38. Railway
Matiyagang naghihintay ng masasakyang tren si Jaz sa lumang istasyon ng lungsod na patungo sa probinsya ng kanyang lola. At halos magkakalahating oras na ay wala pa rin ito, kaya naisipan niyang umidlip muna. Naalimpungatan siya ng makarinig ng malakas na tunog hudyat ng paparating na tren. Paghinto nito'y agad siyang sumakay at naupo. Kahit walang katao-tao ay nagsimulang umandar ang tren at sa pagsilip niya sa bintana ay nagulat siya sa kakaibang mundong nasaksihan. Isang boses ang nagpabalik sa kanyang ulirat animo'y nagising sa isang panaginip. At laking gulat ng dalaga ng malamang nasa huling istasyon na siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro