Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

96.Paubaya

Paubaya

Ang Poong Maykapal na ang nagpasya,
sa mga dalangin kong puro 'hindi' ang sagot.
Kaya't ako'y nagparaya,
dahil ating pagmamahalan ay wala na talagang dulot.

Hindi na maaaring ipilit,
ang mga pusong nagkaroon ng lamat.
Kaya't tayo'y namaalam saglit.
Ngunit ang totoo'y nauwi rin sa  katagang 'salamat'.

Kahit anong gawin ko,
kahit palagi kong iparamdam na ako'y nandito.
Kung ika'y nagbago,
matatapos na talaga ang mayroon tayo.

Kaya't tama na!
Puso natin ay palayain.
At tama na sa mga sakit na hain
tanging pagtanggap na ang dapat nating isagawa.

Hindi sa lahat ng oras kailangan lumaban,
minsan kasagutan din ang pagsuko.
Hindi dahil ito ang gusto,
kundi tayo'y lagi lamang nagkakasakitan.

Pagpapalaya sa pusong sugatan,
para tayo'y makawala na sa nakaraan
at bigyan na rin ng pasya
na tayo'y dapat magkaunaawaan, sinta.

Paubaya ang dapat
sa mga sakit na nagtamo ng mga sugat.
Ito na ang dapat nating gawin,
para matapos ang mayroon sa atin.

Kaya ito na ang huli,
at sa pagkikita nating muli.
Ako'y ngingiti,
at sasambitin ang katagang "Salamat sa lahat".

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro