82. Sinner
Tumitingin si Kleos ng mga bagong labas na application at pumukaw sa atensiyon niya ang isang bagong laro na may icon na bituin at ulap.
Pagclick niya rito't pagbasa sa nilalaman ay napangiti siya sapagkat ganitong uring game app ang nais niya.
Sa pag-install niya sa laro't pag-open dito'y bumungad sa kanya ang mga katagang...
"Are you a sinner?"
Sandali siyang napaisip at pinili ang salitang, "No."
Pagkakuwa'y may lumabas na puting liwanag sa harap niya't lumabas ang isang lalaking may pakpak at may hawak na espada.
Sa pagkabigla'y di siya makagalaw at nalagutan na lang ng hininga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro