Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

68. Chirp

Araw-araw na pinagmamasdan ng munting ibon sa bintana ng bahay ampunan ang nakaratay na batang babae.

Sakitin ito't hindi magawang makapaglaro kasama ng iba pang bata, kaya naman madalas ay nakadungaw lang siya sa bintana ng kwarto.

Sa paghuni ng ibon na tila kumakanta'y napukaw nito ang atensyon ng bata at muling sumilip ang ngiti nito sa labi.

Naging ganoon ang takbo ng kanilang pagkakaibigan hanggang sa isang araw ay naging maganda ang lagay ng kalusagan ng bata.

Sa kanyang paggaling ay siya namang paglisan ng kaibigan na mapahanggang sa ngayon ay umaasa pa rin na makita niyang muli.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro