97. Tale: Stream
Tuwing libreng oras ay nililinis ni Chin ang pampang ng ilog. Hindi niya alintana ang pagod at napapangiti na lang na kahit papaano'y nakakatulong siya sa kahit na maliit na paraan.
Isang hapon matapos makakolekta ng mga basura'y nakakita siya ng kumikinang na bagay sa tubig. Nilapitan niya ito't napag-alaman na isa iyong itim na hiyas.
Sa pagdampot niya rito'y biglang umangat ang tubig at niyakayap siya. Natangay ang dalaga dahilan para makita niya ang isang lalaking kulay lumot.
Hindi siya natakot at sa paglapit niya rito'y nagising na lang si Chin sa pampang habang hawak ang puting hiyas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro