Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

48. Ensemble: Trump

Isang oras kang naghihintay sa plaza para sa kaibigang pinangakuan kang sasamahang mamili ng iyong ireregalo para sa kaarawan ng kasintahan. At habang nakaupo ka'y lumapit ang isang ginang at inalok kang hulaan ng libre na agad mong pinaunlakan upang mawala ang pagkabagot. Pinanood mo siyang magbalasa't paisa-isang ihanay ang limang baraha. Pinapili ka niya ng isang barahang nais mong buksan. At iyong itinuro ang barahang nais. Binuklat niya ito't may ibinulong sa'yo na ikinainis mo. Sa labis pagkairita'y umalis ka't iniwan ang matanda. Sa iyong paglalakad ay nakita mo ang iyong kaibigan kasama ang kasintahan mo't naaktuhang naghahalikan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro