Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

22. Second

Nagsimulang magbago ang takbo ng boring kong buhay ng makadaong-palad ang isang 'di pangkaraniwang tao. Madaling araw yaong makauwi galing sa kaarawan ng katrabaho't habang binabagtas ang kahabaan ng kalye ng subdivision ay dalawang lalake ang humarang sa akin na may mapupula at nanlilisik na mga mata.

Sa labis na pagkagimbal ay mistula akong tuod na pinanood ang pagdating ng isa pang lalake na sumakmal at dumukot sa kanilang puso. Labis akong kinilabutan at nanginig ng papalapit siya sa'kin na wari'y may sinasabi. Sa tindi ng traumang naramdaman ay unti-unting bumigat ang pakiramdam kasabay ng pagdilim ng paningin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro