Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

41. Ensemble: Covert

Nanganganib kang bumagsak sa darating na semester sapagkat hindi ka nagpapasok at madalas ay panay pag-iinternet lang ang inaatupag. Sa matinding pag-aalala mong maparusahan ng magulang ay nabuo ang desisyong pasukin at hanapin ang test paper sa faculty room upang paghandaan ang pagsusulit. Kumpyansado't wala kang kinakatakutan sapagkat alam mong may angking kang kakayahan na maglaho. Isinakto mong may klase ang ilang guro upang madali kang makapuslit sa loob at walang maging sagabal sa plano. Hawak mo na ang test paper na sasagot sa iyong problema ngunit nagbago ang pasya mo ng mabasa ang note na katabi nito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro