Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

31. Knighthood

Bata pa lang si Elmera ay pangarap na niyang maging isang magiting na kawal ng kaharian kaya araw-araw kung siya'y magsanay sa paggamit ng espada.

Maituturing siyang pinakamagaling sa kanyang henerasyon ngunit nababalewala sa kadahilanang siya'y isang babae.

Hindi siya pinapasama sa mga misyon at madalas ay taga-linis lang ng mga kagamitan. Mariing kinundina ng dalaga ang hindi pantay na trato.  At umabot nga sa pakikipagduelo sa kapitan ng hukbo.

Nanalo si Elmera bagay na ikinatuwa ng iba pang mga kababaihang mandirigma. Sa isang sulok ay nakatago at nagmamasid pala ang prinsipe na nasaksihan ang lahat ng nangyari.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro