Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

16. Tribute: Art

Tuwing nais mong magpinta ay sa likod bahay niyo ikaw nagtutungo. Doon ay mas payapa ang iyong isipan habang nasa lilim ka ng punong mangga. Lahat ng iyong saloobin ay pinapakawalan sa bawat pagsagi ng iyong brush sa canvas. Itinatangis mo ang lahat ng masasayang alaala na nagbibigay kulay at sigla sa iyong nilikha. Masaya kang binati ng iyong anak na patakbong papalapit sa iyo. Ikinulong niyo ang isa't isa sa yakap ng kasiyahan habang pinagmamasdan ang natatanging obrang iyong nilikha. Sa dapit hapong iyon ay nakaramdam ka ng tila may humawak sa iyong pisngi. Mainit at puno ng pagmamahal.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro