76. Providence
Napatigil ka sa paglalakad at dinadama ang paghaplos ng hangin. Sa pagpasiyang pagpatuloy sa paglakad ay nakadaupang palad mo ang isang estranghero at nanlaki ang iyong mata.
Sa wari mo'y nakatingin ka sa iyong sariling repleksyon. Napatigil kayong parehas at napatitig.
Nakaramdam ka ng kakaibang presensiya na pumapalibot sa inyo. Isang puting enerhiya na tila pakpak ang lumitaw sa kanang balikat ng estranghero habang sayo'y nasa kanan at kulay itim.
At sa isang iglap ay may trangkahang pinto ang lumitaw sa kawalan. Sa pagbukas nito'y samu't saring mga halimaw ang nagsilabasan.
Dito nagsimula ang pagharap niyo sa masalimuot na pakikipagsapalaran.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro