hindi ko pa nga nakikilala yung sender eh. Nakakalungkot naman pag ganun.

Pero last try na 'to, ito na yung huling chance na bubuksan ko yung locker ko kaya sana meron...

*teeeng* <--- sound effect po ng nagbubukas na locker(sorry, low budget ako sa sound effects XD)

"Yey!" natuwa ako kasi may nalaglag na letter at nung pinulot ko yun, hindi nga ako nagkakamali, "Way number 10!"

Binasa ko ito.

#10. Evaluate your feelings

Pero strange yung letter ngayon kasi under dun sa way#10, meron pang nakasulat. May maliit na box dun tapos sa tabi ng box may nakasulat: "Are you over him? Check the box if yes."

EH? Dapat ko bang sagutin ito? Pero tama rin naman siguro ito, dapat ko ring iconfront na ang nararamdaman ko. Dapat iconfirm ko na sa sarili ko kung ano ba talaga nararamdaman ko, I have to clear my feelings!

♪♪~~There will be no ordinary days for you 
If there is someone who cares like i do 
You have no reason to be sad anymore 
I'm always ready with a smile 
With just one glimpse of you 
You don't have to search no more 
Cause i am someone who will love you for sure so

♪♪~~

Nabigla ako ng marinig ko yung telepono ko, nagriring, may tumatawag. By the way, ringinge tone ko na yung "If we fall inlove" na kinanta sakin ni Trey. Memorable na kasi sakin yung kantang yun. :")

+63*********** calling...

Nanatili akong pinagmamasdan yung screen, familiar yung number... Kahit naman hindi ko na sya naiisip, hindi pa rin nun mababago na saulo ko pa rin ang number nya. 

"Hello?" sinagot ko ito sa kabila ng kaalamang sya ang tumatawag.

"Sena..." tama ako, si Allen talaga 'to. 

"Ah, Allen... napatawag ka..."

"May mga bagay na gusto sana akong itanong sayo, sana sagutin mo. Wag mo ng itanong kung bakit basta sumagot ka lang."

Hindi ko man sya nagets eh um-oo na lang din ako, "Sige.. ano ba yun Allen?"

Hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako, may nararamdaman akong parang may isang bagay na may mangyayaring hindi ko inaasahan.

"Umiiyak ka pa ba sa gabi?"

"Eh?" nabigla talaga ako sa tanong nya.

"Sagutin mo na lang Sena, please."

"Hindi na..." 

"Meron pa ba akong remembrance o kahit ano sayo?"

"Eh?" nabigla nanaman ulit ako pero natandaan ko kaagad na sinabi nyang, sumagot na lang daw ako basta sa mga tanong nya, "Ah wala na."

"Binabanggit mo pa ba palagi ang pangalan ko?"

"Hindi na."

"May mga pinagkakaabalahan ka na ba?"

"Oo, marami." 

"Bagay sayo bangs mo pati highlights mo." 

"Eh?!" nabigla ako... hindi kasi tanong yun atsaka napansin nyang nagpagupit ako at nagpahighlights dati?

"Pasensya na dati ah nung dapat kablind date mo si James, nagkasakit kasi sya nun eh kaya ipinasa ka na lang nya sakin, hindi ko naman alam na ikaw pala yun eh, iba kasi pangalan na ginamit mo eh."

"Teka Allen, bakit mo sinasabi mga bagay na 'to? Tsaka diba sabi mo magtatanong ka lang hindi ka naman nagtatanong eh." 

"Alam mo bagay kayo ni Trey, masaya ako at nililigawan ka nya."

"Allen---!"

"Mahal ka ni Trey, magtiwala ka sakin. Hindi ka sasaktan nun."

"Teka lang Allen," gusto kong sumingit sa pagsasalita nya, hindi ko kasi magets bakit sinasabi nya 'tong mga bagay na 'to. Hindi ako nasaktan sa mga sinasabi nya pero nagtataka lang talaga ako, bakit out of the blue tumawag sya at kung anu ano sinasabi nya? 

"Masaya akong makitang masaya kang kasama sya. Masaya ako para sa inyo. Wag ka na ulit iiyak Sena, ha?"

"Allen! Teka nga lang, ano ba pinagsasabi mo? Nanggugulo ko ba or what?" medyo naiinis na kasi ako kasi salita sya ng salita hindi man lang nageexplain kung anong gusto nyang iparating sa mga sinasabi nya.

"Sena... mahal mo si Trey diba?"

Hindi ako nakaimik agad.

"Pakiramdaman mo Sena kung mahal mo na sya. Ipikit mo mga mata mo," ewan ko pero sinunod ko sinabi nya, pinikit ko ang mga mata ko, "Pakinggan mo ang puso mo, itanong mo sa puso mo kung mahal mo si Trey."

mahal ko ba si Trey?

Dug. Dug. Dug.

"Pag malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na sya." 

Hindi ako umimik muli, narinig ko ang puso ko...

"Huling tanong, mahal mo pa ba ako?" nabigla ako sa tanong nya pero hindi ako umimik kundi umiling lang ako, "Ikaw na bahala magcheck sa box, sana malinaw na sayo ang nararamdaman mo. Wag kang malilito Sena at wag ka ring kakapit sa nakaraan mo. Palayain mo ang sarili mo sa sakit..."

"Teka Allen! Paano mo nalaman yung tungkol sa box!" ang tinutukoy ko eh yung checkbox under the letter sa way#10. May box kasi dun eh tapos sa tabi nakasulat, "Are you over him? Check the box if yes."

"Sena, dare to fall inlove again." tumigil yung puso ko sa pagkabigla ko, "yan ang 11th way to forget me."

"Allen---!" pero wala narinig ko na lang ang pagkaputol ng linya. Sinubukan kong idial ulit ang number nya at tawagan sya pero hindi ko na sya mareach, pinatay nya ata cellphone nya. Hindi ko nagets... anong nangyari? Ano yung mga sinabi nya? 

"Sena, dare to fall inlove again. Yan ang 11th way to forget me."

"Sena, dare to fall inlove again. Yan ang 11th way to forget me."

"Sena, dare to fall inlove again. Yan ang 11th way to forget me."

----

Tapos na ang bakasyon, yehey! 4th year na kami! 

"Waaaaa! Classmates ulit tayo bessy!" excited na sinalubong ako ni Kate pagkapasok ko ng bagong classroom ko.

"Oo nga bessy eh! Ang saya saya!" nagyakapan kami ni Kate. 

"Ehem! Ako din payakap!"

"Asus! Nagselos si boyfriend! O sige, makiyakap ka na rin kahit alam kong si Sena lang gusto mong yakapin!" pangaasar na sabi ni Kate sa boyfriend ko.

"Ahaha! Sige na, group huuuuuuuuuuug!" lumapit saming dalwa ni Kate ang boyfriend ko at niyakap kaming dalwa ng sobrang higpit.

"Sena yung boyfriend mo! Ugh! Balak ata tayong patayin sa super hug nya! Nakakasuffocate!"

"Ahaha! Babe, tama na! Hindi na kami makahinga! ahaha!"

"Ayoko! Ihuhug ko kayong dalwa forever!" mas hinigpitan pa nya ang hug nya samin.

"Hoy Trey! Kung gusto mong may patayin sa yakap wag ako! Yan na lang si Sena, yang girlfriend mo na lang! Tantanan mo ako!" pagbibiro ni Kate.

"Ahaha! Sige na nga! Ayaw ko pa kayong mamatay lalo na ang babe ko." binitawan nya na kami at umakbay sya sakin.

"AAAAH! WAG KAYONG SWEET, NABIBITTER ANG SINGLE NA TULAD KO!" tawa lang kami ng tawa sa sinabi ni Kate.

Ah, oo nga pala. Kami na ni Trey, sinagot ko sya nung summer, mago-one month na kami. Si Allen? Wala na akong balita sa kanya after that call, sabi nila nagtransfer na daw sya sa malayong school. Basta nawalan na talaga ako ng balita sa kanya. Sayang naman, gusto ko sana syang pasalamatan... Nung una hindi ko nagets pero nung tumagal, napagtanto kong sya ang tumutulong sakin makalimot sa ex-boyfriend ko na sya rin naman. Hindi ko nagets yung sense at purpose nun pero kung magkikita ulit kami ni Allen, gusto kong tanungin sya kung para saan ang lahat ng yun at para na rin mapasalamatan sya. Wala na akong nararamdaman para kay Allen pero kung bibigyan pa kami ng ikalawang pagkakataon, gusto ko syang maging kaibigan. Dahil sa kanya, nakilala ko si Trey... at naging sobrang saya ko.

-----

The Sender's POV.

Ilang minutes na lang dadating na yung eroplanong sasakyan ko. Kanina ko pang pinagmamasdan ang screensaver ng cellphone ko... 

Si Sena.

Alam ko, ako ang nakipagbreak sa kanya. Sinabi ko sa kanyang may iba na akong mahal pero hindi totoo yun. Wala akong minahal kundi si Sena lang. Pero wala akong choice kundi hiwalayan sya at saktan sya... bakit?

Because if I'll let her feelings for me to grow deeper, mas lalo lang syang masasaktan dahil sooner or later, mawawala na din ako. I have a very severe heart disease that anytime I get an attack, it might lead me to death. Pupunta ako ngayon sa America para magpaheart transplant pero sabi sakin ng cardiologist ko, 20% lang daw ang chance na pedeng magsurvive ako. Nung malaman ko yun dati, si Sena agad naisip ko... ayaw kong umiyak sya pag nalaman nya 'to, ayokong malaman nyang anytime pede na akong mamatay sa gantong edad. Ayokong maramdaman nyang iniwan ko sya habambuhay kaya naman nagdecide agad akong saktan sya sa ibang paraan, yun ay hiwalayan sya. Gusto ko mainis sya sakin at magmove on na sya sakin, gusto ko makalimutan nya na ako para hindi na sya umiyak sakaling mamatay ako. Gusto ko kalimutan nya na pagmamahal nya sakin, gusto ko... magmahal sya ng iba na tatagal sa tabi nya.

Pero nagkamali ako... 

"Eh ano naman? Buti ngayon ng marinig ng mga tao dito sa canteen na walang kwenta ang pangalang Allen!" nasa canteen kami nun nung marinig kong may bumanggit ng pangalan ko, nakita ko si Kate-- ang bestfriend ni Sena. Nakatingin sya sakin ng galit na galit.

May biglang sumabat, "Hoy! Allen ang pangalan ko, magingat ka sa mga sinasabi mo miss!"

"Eh ano?! Bakit?! Ikaw ba pinatatamaan ko ha? Ikaw ba ex-boyfriend ng bestfriend ko? Ikaw ba ha?!" alam ko, ako ang Allen na tinutukoy nya nung mga panahong iyon.

"Uy tol, tinitira ka ng ex mo oh. Bitter pa rin sayo? Lakas mo talaga!" nabigla ako ng siniko ako ng isang kaibigan ko na kasama ko sa table sa canteen, alam nilang ex-girlfriend ko si Sena.

"I'm going back to my class." kinuha nya yung gamit nya at tumayo na si Sena, tumakbo sya palabas ng canteen. Ang lungkot ng mukha ni Sena, para bang iiyak na sya nun. 

Yung pangyayaring yun, halos magfa-five months na kaming hiwalay ni Sena nun. Ako hindi pa move on nun at kahit kelan, hindi makakmove on pero ang akala ko noon, nakalimutan na ako ni Sena. Pero sobrang nagambala ako ng makita at masaksihan ko ang pangyayaring yun sa canteen, lalo na ng makita ko ang sobrang lungkot na mukha ni Sena.

Naisip kong nasasaktan pa rin si Sena na nahihirapan pa rin syang makalimutan ako noon, gusto ko syang tulungan pero sabi ko noon, "Paano?"

Pinagisipan ko yun ng mabuti sa klase at hindi nagtagal, nakaisip ako ng plano. Habang nasa Computer Class ako nun, hindi ako nakikinig at naghanap ako sa google ng "Ways to forget your Ex". Maraming lumabas, binasa ko halos 20 sa results na lumabas. Marami sila pero napagdesisyunan kong 11 lang ang kunin.

"Your ex-boyfriend is not worth it. I know it's not easy for you to forget him so that's why I'm here to help you. From now on, I'll be sending letters in your locker. 11 letters which will tell you ways to forget your ex-boyfriend.  I promise you that it will only take 11 ways to forget your ex-boyfriend."

Ayan ang unang sinulat ko sa kanya na patagong ipinasok ko sa butas ng locker nya habang wala pa sya. Bago kasi matapos ang klase, lagi akong nagvovolounteer sa last teacher ko sa afternoon period na ako na yung magdadala ng gamit nya since ang papunta sa faculty room ay madadaanan ang hallway kung asan ang mga lockers. Everytime na nagdadala ako ng gamit sa faculty room, naglalaglag ako ng letters dun. 

1. Put away all the remnants that remind you of your ex.

- alam ko ugali ni Sena na pahalagahan lahat ng bagay na ibinigay sa kanya ng mga importanteng tao. Nung kami pa, lahat ng pedeng ibigay ko sa kanya binibigay ko. Sinusulatan ko sya ng madalas dahil sabi namin dati, mas maganda pa rin yung old days na uso pa ang loveletters kesa sa text. Binibigyan ko rin sya ng kwintas, singsing, teddy bear, roses at kung anu ano pa tuwing may occassions o kahit wala.  Keeping anything that reminds you of your ex out of sight will help you to think about him less, yan yung nabasa ko sa internet at naniniwala akong totoo yan.

2. Make his name a badword.

- nung nasa canteen, napagtanto ko, lagi nya bang sinasambit o iniisip ang pangalan ko? Kung oo, hindi tama yun. Kung lagi nyang iisipin pangalan ko, paano nya ako makakalimutan diba?

From: Trey

'tol, may naghahanap sayong magandang chix. Sena daw name. kakilala mo? 

Yun yung text sakin ni Trey dati nung pauwi na ako. Inignore ko lang yung text nya pero ang totoo, nagtataka ako kung bakit ako hinahanap ni Sena? Akala ko nga nabuking nya na ako yung naglalagay ng letters sa locker nya. 

Kinabukasan pagdating ko sa classroom at nakausap ko si Trey, lagi syang nagtatanong sakin kung kaanu ano ko daw si Sena. Ang kulit kulit nya, hinihingi nya pati sakin number ni Sena pero hindi ko binibigay. 

"Andamot mo naman pre, bakit ayaw mo ibigay sakin number ni Sena? Hindi mo naman girlfriend siguro yun diba?" 

Tinamaan ako sa sinabi ni Trey, kaya pagkasabi nya nun napagdesisyunan kong ibigay na lang sa kanya ang number ni Sena.


3. Do new things to keep you busy. 

Alam ko kasi si Sena may pagkatamad sya kung kaya marami syang free time. Pero the more na marami kang free time, the more na marami kang oras sa pagiisip. At ayaw kong magisip sya ng magisip dahil in the end, alam kong iniisip nya lang yung mga memories na naiwan samin.


4. Indulge yourself.

Nung sinamahan ko si Lala papunta sa locker room nya, nabigla na lang ako ng sa hindi kalayuan narinig kong nagsalita si Sena.

"Kung andito ka man sa paligid, salamat ah." 

Napatingin ako sa kanya pero yumuko kaagad ako kasi nalaglag yung mga gamit ni Lala. Andun ako sa paligid nung mga oras na yun at nagpasalamat sya sakin, ibig sabihin ba natutulungan ko talaga sya?

Si Lala, sya yung girlfrien ko nun time na yun. Hindi ko naman talaga mahal si Lala, ginawa ko lang syang girlfriend para panakip butas sa sakit na nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko si Sena at kung papaanong hindi ko na pede syang makasama. Alam ko masama yung ginawa kong paggamit kay Lala pero pinagbigyan ko lang din naman si Lala eh, nagconfess kasi sya sakin at umiiyak sya nun... sabi ni Lala mahal na mahal nya daw ako kaya naman pinagbigyan ko sya kahit alam kong masasaktan ko lang sya. Malungkot na malungkot talaga ako nun at kelangan ko ng mapaglilibangan lang din ng oras.

5. Meet new people.

Alam ko hindi ako ang destined na magmahal kay Sena kaya gusto ko kumilala pa sya ng maraming tao kasi alam ko, andyan dyan lang sa tabit tabi yung taong talagang nakadestined sa kanya. Gusto ko makilala nya yun.

"Pare, may kablind date sana ako kaso ang sama talaga ng pakiramdam ko. Pedeng ikaw na lang pumunta?"

"Eh? Wag na lang pre."

"Dali na pre, nakakahiya naman dun eh, ngayon kasi yun eh baka maghanda yun babae isipin hindi ko sya sinipot. Baka madisappoint. Sige na pre, it won't hurt naman kung tatry mo yung blind date eh. Saka alam ko namang hindi ka seryoso kay Lala eh."

"O sige na nga," pumayag ako since pampalipas oras din 'tong blind date na ito, "ano ba pangalan? May picture ka?"

"wala akong picture eh, ayaw akong bigyan pero Sarah daw name."

Pumayag talaga akos a blind date na yun, expecting to meet someone named Sarah kaso... si Sena nakita ko, she used a screen name. Akala ko yung araw na yun, isang beses ko lang makikita si Sena pero nung gabing pumunta akong club para magpalipas ng oras, nakita ko nanaman ulit si Sena. Naasar na nga ako eh, sabi ko noon nanadya ata ang destiny, pinaglalaruan ata ako. Pero pinagmasdan ko na lang ng patago si Sena, inom sya ng inom... Hindi pala inom si Sena kaya agad syang nalasing. Pumunta sya sa dance floor at parang tangang nakikipagsayaw sa kung sinu sino kaya naman napagdesisyunan kung hatakin sya paalis ng dance floor dahil ayaw kong bastusin sya dun. Hindi nya ako makilala siguro dahil sa lasing na sya.

Habang nahihilo sya, naglagay ako ng papel sa bulsa nya, "Here read this when you're in proper shape."

#6. Entertain suitors.

Nung mga panahong iyon, lagi ko ng nakakausap si Trey. Nakwento nya na rin sakin kung gaano nya kamahal si Sena, nasabi nya rin sakin na alam nyang ex ko si Sena at lagi daw umiiyak si Sena dahil sakin. Hindi ko sinabi kay Trey ang dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay kay Sena, basta sinabi ko lang sa kanya na ayaw ko na kay Sena kahit hindi yun totoo. Nag-advise ako sa kanya...

"Diba mahal mo si Sena?"

"Oo, bakit?"

"Pare, advise lang mula sa isang kaibigan... pede ligawan mo si Sena? Pede tulungan mo si Sena na makalimutan na ako? Court her, pare. Please, I beg you."

"Allen, kahit hindi mo sabihin, kahit hindi ka magmakaawa, I'll really court her. Medyo tanga ko lang eh, ngayon ko lang naisip yun. Basta wala ng bawian ah, akin na si Sena." 

Nginitian ko lang si Trey kahit sa loob loob ko ay nasasaktan ako. I somewhat trust Trey and believe in him, alam kong tunay yung pagmamahal nya kay Sena at hindi nya 'to sasaktan.

#7. Go out on a date.

#8. Have atleast 3hrs call with a guy you dated recently.

"Pare, advice lang para sa panliligaw mo kay Sena."

"Ano yun, dude?"

"Yayain mo ng date si Sena, mahilig sya sa mga theme parks like Enchanted. Sobrang mageenjoy sya dun."

"Talaga?"

"Oo. Tapos habang nakasakay kayo sa rollercoaster, hawakan mo kamay nya. Kahit kasi mukhang matapang yun sumakay sa mga rides na ganun, matatakutin pa rin yun sa loob loob nya. Sigaw mo rin sa kanya na mahal mo sya."

"Allen... bakit sinasabi mo 'tong mga bagay na 'to? Wala ka na ba talagang nararamdaman sa ex mo?"

"I don't deserve Sena, sasaktan ko lang sya. I trust you Trey, pasayahin mo si Sena." tumalikod na ako sa kanya pero bago ako maglakad nagsalita ulit ako, "Oo nga pala, after that date, try to call her for atleast 3hrs or more... Ma-aappreciate nya yun ng sobra, believe me."

Para lang din akong tanga nun, sinundan ko rin sila sa date nila sa Enchanted... malapit na kasi akong mamaalam kay Sena at gusto ko makita ko palagi ang mukha nya... lalo na yung mukha nyang nakangiti at sobrang saya... Gusto ko bago ako umalis, makita ko man lang na masya at hindi na nasasaktan si Sena, na kaya nya ng wala ako...

"Uy, bakit ka umalis sa bench? Anong meron?"

"Ah wala, parang may nakita lang ako kakilala, imagination ko lang."  tama Sena, magiging imagination na lang ako ng buhay mo. Hanggang imagination na lang ako, kelangan hindi na ako magexist sa buhay mo para hindi ka na masaktan.

#9. Enjoy his company.

 I don't deserve you Sena... Sena, you deserve someone like Trey na pahahalagahan ka at hindi ka papaiyakin.

#10. Evaluate your feelings.

Wala na kami ni Lala, nakipagbreak na rin ako sa kanya. Sinabi ko sa kanya ang totoo, sya lang nakakaalam... Sobrang nagsorry ako sa kanya at alam kong nasasaktan sya. Pero wala na akong magagawa, hihilingin ko na lang na sana makahanap din si Lala ng lalaking magmamahal sa kanya afterall, she's such a sweet girl, she deserves someone better.

Bago ako pumunta sa airport, nilagay ko ang way#10  sa locker ni Sena. Alam ko kasi na matagal pa bago matapos ang test nya. Mga 12:30pm pa kaya naman, saktong 12.30pm tinawagan ko sya.

"Hello?" namiss ko talaga ng sobra ang boses nya, habang buhay na ata 'tong magpapaulit ulit sa isipan ko. Hindi ko pinalampas ang huling usapan namin na ito, nirecord ko sya.

"Sena..." ...mahal kita...

"Ah, Allen... napatawag ka..."

Marami akong gustong sabihin sayo pero ayaw kong lituhin ka pa. Sapat na akong malamang masaya ka na kay Trey.

"Mahal ka ni Trey, magtiwala ka sakin. Hindi ka sasaktan nun. Masaya akong makitang masaya kang kasama sya. Masaya ako para sa inyo. Wag ka na ulit iiyak Sena, ha?"

"Huling tanong, mahal mo pa ba ako?" 

Narinig kong dumating na yung eroplano ko, tumayo na ako at bago ko patayin ang telepono ko...

"Sena, dare to fall inlove again. Yan ang 11th way to forget me."

Paalam, Sena Marie Reyes. 

--- There's a give away sequel for this. Very short, contains chapters. Go to the next page if you want to read it. :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro