Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

28. Smile

Pinanganak akong bingot at may pagkabanlag kaya madalas tampulan ng tukso. Pag-uwi sa bahay ay dinadaan ko na lang sa ngiti ang lahat ngunit kahit ganoon ay hindi ako nagkulang sa pagmamahal galing sa aking magulang. Sila ang nagsisilbi kong lakas laban sa mapang-aping mundo.

Isang araw habang naglilinis ng kwarto ng namayapa kong lola ay nakakita ako isang baul. Sa loob ay mayroong magarang maskara. Pinagkatuwaan ko itong soutin at laking gulat ng maging maayos ang aking hitsura.

Sinubukan kong maglakad sa bayan at sa 'di inaasahan ay nabunggo ko ang isang taong matagal ko ng sinisinta.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro