24. Might
Oras ng trabaho ng makaramdam ako ng malakas at nakakahilong pagyanig. Sa takot ay agad akong lumusot sa ilalim ng mesa upang makapagtago at makaiwas sa lahat ng naglalaglagang bagay.
Nakaramdam na lang ako ng pagkirot sa aking paa at napansing may nakadagan dito. Halos mawalan ako ng pag-asa gawa ng unti unting pagmanhid ng binti at paghahabol ng hininga.
Maya-maya'y isang napakalakas na estranghero ang sa akin ay tumulong. Binuhat niya ng walang kahirap-hirap ang mga nag-uumpukang pader at inalis ako sa pagkakaipit. Sa labis na pagkabigla ay napatitig na lang ako sa kanyang mukha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro