85. Y/02: Square
Tulala si Pearl habang nakadungaw sa labas ng kwarto. Naging manipis ang kanyang paghinga dahilan para mahirapan siyang makapag-isip mabuti.
May kung anong pwersa naman ang nag-udyok sa kanya na pihitin ang ilalim na parte ng Rubik's cube at kusang gumalaw ang mga kamay niya't inikot ni Pearl iyon ng pakaliwa.
Nagsimulang magliwanag ang mga uwang ng hawak niyang Rubik's cube at mistula siyang nahilo sapagkat biglang nasa harapan na siya ng pinto't akmang papasok pa lang sa loob ng silid ng kapatid.
Sa pagkabigla niya'y napatakbo siya sa bintana't sinilip ang labas. Lahat ay pawang nasa ayos.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro