29. Sail Above
Narito ako ngayon sa harapang parte ng barko't pinagmamasdan ang 'di makitang dulo ng karagatan. Ang maalon at paghampas ng tubig sa gilid nito ang siyang nagbibigay sa akin ng kakaibang saya. Dagdag pa ang malamig na hanging lalong nagpapagulo sa aking buhok.
Isang babae ang tila hilong-hilo ang namataan sa gilid, kaya naman inalok ko siya ng isang gamot at mabilis na naibsan ang kanyang nararamdaman.
Nagpasalamat siya't sabay naming pinagmasdan ang tubig. Hinawakan ko ang aking kwintas na may asul na bato at sa isang iglap ay nalundagan ang mga dolphin sa tubig na todong ikinamangha niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro