11 Ways to Forget your Ex-boyfriend // Intro
Introduction
"Sena, don't tell me wala ka nanamang balak galawin yang pagkain mo?"
Tinitigan ko lang yung pagkain ko habang ginagalaw galaw ko ito ng tinidor ko, "Ang sakit, Kate. Sobrang sakit."
"Ng alin?" tanong nya habang nginunguya nya yung pagkain nya, "Ng tyan mo? Baka natatae ka? Ibanyo mo lang yan tapos balik ka ulit dito pag tapos ka na."
"Gaga. Hindi ako natatae, hindi tyan ko ang masakit."
"Eh alin? Puson mo? Baka meron ka?"
Naipahid ko na lang sa mukha ko ang dalwang kamay ko, "Eeee. Hindi yun! Yung puso ko! Ang sakit ng puso ko!"
"Aaah." walang gana nyang sabi, "Gusto mo tanggalin ko na yang puso mo ng wala ng masakit? Wait ah, kunin ko lang dito sa bagpack ko yung gunting ko..."
Yumuko sya at umaktong may kukunin sa backpack nya, pinigilan ko ito, "Wag! Ayoko! Ayoko pa mamatay!"
"Eh ang arte arte mo eh, sabi mo masakit puso mo. Para walang masakit, tatanggalin ko na lang yan!"
"Napakasadista mo talaga!"
"Atleast hindi ako katulad mong tanga, ang tagal tagal nyo ng break ng boyfriend nyo! magfa-five months na hindi ka pa rin makaget over!"
"Hindi naman ganun kadali yun eh."
"E sus, ako pa sinabihan mo? Eh naka-apat na major break up na ako at alam ko kung gaano kasakit nuh pero hindi ako katulad mo na nagmumukmok ng ganyang katagal. Naiintindihan ko kung hindi ganun kabilis maka-move on pero yung magmukmok ng ganyan katagal ang hindi ko maintindihan sayo. Hindi na yan normal eh, OA na yan bestfriend. OA!"
"Eh anong magagawa ko?" naiiyak na ako, "Mahal ko pa eh! Ramdam ko pa rin yung sakit!"
"Oi, wag kang magsimulang umiyak," tinuro nya ang tinidor nya sakin, "Ayokong makita kang umiiyak ulit. Wag mo ngang iiyakan yang ex mong walang kwenta, mga katulad ni Allen hindi dapat iniiyakan!"
"Sssh!" lumapit agad ako sa kanya at tinakpan ang bibig nya at bumulong, "Hinaan mo boses mo, nasa hindi kalayuang table lang sina Allen. Wag mo banggitin ang pangalan nya."
Sinubukang hanapin ng mga mata ni Kate ang table nina Allen at ng makita nya, tinanggal nya ang kamay ko at nagsalita sa malakas na boses, "Eh ano? Sya lang ba Allen sa mundo? Ang dami daming Allen sa mundo, katunayan nga ang pangalan ng aso ng kapitbahay namin ay Allen eh. Allen daw kasi anlakas ng rabies nung aso tapos parang ulol pa daw at mukhang unggoy yung aso!"
"Uy Kate, ano ba ang lakas ng boses mo, pinagtitinginan na nila tayo." tinakpan ko na lang ang mukha ko ng mga kamay ko, sigurado ako sa pagkakataong ito nakatingin na sa direksyon namin si Allen. Feeling ko nagmemelt ako sa hiya.
"Eh ano naman? Buti ngayon ng marinig ng mga tao dito sa canteen na walang kwenta ang pangalang Allen!"
May biglang sumabat, "Hoy! Allen ang pangalan ko, magingat ka sa mga sinasabi mo miss!"
"Eh ano?! Bakit?! Ikaw ba pinatatamaan ko ha? Ikaw ba ex-boyfriend ng bestfriend ko? Ikaw ba ha?!"
This time napasobra na si Kate, she even mentioned "Allen's name and ex-boyfriend" in public in a high voice. And worst is, I even heard one of Allen's friend said, "Uy tol, tinitira ka ng ex mo oh. Bitter pa rin sayo? Lakas mo talaga!"
"I'm going back to my class." kinuha ko na yung gamit ko, tumayo at umalis na ng canteen. Tinatawag ako ni Kate pero hindi ko sya nililingon, I need to exit.
Naiinis ako, hindi kay Kate o kung kanino man kundi naiinis ako sa SARILI KO. Bakit hindi ko kasi magawang makalimutan si Allen?
Nakilala ko si Allen sa school festival 3yrs ago. Niyaya ako ni Kate na pumasok sa haunted house, kahit ayaw ko ay napilitan akong pumasok kasi pinilit ako ni Kate. Matatakutin ako lalo na pag sobrang dilim ng paligid, lagi akong nakakapit kay Kate pero hindi naglaon, napabitaw ako sa kanya at hindi ko na alam kung saan sya napunta. Sinubakan kong hanapin sya sa madilim na lugar dahil takot na takot na ako, mas lalo akong natakot ng sa paglalakad ko ay may biglang bumagsak na isang malaking gagambang laruan sa ulo ko kaya naman automatic na napakapit ako sa taong pinakamalapit sakin.
"Mama!!" sigaw ko sa takot pagkakapit ko sa taong pinakamalapit sakin.
"Mukha ba akong nanay mo?" napaluwag ang kapit ko sa kanya pero hindi ako bumibitaw dahil takot talaga ako. Nagkataong si Allen yun na noon ay hindi ko pa kilala.
"S-sorry pero p-pede bang kumapit sayo hanggang sa dulo nitong haunted house? Takot na takot kasi ako tapos napahiwalay pa ako sa bestfriend ko."
"Sige," ngumiti sya nun, "30pesos hanggang dulo."
Kahit antipatiko ang first impression ko sa kanya ay hindi nagtagal nakilala ko sya ng lubusan at nagustuhan ko ang pagkatao nya. Nagsimula ako sa pagkakaroon ng crush sa kanya hanggang sa lumalim ito at ng hindi ko makayanan na ang nararamdaman ko ay pinagtapat ko sa kanya. Nalaman kong mayroon din pala syang gusto sakin kaya naman naging kami rin.
Tumagal kami ng isang taon at hindi ko aakalaing tatagal kami ng ganun. Hindi ko rin naman inakalang matatapos na lang din kami ng basta basta.
4months ago, nakipagkita sya sakin para sabihing ayaw nya na sa relasyon namin. Ang dahilan ay may iba na syang gusto, at yun ay isang kaklase nya. Yung kaklase nyang kung ikukumpara sakin ay magandang talaga kaya naman alam kong malabong balikan nya ako. Pero hindi ko talaga matanggap tanggap na iniwan nya na ako, akala ko kasi perpekto na yung relationship namin dati eh. Akala ko... Haay, may mga bagay talagang hindi mo maasahang matatapos ng lang bigla.
Nung uwian na, matamlay akong nagdiretso sa locker ko. Wala na muna akong balak makipagkita kay Kate kasi medyo masama pa ring yung loob ko sa ginawa nya kanina sa canteen. Medyo napasobra kasi sya eh.
Kinuha ko na yung susi ko sa bulsa ko at binuksan na ang locker ko pero nabigla na lang ako ng pagkabukas ko ng locker ko ay may bumagsak na maliit na papel.
Ano naman kaya ito? Baka nakalimutan kong scratch paper sa math? O kaya basurang nakalimutan kong itapon? O loveletter? Weh, ang ambisyosa ko.
Yumuko na lang ako para damputin ito, "To Sena Marie Reyes."
Yung yung nakalagay sa unahan, nakafold kasi 'to eh. Baka nga loveletter?
Binuksan ko na yung fold at binasa ang nakalagay, hindi sya handwritten kundi type written sya, "Your ex-boyfriend is not worth it. I know it's not easy for you to forget him so that's why I'm here to help you. From now on, I'll be sending letters in your locker. 11 letters which will tell you ways to forget your ex-boyfriend. I promise you that it will only take 11 ways to forget your ex-boyfriend."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro