Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

21. Devotion

Tanyag ako bilang magiting na hari ng isang maunlad at mapayapang kaharian. Gamit ang aking espada't kalasag ay buong tapang kong ipinagtatangol ang nasasakupan laban sa mga mananakop at kakaibang nilalang na nais maghasik ng kaguluhan.

Sinundan ng aking anak na babae ang yapak na tinahak ngunit sa kasamaang palad ay nasawi siya sa huling digmaang aming kinaharap. Nagluksa man ang buong kaharian ay mas naging inspirasyon naman siya sa pinamalas na kagitingan lalo sa mga kabataan.

Sa dapit hapon ng buhay ay masaya ko na lang tinatanaw sa balkunahe ng kwarto ang mga bunga na nilikha ng kahapong pakikibaka.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro