
9. Soar
Naiinip at nag-aalala na si Donna sapagkat isang oras nang nakakalipas ay wala pa ring dumaraang pampasasaherong sasakyan para siya'y makauwi.
Pasado alas singko na ng hapon at pasimula ng dumilim at lumamig. Naupo siya at napasapo sa kanyang mukha. Nakarinig siya ng tunog ng bell at mabilis napaalingat.
Isang pamilyar na lalaki ang ngumiti sa kanya't inaya siyang sumakay. Hindi nagpaligoyligoy ang dalaga't umangkas agad.
Sa pagtakbo ng bisikleta'y malumanay ang naging takbo nito'y hanggang sa lumipad ito sa ere. Nakatulog siya at sa kanyang paggising ay nasa tapat na sila ng bahay papasok habang mahigpit na nakayakap.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro