30. Dream
Sinuong ko ang panganib upang marating ang mahiwagang puno na pinaniniwalaang nagbibigay ng angking kapangyarihan sa kung sino man ang kakain sa bunga nito.
Sa aking paglapit dito ay nagliwanag ang mga dahon nito at nahulog ang isa sa mga bunga. Sinalo ko ito ng dalawang kamay at tangkang kakagatin na ang prutas ng magliwanag ang puno. Nakita na lang sarili na pumapadalusdos sa bahaghari at pikit mata akong nahulog...
Sa aking pinaghihigaan at napagtantong isa lang pala itong panaginip. Ngunit sa aking pagbangon ay laking gulat ng makita ko sa lapag ang mahiwagang bunga na unti-unti ng naglalaho.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro