75. Toy Savior
Nanghihina't halos nanlalabo ang iyong mata ng maaninagan mo ang isang bayan. Ngunit dahil sa'yong pagkahapo'y bumagsak ka't nawalan ng malay.
Pagkagising inilibot ng paningin mo ang kabuuan ng kwarto. Makulay at kakaiba ang disenyo ang iyong napansin.
"Kumusta ang pakiramdam mo?"
At sa paglingon mo'y nanlaki ang iyong mata sapagkat mistula siyang laruang kahoy na wangis doktor.
"Totoo ka ba? nasaan ako?!"
"Oo naman! at nandito ka ngayon sa Toycade."
"Huh! papaanong napunta ako rito?"
"Dahil may misyon ka, gaya ng mga sinundan mo." Sabay pakita nito ng larawan.
At napangiti ka ng makita ang larawan ng iyong ama.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro