63. God's Game
Umiiyak at nangangatog ang katawan ni Yui sa matinding pasakit na kinahaharap. Labis siyang natutuliro at nahihirapan sa dapat piliin.
Sa harap ng isang 'di maipaliwanag na pangyayari'y nasadlak sila ng kanyang ina't nobyo sa isang laro na idinidikta ng isang kakaibang nilalang na tinatawag ang sarili niyang isang diyos.
"Iisa lang ang maaaring mong iligtas. Gagamitin mo ba ang susi para sa iyong ina? sa taong iyong iniibig? o di kaya'y sayong sarili?"
Pilit pinapakalma ng dalaga ang isipan kahit maraming bagay ang nagpapagulo nito. Ibinulong niya ang napili at hinayaang siya ang pumasan ng parusa ng may ngiti.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro