54. Reaper's Gift
Bata pa lang ay mulat na ako sa mga kakaibang bagay sa paligid. Nariyan ang araw-araw na kakitaan ng mga ligaw na ispiritu na kalaunan ay nakasanayan na lang. Kagagaling ko lang noon sa simbahan ng may mamataan akong nakahandusay sa daan.
Dali-dali ko siyang nilapitan at napapitlag nang mahawi ang hood na tumatakip sa kanyang mukha. At may sinasambit siyang salitang 'di ko mawari, sa takot ay kumaripas ako ng takbo. Mula ng araw na iyon ay kung sino man ang mahawakan o humawak sa'kin ay nakikitaan ko ng pangitain.
Mga pangitaing ako mismo ang may gawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro