65. Inner
Malungkot at puno ng pighati ang buhay na kinahaharap ni Vens. Sa maagang pagpanaw ng kanyang mga magulang ay maaga siyang namulat sa pagtratrabaho upang may maibigay sa tiyahin niyang kumukupkop sa kanya.
Hanggang sa dumating sa sukdulan ang emosyon niya't ninais niyang magpatiwakal. Sa pagtarak niya ng kutsilyo direkta sa kanyang dibdib ay wala siyang naramdamang kirot.
Lumabas mula sa sugat niya ang isang itim na usok na may kakaibang wangis at anyo. Sakto namang pumasok sa kanyang kwarto ang kanyang tiyahin at nakita ang nilalang.
Hindi na naituloy ng ginang ang pagsigaw ng sunggaban siya't lamunin ng nilalang.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro